NASA proseso pa ng pag-validate ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa report na kabilang si MNLF Commander Habier Malik sa mga napatay sa Zamboanga siege.
Ito ay matapos maaarekober ang militar at pulisya ng identification card ni Malik sa isa sa MNLF casualties nang magsagawa ng clearing operations ang mga tropa ng gobyerno.
Ngunit ayon kay AFP public affairs office deputy chief Maj. Angelo Guzman, dino-double check pa nila sa ngayon kung ang nasabing cadaver na ang natagpuan ID, ay may pangalan na Habier Malik talaga.
Sinabi ni Guzman, mayroong similarities sa nasabing cadaver at sa mga previous records ni Malik na nanguna sa pagsalakay sa siyudad ng Zamboanga.
Sa twitter account ni Guzman sinabi niya: “IDs belonging to Malik found in one killed Nur Misuari fighter in Zamboanga (but) is not a guarantee that he is Malik, though they have similarities.”
Samantala, inihayag ng military spokesman kahapon na maaaring abutin ng dalawang linggo ang clearing operation bago maaaring bumalik ang mga residente sa mga barangay ng Zamboanga City kung saan naganap ang sagupaan.
“Binigyan kami ng approximately two weeks to finish the clearing,” pahayag ni Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, idiniing kailangan i-clear muna ng military forces ang mga erya sa ano mang explosive devices na maaaring iniwan ng Moro National Liberation Front.
“We still need to do clearing. It’s very important that we clear these places. We are doing it by sector and phasing kasi malaki ang area and we have stragglers na nagtatago. (We also have to) remove unexploded ordinances, like unexploded grenades, unexploded mortars which pose a danger to not only to law enforcement and the AFP, but also to residents (when they eventually return),” pahayag ni Zagala. (HNT)