ISINALANG na ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa plenaryo ng Senado ang panukalang dagdag na P100 para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Nasa 4.2 milyong manggagawa ang tinatayang makikinabang sa isinusulong ng tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development sa ilalim ng Senate Bill No. 2534. Mula sa …
Read More »Perjury isinampa vs Tiaong ex-mayor
KASONG paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code (RPC) na perjury o pagsisinungaling ang inihain laban sa dating alkalde ng Tiaong, Quezon na si Ramon Preza sa Lucena City Regional Trial Court Branch 53, base sa ipinalabas na resolusyon ng Lucena City Prosecutor’s Office noong 11 Enero 2024. Ang kaso ay nag-ugat sa pinaniniwalaang pagsisinungaling ni Preza nang akusahan …
Read More »Willie inilantad pagtakbo bilang senador sa 2025
ABA, hindi na pagbabalik ng dating TV show kundi politics na sa 2025 ang inilalantad ni Willie Revillame na kalat na ang pahayag sa social media. Ayon sa reports, ang pagtakbo bilang senador sa mid-term elections sa 2025 ang target ni Kuya Wil, huh. Sa pahayag pa niya, kinumbinsi na si Willie ni former president Rodrigo Duterte na tumakbo bilang senador. Eh may TV …
Read More »Pasimuno ng PI inginuso si Romualdez
HINDI itinanggi ng mga nagpasimuno at nangunguna sa pagsusulong ng people’s initiative ang pakikipagpulong at tulong ni House Speaker Martin Romualdez. Nangyari ito sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos, ukol sa mga kontrobersiya na bumabalot sa pangangalap ng mga pirma ukol sa people’s initiative. Sa mga testimonya nina Alfredo Garbin ,Jr., ang …
Read More »PBBM ‘pilit’ sa pagsulong ng PI — Imee
ni NIÑO ACLAN NANINIWALA ang ‘super ate’ ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, na napipilitan ang kanyang kapatid sa pagtutulak sa pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagiran ng People’s Initiative (PI). Ayon kay Marcos, kilala niya ang kanyang kapatid at naniniwalang hindi talaga ito ang kanyang naisin ukol sa sistema ng pagbabago ng Konstitusyon. “Nagugulat lang ako. Kilala ko …
Read More »
Ex-Speaker inakusahan si Romualdez
PEOPLE’S INITIATIVE MANIPULADO, GAMIT PROGRAMA NG GOBYERNO
INAKUSAHAN ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez si incumbent Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pinangungunahan ang people’s initiative (PI) para amyendahan o baguhin ang 1987 Constitution gamit ang mga programa ng gobyerno upang manghikayat ng mga pipirma sa Charter change petition. “In fact, ginagamit nila ang AICS para pumirma ang mga tao. Bibigyan ka ng P5,000 basta pumirma ka sa …
Read More »Pagpapalakas sa kalusugan ng senior citizens tinututukan ng Las Piñas LGU
NAGPAPATULOY ang pag-arangkada ng pneumonia vaccination drive ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa mga senior citizen upang siguruhin ang kanilang kalusugan at kapakanan. Nitong January 24, personal na tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar ang pagbibigay ng libreng pneumonia vaccines sa higit 1,200 na nakatatandang Las Piñero sa pangangasiwa ng mga doktor at vaccinator ng City Health Office …
Read More »
ICC may basbas daw ni PBBM
TRILLANES GREAT DESTABILIZER — BATO
TRILLANES a great destabilizer. Ito ang tahasang akusasyon ni Senador Ronlad “Bato” dela Rosa laban kay dating Senador Antonio Trillanes. Ang reaksyong ito ini dela Rosa ay matapos manindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kamakalawa na hindi niya kinikilala ang sinumang kinatawan ng Internasional Criminal Court (ICC) na magsasagawa ng imbestigasyon sa bansa ukol sa mga naganap na Extra …
Read More »Isinusulong na Cha-cha, Peso initiative not peoples initiative — Senador
NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na hindi maaring tawagin pang Peoples Initiative kundi Pera initiative na ito ay dahil kapalit ng paglagda ng taong bayan ay may kapalit na halaga. Ayon kay Gatchalian batay sa impormasyong kanyang nakalap sa bawat pirma ng isang tao ay mayroong kapalit na isang daan o dalawang daang piso. Kung kaya’t maituturing na hindi na …
Read More »Suarez binuweltahan akusasyon ni ex-Speaker Alvarez sa planong amyenda sa Saligang Batas
HINDI nagpatumpik-tumpik ang bagong talagang Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province at agad bumuwelta sa, umano’y, mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nais lang pagwatak-watakin ang Kamara de Representantes. Kasabay nito binigyang diin din ni Suares ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layon lang …
Read More »Sen. Bong bukas palad sa pagtulong sa mga taga-industriya: Iwasan ang sakit, ipaalam lang, handa tayong tumulong
HATAWANni Ed de Leon PAPAALIS kami sa Loyola Memorial Chapels na roon nakahimlay ang labi ng aming kasamahang si Mario Bautista nang masalubong si Sen. Bong Revilla. Nagkakuwentuhan din sandali sa harapan ng punerarya. Sabi ni Sen. Bong, “Nauubos na ang mga kaibigan natin sa press tumatanda na tayo, kailangan pangalagaan na rin ninyo ang health ninyo. Iwas na sa sakit at kung may …
Read More »Comelec Chairman kinalampag sa disqualification case
HARD TALKni Pilar Mateo KINALAMPAG ng mamamayan ng Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon si Chairman George Garcia ukol sa disqualification case na inirekomenda ni Provincial Elections Supervisor Atty. Allan Enriquez laban kina Brgy Chairman Gina Amandy at Kagawad Arnel Amandy ng Brgy Ibabang Pulo, Pagbilao Quezon Balita kasing naiproklama na raw ang dalawa kahit may election violations tulad ng paglagay ng mga oversized tarpaulins. Kailan kaya maaksiyonan itong mga isinampang …
Read More »P120.4-M bayad ng NAPOCOR sa Norzagaray, panimulang pondo para sa bagong ospital
ILALAAN bilang panimulang pondo sa paglilipat ng lokasyon ng Norzagaray Municipal Hospital ang halagang P120.4 milyong Real Property Tax (RPT) ng National Power Corporation (NAPOCOR) sa pamahalaang bayan ng Norzagaray. Ayon kay Norzagaray Mayor Ma. Elena L. Germar, kasalukuyang sa Barangay Poblacion nakatayo ang ospital na target ilipat ng pamahalaang bayan sa isang ektaryang solar sa Barangay Bitungol. Ipinaliwanag ng …
Read More »
BLACKOUT SA PANAY ISINISI SA MULTIPLE PLANT TRIPPINGS
Giit ng NGCP whole-of-industry approach para sa maayos na supply
MULING nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng isang whole-of-industry approach kasama ang mas maayos na energy resource planning kasunod ng naganap na multiple power plants tripping kaya naalan ng supply ng koryente ang Panay islands mula sa iba pang Visayas grid nitong nakaraang Martes, 2 Enero 2024. “The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants …
Read More »
Kompara sa electric coops – Philreca
MERALCO BAKIT ‘DI KAYANG IBABA PRESYO NG KORYENTE?
IPINAGTATAKA ng isang mambabatas kung bakit hindi nagagawang magbaba ng singil ng koryente ng Manila Electric Company (Meralco) kompara sa electric cooperatives sa mga probinsiya na nagagawang maningil ng mura at mas mababa. Ito ang tanong ni Philippine Rural Electric Cooperative Association Inc. (Philreca) Rep. Presley De Jesus sa kanyang interpelasyon sa pagdinig ng House committee on legislative …
Read More »Himok ng POLPhil, pagkakaisa ng ‘stakeholders’ para sa kapayapaan
HINIKAYAT ng grupong Political Officers League of the Philippines (POLPhil) ang mga progresibong organisasyon na magsama-sama at lumikha ng ‘adyenda ng bayan’ para sa ganap na tunay na kapayapaan na mapapakinabangan ng bawat mamamayan at ng mga susunod na henerasyon. Ayon kay Noel Medina, POLPhil NCR Vice President, “hindi namin tinutuligsa ang pagsisikap ng opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng …
Read More »
Walang paki sa aksiyon ng CCG
CHINESE AMBASSADOR PABALIKIN SA CHINA
ni Niño Aclan THEY have no heart. Ito ang tahasang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri laban sa Chinese Coast Guard (CCG) o tropang intsik kaugnay ng panibagong pambu-bully sa pamamagitan ng pag-spray ng tubig sa tropang Pinoy na magdadala ng supplies sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc sa Scarcorough Shoal. Ang pahayag ni Zubiri ay kasunod din …
Read More »
Bigong magsumite ng regulatory reports
MERALCO POSIBLENG KANSELAHAN NG PRANGKISA
TAHASANG sinabi ni Surigao Del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel na lumalakas na ang panawagang kanselahin ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) matapos mabigong isumite ang annual financial and operations reports. Sa ilalim ng Republic Act 9209, ang batas na nagkaloob ng prangkisa sa Meralco, obligasyon nilang magpasa ng annual financial and operations reports. Ayon kay Pimentel, batay …
Read More »Bagong gusali ng Senado ‘white elephant’ hanggang 2025
MALABO nang magamit pa ang itinayong gusali ng senado sa 2024 at ang mga senador na magtatapos ang termino ngayong 2025. Ito ay sa kabila ng pagsusumikap ni Senadora Nancy Binay, Chairman ng Senate committee on accounts na masunod ang unang plano na magamit ang naturang gusali sa umaga bago ang pagbibigay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) …
Read More »PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina
BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing kaalyado nito ang gobyerno ng Tsina, batay sa natanggap nilang intelligence report. Patuloy na kinokompirma ng PMP, isang underground organization ng mga manggagawa na pinamumunuan ng namatay na si Felimon “Popoy” Lagman,” ang natanggap nilang ulat sa ahensiya para …
Read More »Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers
TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang na refund ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang customers kasunod ang paghayag na dapat ay ibaba na ang singil sa koryente matapos ire-compute ng regulators sa weighted average cost of capital (WACC). Ayon kay Alfredo Non, dating ERC commissioner, batay sa computation dapat i-refund …
Read More »
Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO
TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Panay-Guimaras 138-kiloVolt (kV) Interconnection Project nang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema ukol sa usapin ng kakulangan sa isang component sa completion ng programa. Magugunitang noong 12 Abril 2023, nagpalabas ang hukuman ng isang TRO base sa petisyong inihain ng …
Read More »‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson
NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp Tecson, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Sentro ng mga pasilidad na inilagak dito ang isang Military Operations on Urban Terrain o MOUT Training Facilities para sa mga kawal ng First Scout Ranger Regiment o FSRR ng Philippine Army. Dinisenyo ang MOUT bilang …
Read More »Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’
NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na huwag nitong pahintulutan ang planong destabilisasyon ng ilang kampo na sinabing malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kasapakat nito. Ipinarating sa media ang pahayag ng Partisano, isang armadong operatiba ng Partido Marxista Lenista ng Pilipinas (PMLP), may title headings na labanan at biguin …
Read More »
Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng power distribution rate ng Manila Electric Co. (Meralco) na pinaniniwalaan ng ilang mambabatas na dahilan kung bakit tumataas ang singil sa koryente. Ang panawagan ng senador ay kasunod ng pahayag ni dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera sa isang pagdinig sa Mababang Kapulungan …
Read More »