Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Playoff sa PBA ipinagpaliban

DAHIL sa malakas na ulan na dulot ng habagat kahapon, ipinagpaliban ng PBA ang knockout na laro ng Talk ‘n Text at Barangay Ginebra San Miguel para sa huling puwesto sa quarterfinals ng Governors’ Cup na dapat sanang gawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Gagawin ang larong ito mamayang alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang mananalo rito ay aabante sa quarterfinals kalaban ang Petron Blaze na may hawak na twice-to-beat na bentahe.

Ipinuwersa ng Tropang Texters ang nasabing knockout game pagkatapos na padapain nila ang Kings, 113-99, noong Linggo sa Mall of Asia Arena dahil sa 26 puntos ng bago nilang import na si Courtney Fells.

Magsisimula ang quarterfinals bukas sa Big Dome kung saan maghaharap ang Meralco at Barako Bull sa alas-5:15 ng hapon at San Mig Coffee kontra Alaska sa alas-7:30 ng gabi.

Sa Huwebes ay magtutunggali ang Rain or Shine kontra Globalport sa unang laro at Petron kalaban ang Ginebra o TNT sa ikalawang laro.

Bukod sa Boosters, hawak din ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals ang Coffee Mixers, Bolts at Elasto Painters.            (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …