Saturday , April 4 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Divisoria night market vendors tinarahan ng 4M kada buwan?!

Hindi natin alam kung namo-monitor ni Manila Mayor Erap Estrada ang ilang tulisan ‘este’ tauhan na pinagkakatiwalaan niyang mamahala sa mga vendor sa Maynila. Nakatanggap tayo ng mga reklamo na may dalawang kamoteng opisyal sa city hall na tatlong beses nang nagpapa-meeting sa mga block leader ng mga vendor. Ang unang meeting ay ginanap sa sa isang opisina sa city …

Read More »

BI-POD chief nagpapaalala ng tamang asal

Isang memorandum ang ipinalabas ni Bureau of Immigration Port Operation Division (POD) Chief Red Mariñas tungkol sa kanyang panawagan para sa lahat ng immigration officers na sakop ng BI-POD lalo na ‘yung mga naka-assign sa immigration counter — na ayusin ang pakikiharap at pagtrato sa mga pasahero. Kasama na rito s’yempre ang pagbabawas ng masamang asal na kawalan ng modo …

Read More »

Max Collins may kakaibang manliligaw

Isang Nursing student na may kakaibang manliligaw ang gagampanan ng Kapuso actress na si Max Collins sa episode ng Karelasyon ngayong Sabado (August 13). Kung ang isang babae raw ay may manliligaw na laging dumadalaw sa kanya, ang dulot nito marahil ay kilig o tuwa. Pero sa situwasyon ni Alma, kilabot at takot ang hatid ng kanyang bisita na sa …

Read More »

Time to unwind

All of her life, wala nang ginawa si Ms. Claire dela Fuente kundi magtrabaho. Siya lang kasi ang breadwinner ng kanilang pamilya dahil naiwan na sila ng kanyang asawa maraming taon na ang nakalilipas. Anyway, after working so hard for many a good year, naisipan naman ni Ms. Claire na mag-unwind. So, kasama ang kanyang mga anak ay nagpunta sila …

Read More »

Pinatututsadahan si Jessy?

Hahahahahahahahaha! Pinatututsadahan daw nina Lovi Poe at Angel Locsin si Jessy Mendiola dahil nag-post sa kanilang instagram account ng mga legs nila. Imagine, Lovi posted her thighs via her instagram account and brazenly labelled it as ‘pata.’ Hahahahahahahahahaha! Si Angel naman, ibinalandra ang kanyang well-contoured thighs sa isang picture post. Obviously ay pinatatamaan din niya ang kanyang karibal kay Luis …

Read More »

Megan Young gagawing BF si Mark Herras

Magpapanggap si Mark Herras na boyfriend ni Megan Young ngayong Linggo (August 14) sa Conan My Beautician. Umamin man si Conan (Mark) sa kanyang mga kasamahan sa Salon Paz na straight talaga siya at nagpapanggap lang na beki upang mapagamot ang inang may sakit, hindi pa rin nito maamin sa sarili ang nararamdaman niya para kay Ava (Megan Young). Sa …

Read More »

Pinakamagandang retokado!

LAHATIN mo na lahat ng nagparetoke pati na ang mga ayaw umamin, pero unbeatable talaga ang contour at shape ng ilong ni Hayden Kho. I was able to meet him up close a couple of months ago in one of the TV5 presscons and I was able to see his nose that could safely be considered as a work of …

Read More »

Tisay na actress, pa-booking din

HINDI kami makapaniwala na pa-booking pala ang isang Tisay actress na produkto ng isang artista search. Minsan na kasi siyang nai-book ng kilala naming bugaloo sa halagang P150,000 na kung hitsura at edad din lang ang pag-uusapan ay naka-jackpot ang kliyente nito. Pero kinailangang mag-disguise ang hitad pagkatapos siyang makipagtagpo sa naka-check in niyang customer. Hindi siya naka-make up, may …

Read More »

Ang Babaeng Humayo pasok sa Venice Filmfest

ANO bang mayroon si John Lloyd Cruz na sa rami ng Kapamilya stars ay siya ang napiling makasama sa pagbabalik-pelikula ni Charo Santos? Ang tinutukoy naming pelikula ay ang Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) na sinasabing  kaisa-isang Asian film sa Main Competition category na ipalalabas sa 2016 Venice Film Festival sa August 31 hanggang September 10 sa Lido, …

Read More »

Tuos ni Nora, dapat suportahan

SANA’Y tularan ng mga Noranian ang Vilmanian sa pagsuporta sa kanilang idolo. Sana’y panoorin nila ang Tuos ni Nora Aunor na palabas na sa kasalukuyan. Mahalaga na kumita ang mga pelikulang ginagawa ni Ate Guy para kumita ang prodyuser nito. Pangalawa na lang siguro iyong award at sobrang pagsamba sa kanya. Ang importante pa rin ay ang pila sa takilya. …

Read More »

Sayaw ng mga sawi, nag-trending

#CAMPSAWI Kung may ospital para sa mga may karamdaman o may rehabilitation center para sa mga adik sa kung ano-ano, ang tanong eh kung may lugar ba para sa mga brokenhearted? Sabi nga ng kanta, “Where do broken hearts go?” At tanong din ng isang henyo, “If the heart is the place where loge comes from, where does it go …

Read More »

Meg at Valerie, biktima ng human trafficking

# HUMANTRAFFICKING Rampant! Napapanahon ang kuwentong ihahatid ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Agosto 13, sa Kapamilya. Itatampok sa istorya nina Julia at Denise sina Meg Imperial at Valerie Concepcion. Kasama sina Debbie Garcia, Jai Ho, at Kaiser Boado. Mula sa iskrip nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos sa direksiyon ni Garry Fernando. Mahilig magsasali sa beauty …

Read More »

Cacai, banned daw sa events ni Mario Maurer

NATAWA naman kami roon sa kuwentong iyong komedyanteng si Cacai Bautista ay banned daw sa mga naging events ng Thai actor na si Mario Maurer dito sa Pilipinas. Nagkasama kasi sila sa isang pelikula noon, tapos siguro during shooting breaks, nagpakuha sila ng pictures. Naglabasan iyong mga picture sa social media at sinasabing si Cacai daw ay naka-affair ni Mario. …

Read More »

Galvante, nagpaalam na sa Kapatid Network

GOODBYE TV5 na ang dating executive na si Ms Wilma V. Galvante  dahil wala na ang programang siya ang line producer. Matatandaang umalis si Ms Wilma sa Kapatid Network bilang empleado at nag-line produce na lang siya ng programang Happy Truck ng Bayan na naging Happynas Happy Hour. Napasahan kami ng sulat na ipinadala ni Ms Wilma sa mga naging …

Read More »

Mental disorder ni Jiro, ‘di na kayang gamutin

INAKALA NG marami na rehabilitation ang kasagutan sa problema ng dating child actor na si Jiro Manio. Hindi nga ba’t si Ai Ai pa ang nagpasok sa kanya sa isang rehab facility last year? Pero nakalulungkot malaman na pag-iisip na pala ni Jiro ang napuruhan, hence hindi na raw kakayanin pa ng anumang rehab treatment para lunasan ang kanyang mental …

Read More »

Maine, numero-uno rin sa pamba-bash

“BAGANG” as in molar pala ang tawag kay Maine Mendoza ng isang malaking grupo ng mga tagahanga ng isang sikat na young actor. Hindi na namin babanggitin pa ang pangalan ng aktor na ‘yon whose fans ay imbiyerna na rin sa anila’y kaangasan ng kalabtim ni Alden Richards. Pero isa lang ang tiyak, ang anti-Maine na grupong ito—mula sa aming …

Read More »

Coco, ‘di raw totoong pinuputakte ng mga babae

MARAMING pasaberrrg (pasabog) si Coco Martin sa guesting niya sa  Gandang Gabi Vice na si PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang nagtatanong sa kanya sa video. Inamin niya na sumayaw siya ng Igorot dance noong College na kita ang ‘puwet’ dahil ibabagsak siya kung hindi niya gagawin. Kaysa balikan pa niya ang subject na ‘yun na hindi …

Read More »

2 Chinese, 8 preso patay sa riot sa Parañaque jail (Warden sugatan)

SINISIYASAT ng mga awtoridad ang pagkamatay ng 10 bilanggo, kabilang ang dalawang Chinese, at pagkasugat ng mismong jail warden ng Parañaque City Jail kamakalawa ng gabi. Sa inisyal na impormasyon, namatay ang 10 preso, kabilang ang dalawang  Chinese, makaraan sumabog ang isang granada. Napag-alaman, nakikipag-dialogo si Jail Supt. Gerald Bantag nang hindi magkasundo ang mga lider ng mga bilanggo hanggang …

Read More »

Baylosis, Tiamzons, Silva pinayagan magpiyansa

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagpayag ng hukuman na makapaglagak ng piyansa ang apat detenidong politikal na kabilang sa National Democratic Front (NDF) consultants para makalahok sa usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27. Pinahintulutan kahapon ni Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge Thelme Bunyi-Medina na makapaglagak ng piyansa sina NDF consultants Adelberto Silva, mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, …

Read More »

Paumanhin ni Duterte tinanggap ni Sereno

NANINIWALA ang Palasyo na nakikipagtulungan si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa gobyernong Duterte. Ito ang reaksiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pagtanggap ni Sereno sa paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maaanghang na mga salitang pinakawalan ng punong ehekutibo laban sa punong mahistrado. “The Chief Justice appreciates the President’s latest remarks. As previously announced, …

Read More »

Babaeng kritiko dudurugin ni Digong

DUDURUGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang isang babaeng opisyal ng gobyerno sa susunod na mga araw. Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa ng gabi sa Davao City, ‘wawasakin’ niya ang isa sa kanyang mga kritiko. “But I have a special ano kay ano. She is a government official. One day soon bitiwan ko iyan in public …

Read More »

Presyo ng shabu tumaas, supply tumumal — Palasyo

TUMAAS ang presyo ng shabu at naging matumal ang supply sa merkado dahil epektibo ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa illegal drugs. Ito ang tugon ni  Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag ng Amnesty International (AI) na ang “shoot to kill order” at shame campaign ni Pangulong Duterte kaugnay sa illegal drugs ay hindi lang paglabag sa …

Read More »

Aiza Seguerra, Liza Diño itinalaga ni Duterte (Sa NYC at Film council)

HINIRANG ni Pangulong Rodrigo  Duterte ang singer-actress na si Aiza Seguerra bilang pinuno ng National Youth Commission (NYC) sa loob ng susunod na tatlong taon. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, itinalaga rin ni Pangulong Duterte ang partner ni Aiza na si Mary Liza Diño bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines na may terminong tatlong taon. Tumulong …

Read More »