Wednesday , December 17 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Dapat tulungan ni Dela Rosa si alyas “Kidlat”

NAUNANG nakarma si dating Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) chief Senior Superintendent Albert Ferro sa kanilang pagpapabaya sa “asset” ng pulisya sa kampanya laban sa ilegal na droga na si Benjie Palong Dida-agun, alyas “Kidlat,” na nagpakahirap para matigil ang operasyon ng isang 50-meter Chinese fishing vessel na nagsilbing “floating shabu laboratory” sa Subic, Zambales noong 11 Hulyo 2016. Sa barkong …

Read More »

Talamak na korupsiyon

HINDI maikakaila na talamak na talaga ang korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC). Akalain ninyo, nitong huli ay nakalusot sa kanila ang sandamakmak na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon at nakarating sa isang warehouse sa Paseo de Blas sa Valenzuela City. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa ating bansa. Galing ito sa damuhong bansang China na …

Read More »

Honasan nagpiyansa (Sa Kasong graft)

NAGHAIN ng piyansa si Senador Gringo Honasan sa isang korte sa Biñan, Laguna nitong Biyernes, makaraan siyang makasuhan ng graft kaugnay ng sinasabing iregularidad sa paggamit ng kanyang pork barrel funds. Nauna nang sumuko si Honasan sa Biñan City police sa Laguna makaraan magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng nasabing kinahaharap niyang kaso. Makaraan iproseso at kuhaan …

Read More »

Batangas niyanig ng 6.3 lindol (Naramdaman sa Metro Manila); 8 paaralan nagsuspendi ng klase

NIYANIG nang may ilang segundong lindol ang Batangas, at nadama ito sa ilang bahagi ng Metro Manila, nitong Biyernes ng hapon. Ayon sa Phivolcs, naitala sa magnitude 6.3 ang lindol na ang sentro ay nasa 16 kilometro sa kanluran ng Nasugbu, Batangas dakong 1:28 pm. Inaasahan ang ilan pang aftershocks makaraan ang pagyanig. Bunsod nito, lumabas ang mga tao mula …

Read More »

P.4M illegal pesticides kompiskado ng FDA-REU (Department store sinalakay)

TINATAYANG P400,000 halaga ng ipinagbabawal na household pesticides ang kinompiska ng mga operatiba ng Food and Drug Administration-Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) sa isang department store at ina-resto ang cashier nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Pinangunahan ni FDA-REU Officer-In-Charge ret. General Allen Bantolo ang test-buy ope-ration dakong 3:45 pm at nang makabili ang poseur-buyer ay agad isinailalim sa product …

Read More »

Info for sale vs NPA aprub sa AFP

NPA gun

PINABORAN ng Armed Forces of the Philippines ang programa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros na mag-alok ng pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon na magbibigay daan sa pagdakip o neutralisas-yon ng rebeldeng New People’s Army (NPA). Sa press briefing kahapon sa Palasyo, inihayag ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, “welcome” sa militar ang inisyatiba ng Negros provincial go-vernment na …

Read More »

Bird flu outbreak idineklara (.5M manok kakatayin)

NAITALA na sa Filipinas ang unang bird flu outbreak, kaya susugpuin ang may kalahating milyong manok upang ma-kontrol ang paglaganap ng virus, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol nitong Biyernes. May 38,000 manok na ang namatay dahil sa Avian Influenza Type A Subtype H5 sa San Luis, Pampanga, ayon kay Piñol sa Mango Stakeholders Forum. Upang hindi na kumalat ang …

Read More »

30,000 Marawi bakwit may war shock

HINDI nababahala ang Palasyo sa ulat na may 30,000 bakwit ang may war shock bunsod ng trauma na idinulot ng krisis sa Marawi. Sinabi ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima ng Office of Civil Defense, walang dapat ikalaarma sa report na may umiiral na “mental crisis” sa mga bakwit dahil tinutugunan ito ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nakatutok …

Read More »

Token Lizares, ‘di napapagod sa pagtulong

BILIB kami sa pagkakawanggawa ng singer na si Token Lizares dahil hindi ito napapagod sa pagtulong. Basta’t may humingi sa kanya ng tulong, nariyan siya agad at bukas-palad sa pagbibigay ng tulong. Tulad na lamang nang makausap namin ito isang araw at ipinakiusap na isulat namin ang ukol sa isang inang nangangailangan ng tulong para sa anak na may sakit …

Read More »

AWOL, handog ni Gerald sa mga sundalo

IBANG genre naman ang ipakikita ni Gerald Anderson sa rated B movie ng Cinema Evaluation Board at pinamahalaan ni Enzo Williams, ang AWOL. Ang AWOL ay isa sa entry sa Pista ng Patutunayan ni Gerald ang kanyang versatility sa action-thriller na sumesentro sa pagiging elite sniper na si Lt. Abel Ibarra na sa paghahanap ng hustisya, iniwan ang pagiging militar. …

Read More »

Billy Crawford sa pagho-host ng LBS — It’s not a competition sa host, ang big star dito ay ang mga kabataan

TUNAY ang tinuran ni Tito Nestor Cuartero, editor ng Tempo kay Billy Crawford matapos maipakita ang unang episode na ipalalabas sa Sabado, ang Little Big Shots sa ABS-CBN na rebelasyon ito sa pakikipag-usap sa mga batang itinatampok nila na ang mga edad ay 2 hanggang 12. Bukod kasi sa batang kakaiba ang galing na ipinakita nila, mahusay na naka-relate si …

Read More »

Christian Bables, excited na kinakabahan sa tatampukang MMK episode

IPINAHAYAG ni Christian Bables na magkahalong excitement at kaba ang kanyang nararamdaman sa tatampukang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, August 12. “Saturday na po #Excited at #SobrangKinakabahn.” Saad ni Christian sa kanyang Facebook account. “Eto po ang unang-unang MMK na pagbibidahan ko bilang si Ben Hernandez, kaya sana ay abangan po ninyo,” wika niya sa aming chat sa …

Read More »

Call center agent patay sa karnaper

gun shot

PATAY ang isang call center agent nang barilin ng isa sa dalawang lalaking nagtangkang umagaw sa kanyang motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jayvee Dungon, 21, residente sa 201 6th Avenue, Brgy. 89, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa dibdib at braso. Habang …

Read More »

Preso patay sa heat stroke (Sa MPD PS3)

dead prison

BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos preso habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan, makaraan atakehin ng heat stroke dahil sa matinding init ng panahon at siksikan sa detention cell no. 3 ng Manila Police District (MPD) PS3, sa Sta. Cruz, Maynila. Ayon kay MPD Homicide Section PO2 Jonathan Ruiz, isinugod ng mga tauhan ni MPD PS3 commander, Supt. Arnold Tom …

Read More »

P1.8-M shabu nadiskobre sa nagliyab na motorsiklo (Sa Antipolo City)

NADISKOBRE ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang 280 grams ng shabu, tinatayang P1.8 milyon ang halaga, sa nagliyab na motorsiklo habang tumakas ang suspek nang makita ang nagrespondeng mga pulis sa lungsod ng Antipolo kahapon. Sa ulat ni Insp. Rolly Baylon, PCP-1 commander, kinilala ang suspek na si Rick Santos, 42, nakatira sa 09 Doña Justa Subd., Angono, Rizal. …

Read More »

QC COP, 4 pulis sibak sa kotong

PNP QCPD

SINIBAK bilang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 si Supt. Bobby Glenn Ganipac makaraan kotongan ng kanyang tatlong tauhan ang kanilang inarestong hinihinalang drug pusher nitong nakaraang Linggo. Ayon kay QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kanyang tinanggal sa posisyon si Ganipac dahil sa “command responsibility” makaraan kotongan ng kanyang mga tauhan …

Read More »

No gift policy — NPDC

ISANG kakaibang polisiya ang ipinaiiral ngayon sa National Parks Development Committee (NPDC) at masasabing kauna-unahan na mangyayari sa anumang ahensiya ng pamahalaan – ang ‘No Gift Policy.’ Napag-alaman na isang malaking sign na nakalagay ang mga katagang ‘No Gift Policy’ ang ngayon ay sumasalubong sa mga nagtutungo sa tanggapan ni Penelope Belmonte, executive director ng NPDC. Ayon kay Atty. Paul …

Read More »

P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group

MULA P8 pasahe, nais ng grupong PCDO-Acto na gawin itong P9 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel at matinding trafik sa mga kalsada. Sinabi ni Efren de Luna, presidente ng nabanggit na grupo, ihahain nila ang kanilang petisyon sa dagdag-singil sa pasahe sa susunod na linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Bukod sa mataas na …

Read More »

Utos ng Sandiganbayan: Honasan, 8 pa arestohin sa P30-M pork barrel scam

INIUTOS ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Senator Gringo Honasan bunsod ng sinasabing irregular procurement ng livelihood projects, P30 milyon ang halaga na inilabas mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). “The Court finds that there is sufficient probable cause to hold the accused in this case for trial and issue a warrant of arrest for them,” ayon sa Sandiganbayan …

Read More »

‘Recognition as Filipino for sale’ imbestigahan na!

ISANG ulat ang ating natanggap na umabot na raw sa tanggapan ng OMBUDSMAN ang lumabas na report tungkol sa anomalya ng pagkakaloob ng ‘instant’ recognition as Filipino citizens na naganap noong panahon ng panunungkulan ni RIP ‘este RPL (Ronaldo P. Ledesma) as Officer-In-Charge ng Bureau of Immigration (BI). Umabot na umano ito noon sa kaalaman ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez …

Read More »

Ang ‘Narco-Politics’ at si Kenneth Dong

UMAMIN ang ilang senador na tumanggap ng campaign funds mula sa suspected bigtime illegal drugs trafficker na si Kenneth Dong, ang itinuturong “middleman” sa importasyon ng P6.4-B shipment ng illegal drugs na nasabat sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo sa Valenzuela City. …

Read More »

Valenzuela COP Col. Mendoza kaisa ni “Bato” laban sa droga

Sipat Mat Vicencio

TULAD ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang mithiing tapusin ang problema sa ilegal na droga ay siya ring layunin ni Valenzuela chief of police (COP) Supt. Ronaldo Mendoza. Kasama ang ilang beteranong mamamahayag, nakausap ko si Mendoza at mahinahon na ipinaliwanag ang kanilang kampanya laban sa droga. Sa gitna ng pagpapaliwanag ni Mendoza, tumimo kaagad sa …

Read More »

Hiroshima at Nagasaki

GINUNITA ngayong linggong ito sa bansang Hapon at ilang panig ng mundo ang ika-72 anibersaryo nang pagpapasabog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki, Japan na libo-libong sibilyan at sundalong Hapones ang namatay. Sa kabila ng pagiging kontrobersiyal ng mga pangyayaring ito ay hindi maitatatwa na binago nito ang daloy ng kasaysayan. Iniluwal ng mga pangyayaring ito ang panahon ng …

Read More »