Friday , November 15 2024

Opinion

Tao si Digong hindi imortal

Bulabugin ni Jerry Yap

NITONG nakaraang linggo imbes mag-alala sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa matinding labanan sa Marawi City laban sa terorismo, biglang pumutok ang isyu na nagkasakit umano ang pangulo. Hindi natin alam kung saan nanggaling ang mga ‘tsismisan’ na comatose umano ang Pangulo. Pero, kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Kaninong grupo ba manggagaling ‘yan? Kaya nang biglang lumutang, …

Read More »

Bakasyon-grande si fiscal Togonon

NAGTALAGA na si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre ng pansamantalang kapalit ni suspended chief Prosecutor Edward Togonon sa Maynila. Si Atty. Alexander Ramos, director of the DOJ’s Witness Protection Program, muna ang pumalit sa binakanteng puwesto ni Togonon. Sinibak si Togonon sa kaso ng 4 senior citizens na hinalang biktima ng modus na ‘tanim-droga’ ng mga tiwaling miyembro …

Read More »

Alvarez ‘tuta’ ni Fariñas

Sipat Mat Vicencio

SI Rep. Pantaleon Alvarez o si Rep. Rudy Fariñas ba ang Speaker ng House of Representatives? Tiyak ang isasagot ng marami ay si Alvarez. Pero kung pakasusuriing mabuti, luma-labas na ang tunay at ang umaaktong speaker ng Kamara ay si Fariñas. Sa papel o titulo lamang si Alvarez bilang Speaker ng House of Representatives. Maituturing na ‘tuta’ ni Fariñas si …

Read More »

Resolusyon ng Pasay City council

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

SA pamumuno ni Sangguniang Panlungsod ng Pasay, Noel del Rosario, isang Resolusyon Blg. 40-42, series of 2017, ang kanilang iniakda na nagsasaad ng taos-pusong pakikidalamhati sa lahat ng pamilya ng biktima ng Resorts World Manila tragedy, na naging sanhi ng kamatayan ng may 36 katao dahil sa suffocation, at pagkamatay ng lone gunman na si Jessie Javier Carlos, noong nakalipas …

Read More »

Mag-ingat sa notoryus na basag kotse gang sa Roxas Blvd to MOA

Bulabugin ni Jerry Yap

PUMUTI na po ang buhok natin sa Metro Manila pero kahapon lang natin naranasan mabasagan ng kotse. Opo, isang nakalulungkot na karanasan, nakapanghihilakbot lalo na kung ang mabibiktima nitong mga animal na ito ay walang ibang maaasahan kundi ang nasikwat nila. Kamakalawa ng gabi, hindi lang po tayo complainant, sumama na rin tayo sa imbestigasyon at napatunayan natin marami nang …

Read More »

Napaso si Sen. Villar sa mainit na unli-rice

BUGBOG-SARADO sa netizens si Sen. Cynthia Villar kasunod ng kanyang panukala na dapat ipagbawal ang ‘unli-rice’ promo sa mga resto. Pero matapos mabansagang anti-poor sa social media ay mistulang napaso ng ma-init na unli-rice ang senadora at mabilis na kumambiyo ang senadora. Depensa ni Villar, wala raw siyang plano na magpasa ng batas para ipagbawal ang unli-rice. Ayon sa senadora, …

Read More »

Mayor Gatchalian at ang amoy ng CDO

Sipat Mat Vicencio

  HINDI natin alam kung bakit pinababayaan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pa-tuloy na pag-alingasaw ng mabahong amoy na nanggagaling sa pabrika ng CDO. Ang CDO, manufacturer ng meat and fish product ay matatagpuan sa West Service Road, Barangay Paso de Blas, Valenzuela City. Halos araw-araw, prehuwisyo ang idinudulot sa mga residenteng malapit sa CDO dahil sa mabahong …

Read More »

Kapangyarihan ng PAGCOR gustong kunin ng kongreso

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

KASUNOD ng trahedyang naganap sa Resorts World Manila (RWM), nais ng Kongreso na sila ang may kapangyarihan sa pag-iisyu ng mga lisensiya sa casino operators. Ano ito? Kung magiging ganap na batas, sabi ng kongreso magiging regulatory, at lahat ng prangkisa ay manggagaling sa kongreso. *** Ganito rin ang gagawin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lotto outlets at sa …

Read More »

Dahil sa hindi matigil-tigil na iregularidad sa pagtrato sa mga detainee; Walang tigil ang ‘riot’ sa Metro Manila District Jail (MMDJ) ng BJMP-NCR sa Taguig (Attn: DILG OIC Catalino Cuy)

Bulabugin ni Jerry Yap

MATINDI pa rin ang tensiyon sa Metro Manila District Jail (MMDJ) na pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Hanggang ngayon daw kasi, wala pa rin lagay ‘este koryente sa iba’t ibang selda o mga selda ng iba’t ibang gang na nakadetine ngayon sa nasabing district jail. Walang …

Read More »

‘Pro-porma’ na TVC hilig na hilig ng PH Tourism

Bulabugin ni Jerry Yap

TOURISM is a very creative job. Sabi nga kapag sa tourism sector ang trabaho o ito ang tungkulin na nakaatang sa isang tao, mayroon dapat siyang kakaibang kakayahan, mabilis mag-isip at dapat ay laging sariwa o fresh ang mga ideya. Kaya nagtataka tayo kung bakit laging nagugulangan o naloloko ang Department of Tourism (DoT) ng mga nakukuha nilang ad agency. …

Read More »

Saludo sa 58 sundalo’t pulis

MALUNGKOT ang naging pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes sa maraming bahagi ng bansa dahil sa patuloy na sagupaan na nangyayari sa Marawi City. Habang dinarama ang Pambansang Awit na “Lupang Hinirang” at itinataas ang bandila ng Filipinas, maraming mga magulang, asawa, kapatid, mga anak ang umiiyak dahil maraming buhay na ang naibuwis sa giyerang dulot ng terorismo sa …

Read More »

Hugas-kamay si Trillanes

NAHIHIBANG na yata si Sen. Antonio Trillanes IV nang tawagin niyang panggigipit ang direktiba ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na tugisin ang self-confessed death squad leader at retired police officer na si Arturo Lascañas. Inatasan ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na makipag-ugnayan sa Interpol para matunton si Lascañas. Ang direktiba ni …

Read More »

Tama ba ang Batas Militar laban sa mga kriminal?

HIGIT sa lahat, dapat matanim sa ating isipan na ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ay sangkot sa mga karumal-dumal na krimen bago pa nangyari ang kaguluhan sa Marawi City. Sila’y mga kriminal na nagbabalatkayong jihadist o mandirigma ng Islam. Huwag tayong pabobola sapagkat ang kanilang pagiging biglaang jihadist ay maliwanag na paraan lamang upang mapagtakpan ang kanilang …

Read More »

Lumuluha ang Marawi sa ika-119 Araw ng Kalayaan

Bulabugin ni Jerry Yap

HABANG ipinagdiriwang ng buong bansa ang ika-119 Araw ng Kalayaan, kahapon, nagluluksa at walang kapantay ang kalungkutan ng mga pamilya ng 13 sundalo ng Philippine Marines na nautas sa pakikipagbakbakan sa mga teroristang gupong Maute/ISIS sa Marawi City nitong nakaraang Biyernes. Para mailigtas laban sa mga terorista ang mga kapatid nating Maranao, magiting na nakipaghamok ang mga sundalo para mapalaya …

Read More »

Hinanakit ni Digong

HABANG nagdurugo ang puso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa dami ng nasawi at nautas sa bakbakan sa Marawi, nagngangalit din ang galit sa kanyang dibdib dahil lalong nabubunyag ang walang habas na korupsiyon sa 6-taon administrasyon ni Noynoy Aquino. At sino ang hindi magagalit? Ang Liberal Party pa ang may ganang batikusin ang kasalukuyang administrasyon para pagtakpan ang kanilang …

Read More »

Workers sa Bora pinagloloko ng mga kapitalista

NASA isla ng Boracay tayo nitong nakaraang linggo para isang bakasyon kasama ang pamilya. Hindi ko inaksaya ang bawat minuto sa lugar — napakaganda pa rin ng beach ng Boracay — a perfect creation by our Almighty God! Salamat po Panginoon. Kaya dapat mapangalagaan ang Boracay hindi lamang ng mga mamamayan dito na matatagpuan sa Malay, Aklan kundi maging ng …

Read More »

Hanggang saan tatagal ang Maute?

GAANO katatag ang Maute group sa paki-kipaglaban sa gobyerno? Ipinakikita nila ang kanilang tapang na lalong pinalakas ng suporta na nakukuha mula sa mga dayuhang teroristang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Ang kanilang samahan ay pinamumunuan ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute, dating tapat na tagasunod ng yumaong Hashim Salamat, na pinuno noon ng Moro …

Read More »

Pagkakaisa laban sa terorismo

SA nangyayaring kaguluhan ngayon sa Marawi City ay patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga miyembro ng Maute Group at kung sino ang kanilang mga financier/protector. Naniniwala tayo na may mangyayaring maganda sa kanilang imbestigasyon. Hindi sila tumitigil sa pangangalap ng impormasyon para masawata nang tuluyan ang mga terorista. Nagsama-sama lahat sa pag-iimbestiga kasama …

Read More »

‘Wala kang kadala-dala’ Sec. Vit Aguirre

Bulabugin ni Jerry Yap

AY ang aking kababayan… kaytagal matuto. Ilang beses na bang nabibiktima ng kanyang pagiging taklesa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Hindi siya kasing ingat at singgaling (bagamat laging valedictorian) ng kanyang idolong si Niccolo Machiavelli… Mas madalas, si Secretary Aguirre ay nagiging biktima ng kanyang sariling patibong. Kumbaga sa pusa, nauuna pa siyang ma-swak sa bitag na inihanda para sa …

Read More »

Protégé ni De Lima sinuspendi sa kaso ng ‘tanim-droga?’

SUSPENDIDO na raw si City Prosecutor Edward Togonon habang iniimbestigahan sa kaso ng 4 senior citizens na pinaniniwalaang biktima ng ‘tanim-droga’ na ipinag-utos palayain ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II noong nakaraang buwan sa headquarters ng Manila Police District (MPD)? Hindi marahil kombinsido ang DOJ sa paliwanag ni Manila chief prosecutor Togonon kung bakit namalagi nang mahigit …

Read More »

Aguirre, Jurado sinopla si Alvarez

Sipat Mat Vicencio

SI Speaker Pantaleon Alvarez na yata ang maituturing na pinakapalpak at walang kakuwenta-kuwentang lider ng House of  Representatives. Napakalayo ni Alvarez kung ikokompara sa mga nagdaang speaker ng Kamara. Isa kasing katangian ang kinakailangan para maging matagumpay ang lider na Kamara, at ito ay iyong katagang leadership. Pero sa pagkatao ni Alvarez, mukhang mailap ang katagang ito, at sa halip …

Read More »

Dahil sa RWM tragedy mga kapalpakan sa casino buking!

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MISMONG si PAGCOR Chairman Andrea Domingo, ang nakatuklas ng mga kapalpakan ng mga casino. Talaga yatang ganoon, kailangang may trahedya munang maganap bago matuklasan ang mga kapalpakan. Isa sa dapat na masusing pag-aralan ay kung paano maipapatupad ang ban na sa loob ng casino para hindi na muling makabalik para magsugal. Sa entrance pa lang bago daraan sa metal detector …

Read More »

38 namatay sa RWM dahil sa ‘lockdown’

INAAKSAYA lang ng mga mambabatas ang panahon at pondo ng bayan kung wala naman silang batas na maipapasa para hindi na maulit ang malagim na insidenteng naganap sa pasugalang casino ng Resorts World Manila (RWM) sa Pasay City noong nakaraang linggo. Ang mas importante ngayon ay masi-gurong mapapanagot ang management at exe-cutives ng RWM sa kanilang kasalanan, kaysa paglikha ng …

Read More »

Alingawngaw ng mga maling balita

HABANG tumatagal ang bakbakan ng pamahalaan at mga kriminal na grupong Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City ay lalong lumalaganap ang mga alingawngaw ng maling balita sa social media, ilang pipitsuging pahayagan at estasyon ng radyo’t telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit dapat maging maingat, subalit bukas at matapat ang pamahalaan sa pagpapahayag ng mga kaganapan sa Lungsod ng …

Read More »

“Ilocos 6” palayain!

Sipat Mat Vicencio

HALOS dalawang linggo nang nakakulong sa detention cell ng Kamara ang anim na empleyado ng Ilocos Norte Provincial Government matapos silang i-contempt ni Rep. Rudy Fariñas sa isinagawang pagdinig kaugnay sa paggamit ng P66 milyong tobacco excise tax na ipinambili ng mga sasakyan para sa tobacco farmers ng lalawigan. Nakaaawa ngayon ang kalagayan ng tinaguriang “Ilocos 6” dahil sa ginagawang …

Read More »