Sa mga nasilip sa naganap na takbuhan nitong nakaraang Martes sa SLLP ay ang mga sumusunod: LAGUNA – maganda ang nagawang diskarte at sa bandang huli na lamang ginalawan bilang isang diremateng mananakbo. ROYAL CHOICE – nakagawa ng sorpresa dahil siya ang nangbigla sa harapan bilang isang dehado. MARKET VALUE – tila talagang inaalalayan lang na mailabas ang totoong kapasidad niya at baka tumaas ang grupo.
HOMERUN QUEEN – nabatak na. PUUUMA – sinasanay parematehin. ALLBYMYSELF – nakuha sa tiyaga ni Jeff Zarate. CAFÉ RODOLFO – nawa’y preparado na siya ng husto upang makatagal sa susunod niyang laban. MAMASOONG – napabor ang maikling distansiya.
FLUSH AWAY – ginawa na ang lahat sa kanya ni Louie Balboa, subalit nabigo lang sa ikli ng laban. Kaya bawi sa susunod. FINE BLUFF – kinalabit at nagtagumpay naman, medyo gumaan na rin kasi ang kanyang laban kumpara sa mga nauna. NORTHLANDER – tila may tulog talaga kapag nalalapitan at natatabihan sa harapan.
MY NAME JON – nakapulot ng karera. CONNOR TOPNOTCHER – sobrang layo ng pinanggalingan, hindi kaya nagkamali ng karkulasyon? AMBERDINI – napabayaan sa unahan, kaya sorry na lang sa mga nakalaban at Jeff Zarate pa ang nasa ibabaw. BALLET FLATS – huwag basta iiwan.
Fred Magno