Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNT, Ginebra maggigibaan

PAG-IWAS sa maagang bakasyon at pagbuhay sa pag-asang makarating sa itaas ang mithi ng Talk N Text at Barangay Ginebra San Miguel sa magiging salpukan nila sa  sudden death match para sa huling quarterfinal berth ng 2013 PBA Governors Cup mamayang 7:15 pm, sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City.

Dinaig ng Tropang Texters ang Gin Kings, 113-99 noong Linggo sa pagtatapos ng nine game elims. Dahil dito ay nagtabla ang TNT at GSM kasama ng Air 21 sa ikawalong puwesto sa record na 3-6.

Pero mas mababa ang quotient g Express kung kaya’t tuluyan silang nalaglag.

Ang mananalo sa duwelong Tropang Texters at Gin Kings ay makakatagpo ng Petron Blaze sa quarterfinals.

Ang quarterfinals ay mag-uumpisa bukas sa Araneta Coliseum kung saan magkikita ang Meralco at Barako Bull sa ganap na 5:15 pm at magsasagupa ang SanMig Coffee at Alaska Milk sa ganap na 7:30pm.

Ang mananalo mamaya ay makakatunggali ng Petron Blaze sa Huwebes sa ganap na 7:30 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Sa unang laro sa ganap na 5:15 pm ay magtutuos naman ang defending champion Rain Or Shine at Global Port.

Ang Petron, SanMig Coffee, Meralco at Rain Or Shine ay pawang may twice-to-beat advantage sa quarterfinals. Kung mananalo sila nang minsan  ay tutulak na agad sila sa semifinals.

Kahapon sana gaganapin ang laro sa pagitan ng Tropang Texters at Gin Kings subalit ito’y ipinagpaliban bunga ng malakas na ulan at pagbaha na pumilay sa Metro Manila.

Sa tagumpay kontra Gin Kings noong Linggo, ang Talk N Text ay nagkaroon ng balanseng opensiba kung saan anim na manlalaro ang nagtapos nang may double figures sa scorig.

Sila’y pinangunahan ng bagong import na si Courtney Fells na nagtala ng 26 puntos. Si Fells ay humalili kay Tony Mitchell  at nagpugay kontra Rain Or Shine noong Miyerkoles. Natalo ang Talk N Text sa larong iyon, 104-102.

Nakatulong ni Fells sina Harvey Care na nagtala ng 18 puntos, Ali Peek (16), Jimmy Alapag (15), Larry Fonacier (12) at Jayson Castro (11).

Ang Gin Kings ay nakakuha ng game-high 31 puntos buhat sa import na si Dior Lowhorn. subalit kinapos siya ng suporta buhat sa locals dahil dalawa lang ang nag-ambag ng double figures. Ang reigning Most Valuable Player na si Mark Caguioa ay nagtala ng 29 puntos at nagdagdag naman ng 18 si LA Tenorio.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …