Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 koponan aatras sa PBA D League draft

HINDI na sasali ang NLEX, Cafe France at Cebuana Lhuillier sa gagawing Rookie Draft ng PBA D League na gagawin ngayong alas-2 ng hapon sa opisina ng PBA sa Libis, Lungsod ng Quezon.

Hawak ng Bakers ang top pick sa draft kung saan ang inaasahang magiging top pick ay ang point guard ng San Miguel Beer na si Chris Banchero ngunit sinabi ng isang opisyal ng Bakers na papasok ang koponan sa tie-up sa Centro Escolar University sa ilalim ng head coach na si Egay Macaraya.

“We owe it to the (CEU) students so we’re giving the players the exposure in the D-League,” wika ng team manager ng Cafe France na si Jefferson Plaza.

Ang Cebuana naman ay sasanib sa University of the East ng UAAP sa ilalim naman ni coach Boysie Zamar samantalang ang NLEX ay papasok sa tie-up kasama ang San Beda College.

Dahil sa pangyayari, puwedeng kunin ng Blackwater Sports si Banchero kapag nakipag-trade ito sa Boracay Rum na siyang hahawak ng top pick sa D League draft.

Samantala, papasok bilang bagong koponan sa D League ang Banco de Oro na pagmamay-ari ng pamilya Sy na may-ari rin ng SM.

Ang mga manlalaro ng National University sa pangunguna ni Bobby Ray Parks ang  kasama sa lineup ng Banco de Oro dahil sa school tie-up.

“We just want to give our boys a team in the D-League, sharpen them more in higher level competitions. Our players have been requesting for the formation of a D-League team from us. So instead na kanya-kanyang team sila, we decided to form one for them,” ani BDO team manager Fullton Sy.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …