Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petron vs RoS

HINDI  magkokompiyansa ang Petron Blaze kahit pa kulang sa manlalaro ang Rain Or Shine at sisikaping maipagpatuloy ang kanilang winning streak sa Game One ng 2013 PBA Governors Cup best-of-five semifinal round mamayang 7 pm sa Smart Aaneta coliseum sa Quezon City.

Bukod sa pagkakaroon ng nine-game winning streak, lalong naging paborito ang Petron dahi sa pangyayaring hindi makakasama ng Rain or Shine si Paul Lee na nagtamo ng torn calf muscle sa laro nila kontra Global Port noong Huwebes. Tinalo ng Elasto Painters ang Batang Pier, 108-106 upang makadiretso sa semis at magkaroon ng tsansang maidepensa ang korona.

Madaling ruta din patungong semis ang tinahak ng Boosters nang talunin  nila ang Barangay Ginebra San Miguel, 101-94 noong Myerkoles. Iyon ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo matapos na matalo sa kanilang unang laro sa torneo.

Bagama’t pinapaboran ang Petron ay ayaw ni coach Gelacaio Abanilla III na magkompiyansa ang kanyang mga bata. Kasi’y alam ni Abanilla na mahirap kalaban ang Elasto Painters lalo’t underdogs ang mga ito.

Ang Petron ay nanaig kontra Rain or Shine, 99-84 sa elimination round noong Agosto 23.

Pero sa larong iyon ay hindi pa masyadong pumuputok ang mga Gilas Pilipinas members na sina Jeff Chan at Gabe Norwood na ngayon ay nakabawi na sa dating porma.

Bukod sa dalawang ito ay umaasa rin si Rain or Shine coach Joseller “Yeng”  Guiao sa mga locals na sina Beau Belga, Ryan Arana, Chris Tiu, JR Quinahan at Ronnie Matias.

Sa import match-up ay magtutuos sina Elijah Millsap ng Petron at Arizona Reid ng Rain Or Shine.

Si Millsap, ayon sa mga ekserto, ang siyang pinakamahusay sa mga imports ng kasalukuyang torneo. Si Reid naman ang Best Import ng torneo dalawang taon na ang nakalilipas.

Si Millsap ay susuportahan nina  Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz, Marcio Lassiter at June Mar Fajardo.

Ang magwawagi sa seryeng ito ay makakalaban ng mananalo sa kabilang serye sa pagitan ng SanMig Coffee at Meralco sa best-of-seven Finals.

Ni sabrina pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …