Sunday , June 16 2024
Sipat Mat Vicencio

Bakbakang Poe, Villar at Lapid

MASASABING isang ilusyon o isang kahibangan lamang kung inaakala ni Sen. Cynthia Villar na siya ang tatanghaling number one sa senatorial race ng midterm elections na nakatakda sa darating na 13 Mayo.

Bagama’t nakaungos si Cynthia sa pinaka­huling resulta ng Pulse Asia senatorial survey, hindi nangangahulugang ito na rin ang magiging resulta ng halalan at makukuha na niya ang numero unong puwesto.

Kung tutuusin, balikatan ang laban nina Cynthia at Sen. Grace Poe, at malamang na makigulo pa si dating Senator Lito Lapid sa mga ipinakita ng mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).

Kung pagbabasehan ang lakas ng dalawang babaeng kandidato, nakalalamang si Grace kay Cynthia dahil na rin sa nakasalig ang lakas ng senadora sa mga tagahanga ng kanyang yumaong amang si Fernando Poe Jr.

Hanggang ngayon, hindi maikakaila na si FPJ pa rin ang nagdadala ng kandidatura ni Grace.

Sa mga probinsiya, ang lakas ni FPJ ay hindi matatawaran, at kahit sabihing namayapa na ang kanilang idolo, patuloy na buhay sa kanilang alaala si Da King.

Samantala si Cynthia, bagama’t masasabing maraming proyektong pangkabuhayan, hindi naman tumatatak sa taongbayan at bagkus ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng senadora ang madalas na nauungkat.

Simula sa isyu ng unli-rice ban, room nurse, rice tariffication, pagtulog sa National Land Use bill at ang palpak na mga pabahay ng pamilyang Villar na patuloy na inirereklamo ng house owners ang bumubulabog sa kandidatura ni Cynthia.

At kung sinabing ang pukpukan ay sa pagitan nina Grace at Cynthia, isang kandidato naman ang malamang na maungasan ang dalawang senador sa katauhan ni Lito.  Kung pagbaba­sehan ang mga survey, unti-unting dumidikit si Lito, at ngayon ay nasa pangatlong puwesto na ng Pulse Asia survey.

Sa kabila ng marami rin kontrobersiyang kinakaharap ng dating senador, hindi siya nawawala sa mga survey dahil na rin sa sinasabing paglabas niya sa “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan sa telebisyon ni Coco Martin.

Ang bangis ni “Leon Guerrero” ang siyang naging susi para hangaan at lalong maging popu­lar si Lito at manatili sa Magic 12. At ngayon, lu­ma­labas pang kaagaw ni Grace si Lito sa pagi­ging number one sa magiging resulta ng halalan.

Pero sabi nga, ang sukatan ng panalo at pangunguna sa senatorial race ay mismong sa araw ng bilangan ng halalan, at dito malalaman ang lakas ni FPJ sa dalawang makakatunggali ng kanyang anak na si Grace.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

YANIG ni Bong Ramos

First class citizens sa PH

YANIGni Bong Ramos DARATING daw ang araw na ang mga ‘Intsik’ na ang mga first …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ang pagkakaiba ni suspended Mayor Guo sa traditional politicians

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAHIL ‘balik farm’ muna si Bamban (Tarlac) Mayor Alice Guo. Ha!? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *