Wednesday , October 5 2022

Sanggol, paslit patay sa landslide

072414_FRONT

PATAY ang isang sanggol at kapatid niyang paslit nang matabunan ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa liblib na lugar sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal kahapon ng madaling-araw.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, naganap ang insidente dakong 3:30 a.m. sa Sitio Bambanin, Brgy. San Isidro ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, malakas ang buhos ng ulan nang maganap ang insidente.

Iniulat ng PDRRMO, ang mga biktima ay sina John Michael Amor, anim-buwan gulang, at Rey Amor, 3-anyos, nakatira sa Sitio Bambanin, Lukutang Maliit, Brgy. San Isidro.

Isinugod ang mga biktima sa Casimiro Ynares Sr. Memorial Hospital ngunit hindi na nasagip ang kanilang buhay.

nina ED MORENO/MIKKO BAYLON

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …

Leave a Reply