Thursday , December 26 2024

Opinion

Thunderbird Resorts sa Rizal may ‘fly-by-night’ casino operations?! (Paging PAGCOR chair Didi Domingo)

Bulabugin ni Jerry Yap

ISANG kabulabog natin ang tumawag sa ating pansin sa operasyon ng casino ng Thunderbird sa Rizal. Sa kanilang website ay bonggang-bongga ang hitsura ng Thunderbird Resorts & Casino. Talaga namang nakahihikayat tingnan lalo na’t ipinang-eenganyo na sila ay nasa paanan ng Sierra Madre. Pero ang nakatatakot, sabi ng ating kabulabog, ang buong gaming area ng casino ay walang fire sprinkler …

Read More »

Ms. Universe Catriona Gray: Bagong boses ng mahihirap at karaniwang mamamayan

NGAYON lang ako tunay na napahanga sa natamong tagumpay ng mga Filipino na nagdala ng karangalan sa bansa sa iba’t ibang larangan. Talagang saan man sa mundo ay maipag­mamalaki ng mga Pinoy si 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil sa kanyang taglay na pan­la­bas at panloob na kagandahan. Malaking inspirasyon na pagtutularan si Ms. Gray upang mamulat ang marami sa katotohanan …

Read More »

Tagumpay ni Miss U Cat Gray masayang pamasko sa mga Filipino

Bulabugin ni Jerry Yap

NAGBUBUNYI ang sambayanang Filipino ngayon, sa kabila ng mga nakagagalit na isyu gaya ng P75-B budget insertion na ibinuking sa Kongreso. ‘Yan ay dahil sa tagumpay ni Miss Philippines Catriona Gray na itinanghal na 2018 Miss Universe. Unanimous ang panalo ni Cat dahil wala tayong narinig na kon­trobersiya o pagtutol. Tunay namang beauty and brainy si Catriona at hindi ito …

Read More »

Matang ipinaopera ng senior citizen tuluyang nabulag (Diabetic imbes luminaw ang paningin)

Bulabugin ni Jerry Yap

NAHAHARAP ngayon sa asunto sa Professional Regulation Commission (PRC) ang isang eye expert na kinilalang si Dr. Emmanuel F. Abesamis dahil sa pagkabulag ng mata ng isang diabetic patient na kanyang inoperahan. Kaya imbes makakita, naging kaawa-awa ang sinapit ng isang senior citizen na inoperahan ni Abesamis sa catarata. Hindi lang lumabo kundi tuluyang hindi bumalik ang malinaw na paningin …

Read More »

Fake ang Christmas ceasefire ng NPA

Sipat Mat Vicencio

WALANG Pasko ang mga komunista. Walang ka­to­tohanang ipinagdiriwang nila ang ka­panganakan ni Hesu Kristo dahil wala silang Diyos at tanging si Jose Maria Sison lang ang kanilang sinasamba. Isang uri ng propaganda ang pagdedeklara ng CPP ng unilateral ceasefire ngayong holiday season na ang tanging layunin ay umani ng simpatya at ipakita na kanilang inirerespeto at pinahahalagahan ang tradisyong nakagisnan …

Read More »

Sino sa BI ang nagtimbre sa mga Chinese alien?

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

NABULABOG at posibleng natimbrehan ng ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga undocumented Chinese national na naglipana ngayong nalalapit na kapaskuhan sa Baclaran sa kabila na may mga reklamong natanggap ang nasabing ahensiya. *** Pinagduduhan na posibleng tunay na may mga kumakalinga kapalit nang malaking halaga ng salapi ang natatanggap nang ilang tiwaling tauhan ng nabanggit na …

Read More »

Absuwelto si Bong Revilla dahil sa ‘technicality’ lang; Vendetta pinaghahandaan

KOMPIYANSANG-KOM­PIYANSA si dating Sen. Ramon “Bong” Re­vil­la, Jr., na muling ma­nanalo sa susunod na eleksiyon kaya naman nagbantang bubu­wel­tahan ang mga umano’y kalaban sa politika sa sandaling makabalik sa Senado. Sa isang panayam sa kanya, tiniyak ni Bong na gagamitin ang anting-antot, este, anting-anting para paghigantihan ang mga may ginampanang papel sa pagkakasampa ng kasong plunder laban sa kanya kaugnay ng …

Read More »

Sa P75-billion ‘insertion’… It’s a joke no more DBM Secretary Benjamin Diokno

Bulabugin ni Jerry Yap

MAY kasabihan, ‘hindi ligtas ang kriminal’ kung nagbababad sa pinaglulunggaan. Hindi naman natin sinasabing ‘kriminal’ agad si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno — kasi nga pabalik-balik na lang siya diyan sa budget department. Pero kung nasasangkot siya ngayon sa matin­ding isyu sa budget at kuwestiyonableng alokasyon na umaabot sa P75-bilyong pabor sa kanyang mga balae, e …

Read More »

Laglagan blues dahil sa singit-budget, lumalala!

