Sunday , December 22 2024

9 katao kalaboso sa kotong

Kalaboso sa entrapment operation ang siyam katao matapos  mangikil sa mga tsuper ng jeep na dumaraan sa Quiapo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni P/Senior Supt Clark Cuyag ng MPD District Police Intelligence and Operations Unit o DPIOU  ang mga suspek na sina Bernardino Pangilinan, 44; Cristina Rozas, 44; Babylyn Cruz, 22;  Rosmarilyn Pangilinan, 23;  Randy Igbuhay, 25;  Teofilo Bugtong, 46; Ernesto Potente Jr., 46; Ernesto Potente, 65;  RJ Marquez,  21 at Rosana dela Cruz.

Dinakip ang mga suspek dahil sa reklamo ng mga driver na puwersahan silang  kinikikilalan ng mga respondent upang makaraan sa Hidalgo St., Quiapo.

Ayon sa mga complainant,  kapag hindi sila nagbigay sa grupo ng mga suspek, sila ay tinatakot sa pamamagitan ng pagtutok ng baril o kut-silyo at hindi na pinapa-yagang dumaan sa lugar.

Sinisira rin aniya ng mga suspek ang kanilang mga jeepney sa pama-magitan ng pagpukpok ng matigas na bagay.

Nitong Martes ng hapon, Setyembre 17, inilatag ang entrapment sa mga suspek at aktong kinikikilan ang mga dri-ver ay pinaghuhuli ang mga respondent na isinailalim sa inquest proceeding ng piskalya.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *