Friday , November 15 2024

P200-B target kaya ng BoC – Palasyo

UMAASA ang Palasyo na maaabot na ng Bureau of Customs (BoC) ang collection target na P200 bilyon kada taon sa pagkakatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga bagong opisyal sa kawanihan.

“Yung estimates po nila—as much as 200 billion pesos a year ang kaya palang i-collect ng Customs kung aayusin lang ‘yung pamamaraan nila sa operations,” ayon kay Communications Secretary Ricky Carandang.

Nanawagan si Carandang sa publiko na bigyan ng ilang buwan ang mga bagong upong opisyal para maipatupad ang mga reporma sa BOC.

“Well, bigyan natin ng panahon, ano, para magawa itong mga—maipatupad itong mga reforms. So panoorin natin, tingnan natin sa mga susunod na buwan, kung itong mga repormang gagawin nila ay magli-lead sa mas mataas na collection sa Customs,” aniya.

Mapatutunayan naman, aniya, kung magtatagumpay ang mga reporma sa BoC kapag nabawasan na ang reklamo ng mga katiwalian sa kawanihan at lolobo ang iaambag nila sa kaban ng bayan.

Nitong Biyernes, itinalaga ni Pangulong Aquino si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Gen. Jesse Dellosa bilang deputy commissioner for Enforcement Group at officer in charge din sa Intelligence Group, at apat na iba pang bagong deputy commissioners sa BoC. (ROSE NOVENARIO)

3 KINGS NG BOC NAPATALSIK SA BALASAHAN

MAAARING magmumukhang promosyon ngunit para sa 27 senior officials ng Bureau of Customs (BoC) kabilang ang tinaguriang “Three Kings,” hindi sila masaya sa kanilang paglipat sa major ports ng Department of Finance’s (DOF) revenue generation group.

Ito ang inihayag ng dalawang collectors at isang aide ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na pawang ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ayon sa sources, nagpasa si Finance Secretary Cesar Purisima ng customs personnel order (CPO) para pirmahan ni Biazon hinggil sa pagtatalaga ng lahat ng collectors 5 at 6 sa DOF cluster on revenue generation.

Ang nasabing cluster ay pinamumunuan ni Revenue Commissioner Kim Henares.

Ang nasabing hakbang ay may basbas ng Malacañang at parte ng reform program sa BoC.

“But there’s a problem,” ayon sa isang collector. “The Department of Finance made it appear the latest personnel reconfiguration was Commissioner Biazon’s idea, who had no recourse but sign the CPO.”

Kabilang sa district collectors na nadamay sa direktiba ng DOF ay ang tinaguriang “Three Kings” na sina Rogel Gatchalian ng Port of Manila, Ricardo Belmonte ng Manila International Container Port (MICP), at Carlos So ng Ninoy Aquino International Airport.

Ang tatlong revenue collectors ay binansagan na mga hari sapagkat mayroon silang 3 maimpluwensyang political backers.

Ang padrino ni Gatchalian ay si Sen. Juan Ponce Enrile, at si So naman ay ang Iglesia ni Cristo, habang si Belmonte ay kapatid ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. (LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *