Friday , December 19 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Sa masamang kalagayan ng bansa
‘REBRANDING’ NI MARCOS Jr., ‘DI SOLUSYON

071723 Hataw Frontpage

HATAW News Team PINAYOHAN ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas nitong Linggo, 16 Hulyo, ang administrasyon na tumigil sa mga ‘rebranding project’ nito na tila nagiging obsesyon na at nagiging dibersiyon mula sa mga tunay na dapat trabahuin gaya ng pagbibigay ng mas mataas na sahod at disenteng trabaho para sa mga Filipino at pagpapababa ng presyo ng mga bilihin …

Read More »

Si Senadora at ang demolition job

Dragon Lady Amor Virata

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MALAYO pa ang 2025 local elections ngunit tila nagsisimula na ang ‘operation demolition job’ o paglalabas ng mga ‘baho’ ng mga tatakbong mayor sa lungsod ng Las Piñas. Isa na rito ang maugong na usap-usapan na isang mambabatas mula sa mataas na kapulungan ng bansa ang ‘bababa’ para sambutin ang pagiging alkalde ng lungsod …

Read More »

Mag-stock ng Krystall Herbal Oil, rekomendasyon ng senior people

Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Arsenia Baticulon, 67 years old, nakatira sa Norzagaray, Bulacan.          Nais ko pong i-share ang ginhawa at kabutihang dulot ng Krystall Herbal Oil sa aking kalusugan bilang senior citizen.          Gaya po ng inaasahan, marami nang masasakit na kasu-kasuan ang isang senior citizen na …

Read More »

Maayos na serbisyo ng MORE Power sa Iloilo City ibinida ni Sen. Grace Poe

MORE Power iloilo

IBINIDA ni Senator Grace Poe ang maayos na serbisyo ng More Electric and Power Corporation (MORE Power), ang distribution utility sa Iloilo City, na sa loob lamang ng tatlong taon mula nang mabigyan ng legislative franchise ay nagawang maresolba ang malaking problema sa brownouts at mataas na singil sa koryente sa lalawigan. Ang pagbida sa MORE Power ay ginawa ni …

Read More »

Kayla Jane Langue nagreyna sa Para Chess Women Sports

Kayla Jane Langue Chess

MANILA — Nagkampeon si Kayla Jane Langue sa katatapos na Philippine Sports Commission (PSC) at Pilipinas Para Games-backed chess tournament na tinaguriang Para Chess sa Women Sports na ginanap sa Athlete’s Dining Hall ng PhilSports Complex sa Pasig City nitong Sabado, 15 Hulyo 2023. Ang 20-anyos na nakabase sa Las Piñas City na si Langue, tubong Agusan del Norte ay …

Read More »

Sa pag-renew ng partisipasyon
PH SA GSP PLUS NG EU MAGPAPALAKAS NG EXPORTS, PAMUMUHUNAN

European Union Euros

MALUGOD na tinanggap ni Senador Win Gatchalian ang panukalang pagre-renew ng partisipasyon ng Filipinas sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) at sinabing ito ay inaasahang magpapalakas ng exports ng bansa at magpapataas ng pamumuhunan. “Ako ay nagagalak na malaman na ang European Commission ay iminungkahi na i-renew ang pakikilahok ng bansa sa GSP+ scheme dahil ito ay tiyak na …

Read More »

Tulak swak sa buybust

shabu drug arrest

BAGSAK sa kulungan ang isang tulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buybust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong suspek na si Julio Padua, Jr., 50 anyos, pedicab driver, residente sa Custodio St., Santolan, Malabon City. Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang …

Read More »

Babaeng wanted sa child abuse arestado sa Navotas

arrest, posas, fingerprints

ISANG babaeng nakatala bilang most wanted ang nadakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Daisy Javier, 26 anyos, residente sa J. Pascual St., Brgy. Tangos-North ng nasabing lungsod. Sa ulat ni Col. Umipig, nagsasagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena …

Read More »

Para sa reintegrasyon sa lipunan
PDLs AGRO-INDUSTRIAL PROJECTS NG PALASYO

Farmer bukid Agri

SASANAYIN sa agro-industrial projects ng gobyerno ang mga persons deprived of liberty (PDL) o mga detenido sa mga kulungan sa bansa. Kabilang sa isasama sa programa ng gobyerno ang mga PDL para bigyan ng pagkakataon ang kanilang potensiyal sa gawaing bukid dahil gagamitin ang malalawak na lupain ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagpapaunlad ng agrikultura. Naging saksi si …

Read More »

30 Pinoys stranded sa Port of Sudan

Sudan

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pahirapan ngayon ang paghahanap ng available flights para masakyan ng mga pauwing Filipino sa bansa. Aminado ang DFA, hirap sila ngayon sa isinagawang repatriation operation sa mga kababayan na naiipit sa kaguluhan sa Sudan. Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Cortes, punuan ngayon ang mga eroplano sa Saudi Arabia dahil natapat sa …

Read More »

Sa Magpet, Cotabato
ESKUWELAHANG NAHAGIP NG LANDSLIDE NILISAN  
6 sa 10 silid-aralan idineklarang hindi ligtas

Flood Baha Landslide

NAGPASYANG lisanin ng mga opisyal ng isang high school sa bayan ng Magpet, lalawigan ng Cotabato ang kanilang paaralang nasa tuktok ng burol matapos tamaan ng landslide noong isang linggo bunsod ng malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga estudyante at mga empleyado. Pahayag ni Rovelyn Isogon nitong Biyernes, 14 Hulyo, Punong-guro ng Bongolanon National High School, …

Read More »

Hubad na retrato ibinebenta online
KAMBAL NA PASLIT, 2 BATA NASAGIP MULA SA SARILING MGA MAGULANG

lovers syota posas arrest

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang apat na batang magkakapatid, kabilang ang kambal na paslit, na pinaniniwalaang dumanas ng pang-aabusong sekswal habang ‘isinusubasta’ online ng kanilang sariling mga magulang sa Brgy. Taculing, lungsod ng Bacolod, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 14 Hulyo. Ayon kay P/Capt. Christine Cerbo, OIC ng Women and Children Protection Desk (WCPD) – Bacolod, pinangunahan ng Women …

Read More »

Suspek sa ‘Salilig hazing case’ tiklo sa Laguna

hazing dead

NASAKOTE ng pulisya nitong Huwebes, 13 Hulyo, sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, ang isa sa mga suspek sa kaso ng hazing na nauwi sa pagkamatay ng isang estudyante ng Adamson noong Pebrero na si John Matthew Salilig. Sa ulat ni P/Col. Harold Depositar, Provincial Director ng Laguna PPO, kay P/Brig. Gen. Carlito Gaces, Regional Director ng PRO4-A, kinilala …

Read More »

Nene patay sa bungkos na buko ng Niyog

Coconut

ISANG 7-anyos batang babae ang namatay matapos matamaan ng isang bungkos ng buko mula sa puno ng niyog sa liblib na barangay ng Mua-an, sa lungsod ng Kidapawan, lalawigan ng Cotabato, nitong Biyernes ng hapon, 14 Hulyo. Kinilala ni P/Capt. Razel Enriquez, deputy police chief ng Kidapawan CPS, ang biktimang si Shikayna Aguirre, 7 anyos, nakatakdang pumasok bilang Grade 2 …

Read More »

Sa Bulacan,
3 TULAK, 2 MANYAKIS NAKALAWIT

Bulacan Police PNP

NADAKIP ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga at dalawang indibidwal na may kasong pang-aabuso nitong Sabado, 15 Hunyo, sa patuloy na pagsisikap ng pulisya na masawata ang kriminalidad sa Bulacan. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, naaresto ang tatlong suspek sa droga sa serye ng drug …

Read More »

Jane kinilig, super pasalamat sa pagbibida sa serye

Jane Oineza

MA at PAni Rommel Placente HINDI lamang isa kundi dalawang bigating teleserye agad ang unang pasabog ng ABS-CBN Entertainment at TV5 sa hapon sa pamamagitan ng Pira-Pirasong Paraiso at Nag-Aapoy Na Damdamin na magsisimula nang umere sa Hulyo 25 (Martes). Sa Nag-Aapoy na Damdamin, isa si Jane Oineza sa dalawa sa pangunahing bidang babae rito, na ang isa ay si Ria Atayde. Kaya naman natanong siya kung anong feeling na bida na …

Read More »

Pokwang respeto ang unang-unang nawala kaya nakipaghiwalay kay Lee

Pokwang Lee Min Ho

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ni Luis Manzano kay Pokwang, na mapapanood sa kanyang YouTube channel, tinanong ng una ang huli  kung ano ang naging senyales nito para makipaghiwalay matapos sa ilang taong pagsasama nila ni Lee O’Brian? Sagot ni Pokwang, “Wala nang respeto, ‘yun. Nararamdaman ko na na parang, ‘ah, ok. Hangin? Ito ako o.’ So, wala nang respect. Kaya nanggigigil akong gamit na gamit …

Read More »

Dingdong ratsada sa trabaho

Dingdong Dantes

COOL JOE!ni Joe Barrameda ANG galing ni Dingdong Dantes. Ang dami niyang project sa GMA pero nagagawa niyang lahat with proper scheduling.  Sinisiguro niya na may panahon siya para sa kanyang pamilya. Bukod sa napakarami niyang project sa GMA, may pelikula pa sila ng asawang si Marian Rivera para sa upcoming Metro Manila Film Festival para sa December.  Kaya lalong excited si Dingdong sa upcoming movie project na …

Read More »

Yorme Isko klik ang mga linyahang pinauuso sa Eat Bulaga

isko Moreno Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGALING magpa-uso ng mga linyahan si Yorme Isko Moreno sa Eat Bulaga. Siya ang nag-coin ng mga katagang, “joy and hope o tulong at saya,” na siyang slogan o theme ng noontime show sa GMA 7. Then may bago siyang one-liner na “Happy?” bilang pagtatanong niya sa isang portion ng show na hinu-host niya sa studio kasama ang iba pa. May ginagawa …

Read More »

Claudine iginiit inalagaan at pinrotektahan dangal ni Rico

Claudine Barretto Rico Yan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MATULOY kaya ang pagdedemanda ni Atty. Ferdie Topacio at iba pang mga Claudinians laban kay Sabrina M? Three days lang kasi ang sinabing palugit ni Sabrina to make her public apology or else nga ay maidedemanda ito. Bilang best friend nga ni Claudine Barretto si Atty. Topacio na naiinis din sa paandar ng dating sexy star hinggil sa usaping Rico Yan (RIP) na nadamay pa ang …

Read More »

Ronnie forever na para kay Loisa

Ronnie Alonte Loisa Andalio

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NOON pa naman bilib kami sa pagiging straight forward sumagot ni Ronnie Alonte. Kaya expected na naming babanggitin niya si Loisa Andalio bilang ‘paraiso’ niya sa mga panahong ito na si Ronnie rin naman ang isinagot ng batang aktres. Ani Loisa, si Ronnie ang nakikita niyang ‘forever’ para sa kanya. We felt the sincerity and honesty sa kanilang mga …

Read More »

Voltes V: Legacy pasok sa Comic-Con Int’l

Voltes V Comic-Con

I-FLEXni Jun Nardo PASOK sa Comic-Con international ang Voltes V: Legacy. Gumawa ng history ang Voltes V matapos mapili bilang kauna-unahang Philippine TV program na lalahok sa San Diego Comi-Con (SDCC) 2023. Naimbitahan ang GMA Network ng Dogu Publishing sa pamamagitan ng CEO nitong si Jery Blank para maging panelist sa annual biggest convention sa California, USA. Bukod sa GMA executives na dadalo at sa director na si Mark Reyes, dadalo …

Read More »

Direk Ricky Rivero pumanaw na 

Ricky Rivero

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang aktor-direktor na si Ricky Rivero, 51. Ipinost ng kaibigang si Harlene Bautista ang malungkot na balita sa kanyang Facebook nitong nakaraang mga araw. Huling nabalita na nagkaroon ng stroke si Ricky at ang ilang kaibigan ay humingi ng dasal at tulong-pinansiyal sa kanyang hospital bills. Galing sa showbiz clan na Salvador si Ricky. Nakagawa rin siya ng ilang movies sa Viva hanggang sa nahinang …

Read More »

Male starlet super ‘paubaya’ kay beki, video at pictures posibleng ikalat 

Blind Item, Mystery Man in Bed

HATAWANni Ed de Leon NAGKUKUWENTO ang isang male starlet tungkol sa isang bakla. Noon daw hindi pa niya iyon pinapatulan napakabait niyon sa kanya.  Ibinibili siya kung ano ang gusto niya, binibigyan pa siyang lagi ng pera. Kaya naman daw nang minsang mangailangan siya talaga, naisip niyang pagbigyan na lang ang bakla tutal mabait iyon sa kanya. Naging madalas na ang kanilang …

Read More »

Mga kampi kay Awra nagsipaglaho na

Awra Briguela

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG wala na ring natitirang kakampi si Awra Briguela matapos makita ng mga tao ang buong katotohanan na nabulgar nang mailabas na ang CCTV ng mga kaganapan sa loob ng bar na nangyari ang rambulan na kanyang kinasangkutan. Nakalabas sa kulungan si Awra dahil pala sa abogado na ipinadala ni Vice Ganda, Kay Vice rin daw nanggaling ang P6,000 …

Read More »