Tuesday , April 29 2025

Jarencio naiyak sa kasiyahan

NAIYAK si University of Santo Tomas head coach Alfredo Jarencio ilang segundo na lang ang nalalabi bago natapos ang laro sa pagitan ng Growling Tigers at National University Bulldogs para sa ikalawa’t huling Finals berth ng 76th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament noong Sabado.

Tinalo ng Growling Tigers ang Bulldogs, 76-69 upang muling pumasok sa best-of-three Finals kung saan makakasagupa nila ang Dela Salle Green Archers.

Hindi nga napigilan ni Jarencio ang kanyang pagluha habang kinakapanayam siya sa press room at ang nasabi na lang niya ay masaya siya dahil sa nakalusot sila. Ipaliliwanag sana niya na bago nagsimula ang season ay marami ang nagdududa sa kanyang kakayahan.

Well, mukhang itinadhana ang Growling Tigers na makabalik sa Finals at makabawi sa pagkatalo nila sa Ateneo Blue Eagles noong nakaraang season. Ngayon naman ay ang karibal ng Ateneo na la Salle ang kanilang katunggali.

Sa totoo lang ay nakagawa na ng history ang UST dahil sa ang Growling Tigers ang unang fourth placed team na nagwagi ng dalawang beses sa No. 1 seed simula nang gamitin ng UAAP ang  Final Four format noong 14.

At hindi lang iyon ha.

Biruin mong para makarating sila sa Final Four ay kinailangan nilang talunin ang Ateneo sa pagwawakas ng double round elims!

Bale pinabagsak nila ang defending champions at ang top seed!

Pero siyempre, ayaw ni Jarencio na doon na lang matatapos ang kanilang kampanya. Nasa Finals na rin lang sila  ay pupuntiryahin na nila ang kampeonato.

Dehado ulit ang UST kontra La Salle.

Pero dahil sa dinaig na nila ang mga llamadong Ateneo at NU, ano ba naman yung isa pang llamado ang kanilang pabagsakin?

Puwede naman, hindi ba?

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *