Sunday , December 22 2024

Namingwit ng pulutan senglot nalunod

NALUNOD ang isa sa dalawang lalaking namimingwit ng isda para gawing pulutan nang lumubog ang kanilang bangka sa Laguna de Bay sa bisidad ng San Pedro sa lalawigan ng Laguna.

Kinilala ang biktimang si John Eric Cruz.

Ayon sa ulat, si Cruz ang kaibigan niyang si Jerome Berroya ay namingwit sa Brgy. Landayan.

Ngunit bago pa man sila makahuli ng isda ay napuno ng tubig ang bangka hanggang sa lumubog sa maputik na bahagi ng lawa.

“Tinanong daw ni Jerome si John Eric kung marunong siyang lumangoy dahil malapit na silang lumubog,” pahayag ni Supt. Chito Bersaluna ng San Pedro, Laguna police.

Sinabi ng pulisya na nagawang makalangoy ni Berroya patungo sa lugar na maraming water lily hanggang masagip siya ng dumaang mga mangingisda.

Isinagawa ang search and rescue operation hanggang magdamag para sa biktima.

|Tinusok namin ‘yung tubig, nakapa namin ‘yung lumubog na bangka tapos sa paligid noon ay hinanap namin siya pero wala eh,” ayon kay PO1 Leandro Pagulayan.

Makaraan ang 10 oras na paghahanap, natagpuan ang bangkay ng biktimang lumulutang malapit sa lugar kung saan lumubog ang bangka.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *