Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Obrero kinasuhan ng rape-slay sa 12-anyos

SINAMPAHAN ng kaukulang kaso ng pulisya ang construction worker na nanghalay at pumatay sa 12-anyos dalagita noong Biyernes ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Ayon kay Muntinlupa police chief Senior Supt. Roque Vega, kasong Rape with Murder ang ikinaso kay Reynante Odono, 26, tubong Sorsogon at naninirahan sa 7-A Extension Ylaya St., Alabang, matapos ituro ng testigo na siyang may kagagawan sa pagpatay at paggahasa sa biktimang si Stephanie Cristel, residente ng 207 T. Molina St., Alabang.

Natagpuan ang bangkay ng dalagita sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali katabi ng kanilang tirahan dakong 3:30 ng madaling araw, Biyernes, Agosto 13, matapos hanapin ng kanyang amang si Ronald Elba.

Sa imbestigasyon ng pulis-ya, puwersahang pinasok ng suspek na umano’y lango sa ilegal na droga ang biktima sa unang palapag ng kanilang tirahan dakong 3:00 ng madaling araw habang natutulog sa ika-lawang palapag ng bahay ang  kanyang mga magulang.

Puwersahan binuhat ng suspek ang dalagita at dinala sa ginagawang gusali at dito isinagawa ang krimen.

Nang manlaban umano ang biktima, sinakal siya ng suspek hanggang mamatay.

Pagkaraan ay natagpuan  ni Ronald ang anak na gulagulanit na ang damit at walang malay kaya’t mabilis nilang isinugod sa Alabang Medical Center ang bata ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa follow-up operation ng pulisya, agad nadakip ang suspek.                 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …