Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teng masaya sa kanyang dalawang anak

MAGHAHARAP sa finals ng UAAP Season 76 ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng kaya inaasahang magiging mahigpit ang labanan ng University of Santo Tomas at De La Salle University.

Kaya masaya ang ama nilang dalawa na si Alvin Teng.

“Wala akong masabi,” ayon sa nakakatandang Teng na dating manlalaro ng San Miguel Beer sa PBA.

Tinalo ng UST ni Jeric ang National University, 76-69, noong Sabado sa kanilang do-or-die na laro sa Final Four upang makalaban ang La Salle ni Jeron sa best-of-three finals na magsisimula sa Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

“Ako siguro sa La Salle side. Hati kami para walang masabi. Kami naman, nagchi-cheer kami para sa anak namin,” ani Alvin na kasama si Jeron sa panonood ng laro ni Jeric.

“Mabigat pareho. Maraming beterano ang UST. Anak ko last year na sa UST. Si Jeron, gusto rin mag-champion.”

Huling nagharap ang La Salle at UST sa finals ng UAAP noong 1999.

Samantala, hindi pa sigurado kung babalik si Bobby Ray Parks sa NU sa susunod na taon pagkatapos na matalo ang Bulldogs sa UST kahit hawak nila ang twice-to-beat na bentahe.  (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …