BUKAS ay opisyal nang mag-uumpisa ang kampanya para sa mga kandidato sa national level — presidente, bise presidente at senador. Tiyak na parang piesta na naman… Umpisa na naman ng bolahan at OPM as in Oh Promise Me. Malamang lahat ng mga kandidatong magsasalita bukas ay sasabihin na makamahirap sila at mula sila sa hirap. Ang kanilang programa ay para …
Read More »Happy Chinese New Year to all (Kiong Hee Huat Tsai!)
BUKAS po ay opisyal nang papasok ang Chinese Lunar New Year, Pebrero 8. At gaya po ng inaasahan, makikita natin ang iba’t ibang kultura at iba’t ibang paraan kung paano ito sasalubungin sa iba’t ibang lugar sa ating bansa ganoon din sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung magarbo at masaya ang pagsalubong natin sa Enero 1, ganoon din sa …
Read More »‘Hunger Strike’ ng Bilibid guards protesta sa makupad na modernisasyon (Attention: Secretary Butch Abad)
KUNG Hindi tayo nagkakamali ay nasa ikalimang araw na ngayon ang hunger strike ng Bilibid (National Bilibid Prison) guards. Ang hunger strike ay protesta umano bilang panawagan na ipatupad na ang modernization sa Bureau of Corrections (BuCor). Aprubado na ni PNoy ang Republic Act 10575 (The Bureau of Corrections Act of 2013) na naglalayong i- upgrade ang prison facilities; i-professionalize …
Read More »FOI, Anti-Dynasty Bills tuluyang inilibing sa Kamara
TULUYAN nang inilibing ng mga mambabatas sa Kamara ang Freedom of Information (FOI) Bill at Anti-Dynasty Bill. Ayon kay Majority Leader Nepatali Gonzales II, prayoridad nila ‘yung mga nasa third reading na kung magkakaroon man sila ng quorum. “Kung magkaroon kami ng quorum, unahin ko ‘yung third reading (If we’ll have a quorum, I will prioritize the bills which are …
Read More »Parang “bakla” si Duterte
ANG kailangan gawin ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte ay manahimik, itikom ang bunganga at maging mahinahon tulad ng isang tunay na tumatakbong kandidato para sa pagkapangulo. Ngayong ibinasura na ng Comelec ang apat na disqualification cases laban kay Duterte, dapat naman sigurong magpakita na siya ay isang disenteng kandidato. Tama na ang paggiging bastos at burabog dahil lalo …
Read More »Tama si Aling Grace
TAMA ang rekomendasyon ni Senadora Grace Poe at ng pinamumunuan niyang “subcommittee on public services” sa senado na imbestigahan kung nagkasala ng graft si Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya at ilan sa kanyang mga amuyong dahil sa kanilang kapalpakan na tugunan ang suliranin kaugnay sa pagpapatakbo ng Metro Rail Transit o MRT. Ayon sa senadora …
Read More »Blue Meadows Low Cost Housing sa Caloocan City ‘tinatarahan’ Sa Building Permit? (Sa ilalim ng High Density Housing – Social Housing Finance Corp. (HDH-SHFC))
HINDI kukulangin sa 500 mga dating residente sa isang creek sa Caloocan City ang nagsikap makakuha ng lupa para pagtayuan ng low-cost housing project sa area din ng nasabing lungsod. Dahil sa creek sila nakatira, tinawag ng mga residente ang sarili nila bilang Blue Meadows Homeowners Association at inirehistro bilang inkorporasyon alinsunod sa rekesitos na itinatakda para makapag-avail ng housing …
Read More »Bigtime drug dealers takot nang pumasok sa QC
NATAPOS na ang buwan ng Enero, kapansin-pansin na walang huling malakihang bilang ng droga ang Quezon City Police District (QCPD) sa kabila na nasanay na ang lahat na laging may huli ang pulisya partikular ang District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamumunuan ni Chief Insp. Enrico Figueroa. Bakit nga kaya walang malaking huling drug dealers/couriers ang tropa ni Figueroa para sa …
Read More »Masusing imbestigasyon sa robbery-fire incident sa Parañaque
ISANG masusing imbestigasyon ang dapat isagawa ng higher command ng Philippine National Police (PNP) sa insidenteng nangyari sa isang condominium sa Parañaque City na umano’y pinasok ng di-nakikilalang akyat bahay gang. May mga katanungan kasing dapat sagutin ang local PNP ng Parañaque kung bakit may namatay at kung bakit nagkaroon ng sunog sa subject na kanilang nirespondehan. Madali naman iyang malaman. …
Read More »MDSW tutukan ng COA
MATAPOS magkawindang–windang ang panunungkulan ni Dr. Honey Lacuna-Pangan bilang Hepe ng Manila Department Social Welfare (MDSW), inakala ng lahat na matutuldukan na ang kawalang sistema sa pagpapatakbo ng nasabing Departamento. Pero, sus, isang malaking pagkakamali pala mga ‘igan! Mantakin n’yong sa dami-dami ng kuwalipikadong tao na dapat iluklok, kapalit ni Madam Honey, aba’y ang kanyang asawang si Dr. Arnold Pangan …
Read More »Boto gamiting kalasag kontra korupsiyon
NANAWAGAN na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa lahat ng botante na iboto ang mga kandidatong may MALINIS na record sa lokal o maging sa antas nasyonal upang tuluyang igupo ang korupsiyon sa bansa. Ang dapat umanong iboto ng mamamayan ay mga kandidatong maghaharap ng platapormang pambayan o pambansa kung paano lalabanan ang korupsiyon o ang katiwalian. Gusto natin ang panawagan …
Read More »Maagang pamomolitika ng PAGCOR researcher: Kandidato ikinampanya?
KINASTIGO kaya ni Chairman Cristino “Bong” Naguiat, Jr., ang lantarang pamomolitika ng isa niyang empleyado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)? Posible kasing makasuhan sa Commission on Elections (COMELEC) si PHILIP JOHN GRECIA, researcher sa corporate planning department ng PAGCOR, ng paglabag sa batas tungkol sa election. Nitong nakaraang Biyernes (January 29), nalathala sa Philippine Daily Inquirer ang pahayag ni Grecia …
Read More »Ang ‘negang-nega’ na si Mar
MALAKI ang paniniwala nitong si dating Interior Secretary Mar Roxas na aangat ang kanyang rating o standing sa mga presidential survey kung ikakabit niya sa sarili ang malalakas na kalaban sa pamamagitan ng negatibong political ads. Negang-nega ang dating ng mga political ads nitong si Mar. Umaatikabong banat kay Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe at Davao City Mayor …
Read More »Sino sina alias Jude at Joel PCCI na salot sa BOC?
GRABE na ang pinaggagawa ng isang alias JUDE na nagpapanggap na bata raw ni BoC Depcomm. Uvero dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-hingi ng tara sa mga broker at importer. Ang lakas tumara nitong alias Jude na per container van daw siya at may weekly payola pa raw. Kawawa naman si Depcom Agaton Uvero na alam natin na napakabait at …
Read More »Sponsors ng political ads ng politicians ilantad
TUWING may nababasa, naririnig o napapanood tayong political advertisements (TV/RADIO) ng mga politikong tumatakbo para sa May 9, 2016 elections, ang nababasa nating nakasulat sa ibaba ay “paid ad” o kaya naman “paid for by friends of – – – – – “ ‘Yun yata ang isa sa mga rekesitos ng Commission on Elections (Comelec). Ang ipinagtataka lang natin, bakit …
Read More »LTFRB, makapili!
PATULOY na pinapalagan ng nakararaming operator at drayber ng mga pampasaherong jeep ang napipintong plano (talagang itutuluyan na) ng gobyerno sa pamamagitan ng ahensiyang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang phase-out ng mga jeepney na 15-taon (pataas) nang pumapasada sa kalye. Kamakalawa, muling nagmartsa at nagkilos- protesta ang grupo para kontrahin ang plano. Masasabi raw kasing isa itong anti-poor …
Read More »Col. Marcelino naninindigan nang walang katibayan
NANINDIGAN si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino na isang lehitimong misyon laban sa droga ang kanyang ginagampanan nang hulihin ng mga operatiba ng PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang laboratoryo ng shabu sa Santa Cruz, Maynila noong Enero 2. Ang presensiya niya sa lugar ay bahagi raw ng case operation plan (COPLAN), bagaman …
Read More »Todo kampanya kahit hindi pa panahon
In my defense, I didn’t know I was being reviewed. I thought I was getting some PR advice to help my career. — Comedian Ed Byne, on being called ‘underwhelming’ PASAKALYE: LOVE month na! Panahon ng lambingan at pagmamahalan. Sana’y limutin na sa buwang ito ang alitan at ihalili ang pagpapairal ng pag-ibig sa lahat—sa ating mga magulang at pamilya, …
Read More »QC dep’t head certified barumbado
TINAMAAN talaga ng magaling ang isang Department head ng Quezon City Hall dahil ‘di lang pala siya daldakino kundi certified bad boy daw talaga. Noong nakaraang linggo, tinalakay natin ang pagiging bungangero ng nasabing opisyal at ang ginawa niyang pagmura sa isang babaeng taga-city hall din. Pero nalaman natin na hindi lang pala mura ang inabot ni bebotski kay sir …
Read More »Goodbye Customs Retired Generals
THE Aquino administration wanted graft and corruption in all forms in government be eradicated kaya naman ang Bureau of Customs (BoC) ang isa sa nasampolan nang husto. Kaya naitalaga ang mga retired na heneral sa customs kapalit ng customs career officals dahil sa kanilang pananaw noon ay walang nagawa to stop corruption during their time of service. Ito ngang …
Read More »Kampihan Blues sa Mamasapano laglagan blues sa Liberal Party (Sabwatang Chiz at Ochoa?)
MALUNGKOT ang pamilya ng SAF 44 commandos dahil walang nangyari sa unang araw ng Mamasapano massacre investigation na binuksan ni Senator Johnny Ponce Enrile sa Senado para patunayan na mayroong pananagutan si Pangulong Noynoy sa nasabing insidente. Tila mayroong umiral na ‘OMERTA’ o “code of silence” sa hanay ng mga inaasahang ‘bobomba’ sa ‘Lihim ng Guadalupe’ na nasa likod ng …
Read More »Humihirit pa si Erap masalakab ang MET
APAT na buwan na lang sa Manila City Hall si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Ejercito Estrada ay gusto pang maipagpilitan ang ‘pangangamkam’ sa Manila Metropolitan Theater (MET) na ngayon ay pagmamay-ari na ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA). Kumbaga sa paborito niyang sugal, buta na pero gusto pang humirit. Kesyo idudulog pa raw ng sentensiyadong …
Read More »Ganting hakbang ni Bongbong
HALOS dalawang buwan ang itatagal ng campaign period sa mga kandidato para sa national position gaya ng pagka-presidente at bise presidente, na magsisimula sa Pebrero 9 hanggang Mayo 7. Sa dalawang buwang campaign period, inaasahan ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos na magiging matindi ang binabalak ng kanyang mga kalaban sa politika para siya sirain at hindi manalo sa pagka-bise …
Read More »Trial sa Ortega Murder Case ipinatutuloy ng SC vs Reyes Brothers (Ex-SOJ Leila De Lima butata)
MISMONG Supreme Court ay nasilip ang ‘pinasuwabeng’ pakikialam ni dating Justice Secretary Leila De Lima sa Ortega murder case na tila pumapabor sa mga dati niyang kliyente na sina Palawan ex- governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes. Alam ng publiko na dating abogado si De Lima ni Reyes kaya marami ang nagduda sa kanyang motibo nang magbuo …
Read More »Sabit sa pekeng-NGO na KACI, bakit pinalusot ng Ombudsman
MARAMING nagtataka sa Office of the Ombudsman kung bakit tila “sinadyang” ilibre si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa maanomalyang paggamit niya ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel noong kongresista pa lamang siya sa mga taon ng 2007 hanggang 2009. Dapat kasing matagal nang nasampahan ng mga kasong graft at malversation si Mayor Oca …
Read More »