BAKAS ni Kokoy Alano

BINULABOG ni Sen. Ping Lacson ang kongreso dahil sa bilyones na  singit budget  para sa taong 2019 na ikinamada sa kongreso. May paliwanag at kontra paratang agad naman dito  si  Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr., na hindi ang tandem  nila ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang tanging salarin sa mga bilyones na halaga ng mga proyekto na umano’y naisingit, …

Read More »

Pondo ng pamahalaan sinisindikato ni Diokno

NAGAWA pang pagta­wanan ni Department of Budget (DBM) sikwatari, ‘este, Secretray Benja­min Diokno ang ipina­sang resolusyon laban sa kanya ng mga mam­babatas na kaalyado ng administrasyon. Sa ipinasang House Resolution 2365 na suportado ng over­whelming majority sa Kamara, hinihiling ng mga mambabatas na kaalyado ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagsibak kay Diokno kasunod ng nabulgar na “insertion” o ‘pagsingit’ …

Read More »

No-contact apprehension system through hi-definition camera dapat tularan ng LGUs (Sa Parañaque City)

Bulabugin ni Jerry Yap

SA radio, telebisyon at social media, wala tayong ibang nakikita, naririnig at nababasa kundi pawang reklamo dahil sa matinding traffic na kapag minamalas-malas ‘e halos isang oras na hindi uusad ang sasakyan. E ‘di lalo na ngayong holiday rush na pasikip nang pasikip ang traffic sa kalsada. Habang papalapit ang Pasko ay talaga namang maituturing na ‘challenge’ ngayon ang magmaneho. …

Read More »

Bilyon-bilyong gov’t funds nauubos sa walang kuwentang proyekto

Bulabugin ni Jerry Yap

HINDI lamang nakagagalit, nakapagpupuyos ang pagbubunyag ni  House Majority Leader Rolando Andaya na ang bilyon-bilyong pondo ng gobyerno ay napupunta lang sa mga proyektong hindi naman kailangan ng distrito. Partikular na binanggit ni Andaya ang 2nd district ng Sorsogon at ang nag-iisang distrito ng Catanduanes na nakakuha ng sobrang P2 bilyon na flood control project. At lalong kahindik-hindik (parang horror …

Read More »

Kahit inabsuwelto ay convicted si Bong sa ‘bar of public opinion’

LILINISIN daw ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang nayu­rakang dangal ng kani­lang angkan kasunod ng pagkakaabsuwelto sa kanya ng Sandigan­bayan First Division sa kasong plunder. Nananaginip nang gising si Bong kung inaa­kala niya na magagamit niyang deodorizer na pampabango ang pag­pa­pawalang-sala sa kanya ng Sandigan­bayan. Paano papuputiin ni Bong ang mantsado niyang reputasyon kung maliban sa Sandigan­bayan ay walang …

Read More »

Si Kapusong Tito Sen wala nga bang puso sa kanyang staffer?

Bulabugin ni Jerry Yap

KUNG tutuusin text-away lang ang pagitan ng komunikasyon namin ni veteran photojournalist Jun David. Pero mas madalas na ginagamit niya ito kapag may good news siya. Hindi niya ito ginagamit kung maliliit na problema o kahit malaki pa, pero kaya naman niyang resolbahin. Sa totoo lang, noong naratay ang kanyang misis na si Gigi David sa karamdaman, ni hindi kami …

Read More »

Kotong employees sa BIR hindi pa ubos

Bulabugin ni Jerry Yap

MUKHANG marami pa talagang dapat trabahuin si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica. Isa tayo sa mga nalulungkot kapag nakaririnig ng ganitong mga balita. Dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nango­tong ng P2 milyones?! Mantakin ninyo, sa P2 milyones na ‘yan, P500,000 lang ang papasok sa gobyerno at ang P1.5 mily0nes ang paghahatian ng dalawang emple­yado? …

Read More »

Humabol pa si Bong

Sipat Mat Vicencio

KUNG minsan, maniniwala ka talaga sa suwerte. Sino nga naman kasi ang mag-aakalang sa isang iglap, babaliktad ang tadhana, at ngayon ay maaari pang makalusot si dating Senator Bong Revilla sa darating na May 2019 midterm elec­tions. Matapos makasuhan ng pandarambong at makulong, inakala ng lahat na tapos na ang political career ni Bong. Pero nang iabsuwelto ng Sandiganbayan nitong …

Read More »

Lim tuloy ang laban

PINAGTAWANAN lang ni dating Mayor Alfredo ang balitang siya ay umatras na sa pagtak­bong alkalde ng Maynila. Sa panayam natin sa kanya kahapon, sinabi ni Lim na walang katotohanan ang balita at kathang-isip lang na inimbento ng kanyang mga kalaban para siya siraan. Nang maitanong na­tin ang pakay ng pani­nira laban sa kanya, mahinahong sagot ni Lim: “Wala siguro silang maipakita …

Read More »

Kawawang mga preso sa Bulacan Provincial Jail

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MALAKING pagkakaiba sa mga preso na nakakulong sa kalakhang Maynila, higit na kaawa-awa ang nga preso sa Bulacan Provincial Jail partikular sa inmates na bihirang dalawin ng kanilang mga mahal sa buhay. Bawat preso na nais magkaroon ng higaan ay dapat magbayad ng P4,500 hangga’t nakakulong bilang kabayaran sa “tarima” kung tawagin. Mayroong kooperatiba sa loob ng BPJ at bawat miyembro …

Read More »

Pork barrel na-re-allign lang, pero may ‘kurot’ pa rin?

BAKAS ni Kokoy Alano

HINDI raw pork barrel na matatawag ang mga pondong mahahawakan ng mga congressmen at senadores dahil ito raw ay nakatuon antimano sa mga proyekto na ipinangako nila sa kanilang constituents ayon sa ilang kongresista. Kung gano’n e, ano naman ang makabagong tawag dito? Dati nang tinawag itong Priority Development Assistance Fund o PDAF na mistulang panuhol sa mga mambabatas upang …

Read More »

Buhay ng PNR passengers nanganganib (Sa reklamong iregularidad ng PNR officials)

Bulabugin ni Jerry Yap

AGREE tayo riyan na malaking panganib ang hinaharap ng Philippine National Railways (PNR) passengers dahil sa mismanagement ng mga opisyal nito. Ayon sa presidente ng Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) na si Edgar Bilayon, kailangan ang agarang pagsibak kay General Manager Junn Magno dahil umano ng katiwalian, palpak na pamamahala at imoralidad na nangyayari ngayon sa PNR. …

Read More »

LTFRB bubusisiin ni Sen. Grace Poe (Sa sandamakmak na iregularidad)

Bulabugin ni Jerry Yap

HAYAN na napansin na ng senado ang hindi matapos- tapos na gulo at bangayan sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Kaya bago mag-Pasko, uusok ang puwet ng mga opisyal ng LTFRB dahil nagpatawag na ng inquiry ang Senate committee on public services ngayong linggo. Ang nasabing committee, ay pinamumunuan ni Senator Grace Poe. Isa umano sa bubusiin ang …

Read More »

Bagong election watchdog

Sipat Mat Vicencio

ISANG bagong election watchdog na non-partisan, independent at mayroon talagang kakayahan sa pagbusisi ng sistema ng auto­mated polls ang kailangang itatag para sa darating na halalan sa 13 Mayo 2019. Ayaw na nating mangyari ang kabi-kabilang akusasyon nang dayaan kapag natatapos ang isang pambansang halalan. Kaya’t ang pagbu­buo ng bagong election watchdog ay mahalaga para mabantayan ang boto ng taong-bayan. Kung …

Read More »

True-to-life story: ‘Ang Probinsiyano’ version ng Vietnam

SA bansa na lang natin talaga hindi naipatu­tupad ang kawastohan ng batas laban sa mga ilegal na nagpapa­yaman at kanilang mga protektor. Pero sa Vietnam, da­la­wang dating hene­ral ng pulis ang naha­tulan kamakailan sa pina­igting na kampanya ng kanilang pamahalaan laban sa katiwalian. Siyam hanggang sam­pung taon na pag­ka­bilanggo ang ipinataw na parusa sa pinaka­mataas na opisyal ng pambansang pulisya ng …

Read More »

Pekeng sigarilyo nagkalat sa CDO

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MISMO ang inyong lingkod ang nakabili ng isang kahang Marlboro fliptop kulay pula sa isang tindahan ng Intsik sa Cagayan de Oro City. Labis na pagkahilo at pagsusuka ang aking naramdaman sa isang stick at dalawang hitit pa lamang sa isang piraso at doon ko nalaman sa aking pagtatanong na hindi lamang pala ako ang may karanasan nang ganoon dahil …

Read More »

Cops sa drug war maging maingat pero ‘wag matakot — Albayalde (Sa conviction ng tatlong pulis sa Kian’s slay)

Bulabugin ni Jerry Yap

NAWA’Y maging babala sa mga alagad ng batas na nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan ang karanasang ito. Tinutukoy natin ang tatlong pulis na nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na kulong (20 hanggang 40 taon) at walang parole, dahil napatunayan ng hukuman ang pagpaslang nila kay Kian delos Santos, noo’y 17-anyos, gamit ang lisensiya ng ‘drug war.’ Marami ang natuwa sa …

Read More »