Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA dinudumog pa rin

NATUTUWA ang pamunuan ng PBA sa magandang pasok ng mga tao ngayong Governors’ Cup.

Noong Linggo ay naitala ng liga ang pinakamalaking attendance figure  ngayong torneo dahil 15,072 na tao ang nakapasok sa Smart Araneta Coliseum para sa mga larong Barako Bull-Globalport at San Mig Coffee-Barangay Ginebra San Miguel.

Ayon kay PBA Media Bureau Chief Willie Marcial, lalong naging interesado ang mga taong manood ng mga laro ng liga dahil sa tagumpay ng Gilas Pilipinas noong FIBA Asia Championships kung saan lahat ng mga manlalaro nito ay galing sa PBA.

“Na-sustain ang interes ng mga tao sa PBA because of Gilas,” ayon kay Marcial sa panayam sa Radyo Singko 92.3 News FM. “Pati mga classmates ko sa elementary, humihingi sila ng tiket sa akin para manood ng games live.”

Idinagdag ni Marcial na kahit sabay ang PBA sa UAAP, patuloy pa rin ang suporta ng mga tao sa PBA lalo na nagiging mahigpit ang mga laro sa Governors’ Cup.

Malaking tulong din ang pagpapalabas ng PBA sa dalawang istasyon — ang IBC 13 at Aksyon TV 41 — sa ilalim ng Sports5.

Samantala, babalik ang PBA sa PhilSports Arena sa Pasig sa Setyembre 13 kung saan maghaharap ang Air21 at Talk ‘n Text sa unang laro at Alaska kalaban ang Petron sa ikalawang laro.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …