Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina dedbol sa polio victim (Resbak sa bullying )

KALIBO, AKLAN – Paghihiganti ang pangunahing motibo ng 39-anyos polio victim sa brutal na pagpatay sa mag-ina sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan.

Inamin ng suspek na si Michael Diangson na hindi niya pinagsisisihan ang pagpatay kina Emily Ruzgal, 45, at Jan Carlo Ruzgal, 16, pawang residente ng naturang lugar.

Ayon sa kanya, palagi siyang binu-bully o pinapahiya ni Jan Carlo sa tuwing sila ay magkasalubong lalo na kapag kasama niya ang kanyang mga barkada at classmates.

Sinabi  ni  Diangson, ilang araw niyang pinag-isipan ang pagpatay kay Jan Carlo at nitong Huwebes ng madaling araw ay nabigyan ito ng katuparan.

Sa kabilang dako, nangibabaw ang takot sa kanyang buhay at ginagambala siya ng kanyang konsensiya kaya sumuko sa mga awtoridad.

Si Jan Carlo ay dumanas ng grabeng sugat sa katawan, wasak ang bungo sa paghampas ng paddle at may apat na tama ng saksak sa kanyang leeg habang ang kanyang ina ay may laslas sa leeg at sinakal ng computer cord.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng two counts ng murder. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …