MAKARAAN ang dalawang linggo matapos ang pambubugbog kay Ferdinand “Vhong” Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor. Mula sa St. Luke’s Medical City, dumiretso ang convoy ni Navarro sa Department of Justice para panumpaan ang kanyang salaysay. Pinagkaguluhan ng mga tao si Navarro pagkalabas sa ospital ngunit agad isinakay sa van. Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery …
Read More »10 Koreanong gambling lords arestado sa The Fort
Arestado ang 10 Koreano sa East Tower, One Serendra Condominium sa Fort Bonifacio Global City, Taguig dahil sa ilegal na operasyon ng sugal, Martes ng umaga. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group Cyber Response Team (PNP-CRT), ang magkahiwalay na unit ng gusali at dinampot ang walong lalaki at dalawang babaeng Koreano, na nahaharap sa kasong …
Read More »Genuine party-list isinulong (Ex-gov’t , PNP, AFP offcials ‘di na uubra)
UMAASA ang Makabayan bloc na matutuldukan na ang pang-aabuso ng mga ganid sa kapangyarihan at maging ang nabababoy na party-list system. Ayon kina representatives Neri Colmenares (Bayan Muna), Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna), Luzviminda Ilagan (Gabriela), Emmi de Jesus (Gabriela), Antonio Tinio (ACT-Teachers), Fernando Hicap (Anakpawis) at Terry Ridon (Kabataan), dapat matiyak na marginalized at under represented sector sa lipunan …
Read More »4,234 bata ginahasa noong 2013
UMAKYAT ng 26 porsyento ang bilang ng mga insidente ng panggagahasa ng mga bata noong 2013, kompara noong 2012, ayon sa data ng Philippine National Police Directorate for Investigation and Detective Management branch. Aabot sa 3,355 ang mga batang ginahasa noong 2012, samantalang pumatak sa 4,234 ang mga biktima noong 2013. Batay sa datos ng PNP-DIDM, tumaas din ang bilang …
Read More »Pribatisasyon ng Orthopedic immoral — CBCP
MARIING tinutulan ng Simbahang Katoliko sa Filipinas ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center. Ayon kay Rev. Fr. Dan Cansino, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ang pagsasapribado ng orthopedic hospital ay labag sa “morals and quality of life” sapagkat mapipigilan nito ang mga may sakit lalo na ang mahihirap na makapagpagamot. Ang Philippine Orthopedic Center ay itinayo …
Read More »25 pupils pinakain ng cellophane ng titser
INIREKLAMO ng mga magulang ng 25 pupils ang isang guro na nagpakain ng cellophane sa kanilang mga anak sa isang elementary school sa Agusan del Sur. Tiniyak ng Department of Education (Dep-Ed) – Agusan del Sur Division, na hindi palalampasin ang ginawa ng guro na si Camisi Marloe Baito ng San Luis Central Elementary School sa San Luis, Agusan del …
Read More »Erpat tigbak sa tarak ng adik na anak
“PAPA mahal mo ba ako?” Mga katagang sinambit ng 30-anyos anak sa kanyang sariling ama, bago pagsasaksakin hanggang mapatay sa harap ng kanyang ina kamakalawa ng hapon, sa Pasay City. Inakalang walang pagmamahal sa kanya kaya’t nagawang saksakin ng ilang ulit ni Alfredo Villavert, Jr., ang sariling amang si Alfredo Villavert, Sr., 64, ng 551 E. Rodriguez Ext., ng lungsod. …
Read More »SI Henry Quiuness, isa sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa negosyanteng si…
SI Henry Quiuness, isa sa mga suspek sa tangkang pagpatay sa negosyanteng si Katherine Decena, kanan, habang pumipirma sa dokumento sa DoJ Prosecutor’s Office kaugnay sa kanyang pagsuko upang maging witness sa kaso. (BONG SON)
Read More »Amang pumatay sa mag-ina timbog
INIHARAP kahapon sa mga mamamahayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina, dahil sa matinding selos, matapos maaresto nitong Martes ng hapon, sa isang hotel sa Tuguegarao City, Cagayan. Sasampahan ng kasong double parricide ng pulisya ang suspek na si Danilo Rafael, Sr., 55, matapos patayin ang kanyang mag-inang sina Fe Rafael, 54, …
Read More »INIHARAP ni Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police…
INIHARAP ni Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, kay Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez at sa media, si Danilo Rafael. Sr. , suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina at isinilid sa trunk ng kotse ang mga biktima sa Parañaque City, makaraang madakip ng mga awtoridad sa Tuguegarao City. (JIMMY HAO)
Read More »10 Koreanong gambling lords arestado sa The Fort
Arestado ang 10 Koreano sa East Tower, One Serendra Condominium sa Fort Bonifacio Global City, Taguig dahil sa ilegal na operasyon ng sugal, Martes ng umaga. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group Cyber Response Team (PNP-CRT), ang magkahiwalay na unit ng gusali at dinampot ang walong lalaki at dalawang babaeng Koreano, na nahaharap sa kasong …
Read More »2 septuagenarian, pamangkin patay sa Tondo fire
DALAWANG septuagenarian at isang pamangkin, ang natagpuang magkakahawak ang kamay at magkakapatong ang bangkay, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon . Kinilala ang mga biktimang sina Gloria Calma, 76, kapatid nitong si Corazon Calma, 72, at pamangkin na si Rochelle Calma, 37, mga residente ng 537-A, Francisco St., Tondo. Ayon sa ulat ni Arson Investigator SFO3 John Joseph Jalique ng …
Read More »Davidson bubusisiin ng BIR
IKINOKONSIDERA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-imbestiga kay Davidson Bangayan o David Tan upang malaman kung nagbabayad siya nang tamang buwis. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, maraming naiulat na naging mga negosyo si Bangayan, sinasabing pawang mga walang kaukulang dokumento. Inihayag ng opisyal na patuloy pa ang pangangalap ng ahensya ng mga ebidensya at iba pang mga …
Read More »P6-M restricted drugs nasabat sa Pasay
DANGEROUS DRUGS. Iprenesinta nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino, BoC-NAIA District Commander Lt. Regie Tuason, at CMEC-OIC Collector Arman Noor ang nasabat na P3,780,000,00 halaga ng restricted drugs gaya ng Valium, Ativan, Dormicum, Diazepam, Rivotril, Ritalin, matapos maharang ng mga tauhan ng BoC-Anti Illegal Drugs Task Force sa Central Mail Exchange Center, Postal Corporation sa Parañaque …
Read More »Mister timbog ni misis na ka-oral sex si sister
ROXAS CITY – Inireklamo ng isang ginang ang sariling mister na nahuling nakikipag-oral sex sa hipag sa loob ng banyo sa Pilar, Capiz. Ipinahuli at ipinakulong ni alyas Michelle, 26, ang asawang si alyas Pablo, 32, matapos mahuling may malaswang ginagawa kasama ang kapatid na si alyas Maya, 20. Base sa reklamo ng ginang, nagulat na lamang siya nang magising …
Read More »Media convoy nakaligtas sa roadside bombing
COTABATO CITY – Tiniyak ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na ligtas na ang sitwasyon ng ilang mamamahayag na nagkataong dumaan nang mangyari ang roadside bombing sa hangganan ng mga bayan ng Rajah Buayan at Mamasapano, Maguindanao. Ayon kay Mangudadatu, nagkataon na dumaan ang convoy ng media na kinabibilangan ng ABS-CBN, GMA7 at TV5 nang maganap ang pagsabog na tinatayang …
Read More »Makati transport leader itinumba
BINARIL sa ulo ng hindi nakilalang suspek ang lider ng isang transport group sa siyudad ng Makati, kamakalawa ng gabi . Nadala pa sa Ospital ng Makati ang biktimang kinilalang si Bemindo Jose, 63, pangulo ng Highway-54 Pateros Drivers Association (HIPADA), ng 174 Dalandan St., Brgy. Comembo, pero binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid …
Read More »Lookout order vs Vhong hirit din nina Cornejo, Lee
PORMAL nang hiniling ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa Department of Justice (DoJ) na magpalabas ng lookout bulletin order laban sa TV host/actor na si Vhong Navarro. Ayon kay Atty. Howard Calleja, abogado nina Cedric, ito ay bilang pagsaalang-alang sa prinsipyo ng pagiging patas dahil ang kanyang mga kliyente ay nauna nang isinailalim sa lookout bulletin makaraang …
Read More »32 atleta sa Palarong Bicol bagsak sa matinding init
LEGAZPI CITY – Mas hinigpitan pa ang monitoring ng medical team sa nagpapatuloy ng Palarong Bicol 2014 sa lalawigan ng Catanduanes. Ito ay kasunod ng mataas na bilang ng mga atletang hinimatay sa gitna ng kompetisyon. Umaabot na sa 32 ang naitalang hinimatay habang nasa kasagsagan ng palaro na agad dinala sa headquarters ng Philippine Red Cross. Isinisisi sa sobrang …
Read More »Rapist ng sariling ina, nagbigti (‘Di pinansin ng pulis nang sumuko)
LEGAZPI CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki habang nakabitin sa puno ng ipil-ipil sa lungsod ng Tabaco. Kinilala ang biktimang si Rommel Bizen, residente ng Purok 3, Brgy. Sto. Cristo, nasabing lungsod. Dakong 8 a.m. nang matagpuan kahapon ang bangkay ni Bizen na nakabitin gamit ang straw sa puno. Inaalam pa ng mga awtoridad kung may …
Read More »5 parak sibak sa blotter vs Vhong (Proseso palpak)
LIMANG pulis ng Southern Police District Office (SPDO) ang sinibak sa pwesto kahapon, kabilang ang dalawang opisyal, na nagproseso sa pagpapa-blotter ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo laban sa actor/TV host Vhong Navarro, nitong Enero 22, sa Taguig City. Ayon kay SPDO Director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, pansamantala nilang inalis sa pwesto ang hepe ng District Investigation …
Read More »Akyat-Bahay niratrat utas
TADTAD ng tama ng bala sa katawan ang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang, matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek habang naglalakad pauwi sa kanyang tirahan, sa Taguig Citykamakalawa ng umaga. Namatay noon din ang biktimang si Ronald Melendez, 22, ng 18-G Banana St., Purok 3, New Lower Bicutan, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan. …
Read More »Gigi, kaanak imbestigahan (Sa P5-B port project)
HINIKAYAT ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang Department of Justice (DoJ) na palawakin ang imbestigasyon sa sinasabing illegal na aktibidad ni Senador Juan Ponce Erile, at isama ang kontrobersyal na dating chief of staff na si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes at ang kanyang pamilya. Sa dalawang pahinang sulat kay Justice Secretary Leila de Lima, sinabi ni Santiago na ginamit ni …
Read More »3 patay sa motorsiklo vs truck sa Rizal
PATAY ang tatlong kabataan nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck sa Tanay, Rizal kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Supt. Noel Versoza, Rizal Police chief, ang biktimang sina Henry Fineza, 18, driver ng motorsiklo, ng #30 P. Burgos St., Brgy. Concepcion, Baras; Paul John LLagas, 22, ng Sitio Kay-Tago, Baras, at Mark Richard Paul Delfina, nakatira sa Sitio …
Read More »Estudyante hinalay ng manliligaw (Laging dinadalhan ng breakfast)
“Nagulat na lamang po ako nang pumasok siya sa kuwarto ko. Akala ko dadalhan lamang niya ako ng almusal, kasi lagi po niyang ginagawa ‘yun. Tapos bigla na lamang niya ako pinaghahalikan hanggang maitumba niya ako.” Ang maluha-luhang salaysay ng 19-anyos estudyante, at galit na itinuro ang suspek na humalay sa kanya sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Swak sa …
Read More »