Friday , November 22 2024

NFA 100,000 MT bigas aangkatin (Rice cartel lalabanan)

093013_FRONT

NAKATAKDANG umangkat ng karagdagang 100 ,000 metriko tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) mula sa Vietnam o di kaya ay sa Thailand sa darating na mga buwan para labanan ang mga rice cartel at tuluyan nang pababain ang presyo ng butil sa bansa.

Sinabi ng isang source mula sa industriya na humiling na huwag banggitin ang pangalan, layunin din ng pag-aangkat na patatagin ang supply ng bigas upang sa ganoon ay tuluyan nang magapi ang mga sindikato na siyang nasa likod ng manipulasyon ng presyo nito.

“Tiyak iyon na aangkat ng 100,000 metriko tonelada ng bigas ang NFA bago matapos ang taon,” anang source.

“Ang hakbang ay gagawin para mapigilan ang mga sindikato na walang ginawa kundi manipulahin at diktahan ang presyo ng bigas sa merkado,” dagdag niya.

Kaugnay nito, tinangkang kapanayamin ng HATAW si NFA Administrator Orlan Calayag upang kompirmahin ang impormasyon nabigo nabigong makontak ang nasabing opisyal.

Gayonman, pinanindigan ng source ang kanyang impormasyon sa pagsasabing nakipagpulong na si Calayag sa kanyang NFA managers na nakatalaga sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon.

Base sa pulong ay napagkaisahan nilang umangkat ng nasabing karagdagang 100,000 metriko toneladang bigas mula sa Vietnam o di kaya naman ay sa Thailand.

Kung totoo ang plano ay tiyak na aani na naman nang pagbatikos ang hakbang mula sa iba’t ibang sektor partikular mula sa makakaliwang grupo na nagsusulong ng interes ng mga magsasaka.

Una na nilang binatikos ang ginawang importasyon ng NFA para sa kasalukuyang taon na sinabi nilang over-priced pero itinanggi ng ahensiya ang alegasyon.

Sinabi ng source na ang proseso aniyang gagamitin ay iyong tinatawag na government to government na hihilingin ng NFA mula sa dalawang bansa na magsumite ng kani-kanilang bid at cost insurance freight- delivered duties unpaid (CIF-DDU) kaugnay ng nasabing importasyon.

Kung matutuloy ang importasyon ay inaasahan umano ng NFA na malaki ang magiging tulong nito para tuluyan nang tuldukan ang isyu sa manipulasyon ng presyo ng bigas.

Kamakailan sa isang pagdinig ay nagpahayag ng pagtataka si Sen. Loren Legarda dahil sa tinawag niyang kabiguan ng ahensiya na pababain ang presyo ng bigas sa kabila ng paglampas na sa lean months at sa pagsapit na ng harvest season.

“Bakit talaga despite the buffer stock, despite na mas maliit ngayon iyong epekto sa climate change sa bigas, ay tumataas ang presyo” ? tanong  ni Legarda sa ginawang hearing sa Senado.

“This year, the prices really shot up; between June and September, we experienced an almost four-peso jump in the retail prices of regular and well-milled rice. For many of our people who live a hand-to-mouth existence, every peso counts. Every peso added to the cost of our staple food is an additional burden they should not have to bear,” dagdag pa niya.

“If there are adequate supplies of rice, our markets should feel it, rice prices should go down.  The best proof of supplies of rice is its price. Until these remain at its present levels, we must continue to ask the DA and NFA to act — and to act now,” diin ni Legarda.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *