Thursday , June 4 2026

3rd impeachment vs PNoy isasampa ngayon

MAY kasunod pa ang ihahaing impeachment complaints ng mga kritiko laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ngayong araw ay may ikatlong reklamo pang maihahain sa Kamara laban sa punong ehekutibo.

Ngunit  sa pagkakataong ito, hindi na nakasentro sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang reklamo kundi ito ay nakabase na sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Filipinas at Estados Unidos.

Inaasahang lima ang magiging complainant ng ikatlong reklamo laban sa Pangulo, habang dalawa ang kanilang grounds for impeachment.

Una, ang betrayal of public trust dahil sa pagpasok ng gobyerno sa EDCA, at culpable violation of the constitution dahil ang rotational presence ng mga sundalong Amerikano sa bansa ay sinasabing labag sa probisyon na nagbabawal sa permanenteng presensiya ng mga dayuhang pwersa gayondin ng kanilang pasilidad.

Habang nagpahayag na ng kahandaang mag-endoso ng reklamo sina Act Party-list Rep. Antonio Tinio at Gabriela Party-list Rep. Emmi de Jesus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …