ILANG lugar sa Cebu at Bohol ang niyanig ng intensity 3 na lindol kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang intensity 3 sa bahagi ng Buenavista, Bohol, habang intensity 2 sa Cebu City. Sinabi ng Philvocs, bandang 10 p.m. kamakalawa nang tumama ang magnitude 3.9 lindol sa Balihihan, Bohol, na sentro ng pagyanig. …
Read More »Peacefull resolution sa Thailand hangad ng DFA
UMAASA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakaroon ng peaceful resolution sa bansang Thailand kaugnay sa kinakaharap nilang political crisis. Sa ipinalabas na pahayag ng DFA, “As a friend and fellow ASEAN member, the Philippines hopes the Thai people will be able to resolve this latest political challenge peacefully through dialogue and in the spirit of national harmony.” Ayon …
Read More »Alyansang panseguridad ikinokonsidera ng PH sa US
NAKAHANDA ang Palasyo na pag-aralan ang napaulat na bagong security alliance na binabalak ng Estados Unidos sa mga bansa sa Asia-Pacific kapag may opisyal nang panukala at hindi ibabatay sa press release lamang. “Kailangan pa ‘yan umabot doon sa yugto nang masusing pag-aaral kung magkakaroon na ng pormal na kahilingan o panukala at ito ay pangkaraniwang idinaraan sa mga opisyal …
Read More »Coco Levy imbestigahan sa Kongreso
ISANG ‘listahan’ ang hawak ng isang banko na mas masahol pa sa “pork barrel list” at dapat busisiin ng mga mambabatas sa Kongreso. Inihayag ito ni dating Manila representative Benny Abante, kaugnay ng aniya’y mas masahol pa sa listahan ng mga nakinabang sa P10-billion pork barrel scam at “kung may bait pa tayo sa ating bansa, hindi dapat isawalang-bahala ng …
Read More »Lola, sanggol patay sa ipo-ipo
KIDAPAWAN CITY – Nag-iwan ng dalawang patay at isang sugatan ang malakas na ipo-ipo na tumama sa North Cotabato dakong 5 p.m. kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Princess Jelyn Tubal, 5-buwan gulang, at Teresita Murillo, 53, habang sugatan si Danny Asinas, 46, pawang mga residente ng Sitio Mauswagon, Brgy. Salunayan Midsayap North Cotabato. Ayon sa ulat ng pulisya, …
Read More »85-anyos lola patay sa sunog
Patay ang 85-anyos lola nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Batis, San Juan, iniulat kahapon. Ayon sa pulisya, kinilala ang biktimang si Remedios Rodriguez-Go, 85-anyos, namatay dahil sa suffocation sa naganap na sunog sa 447 Pascual street. Nabatid, matagal nang may karamdaman na diabetes ang matanda kaya hindi na siya nakalalakad. Sa ulat, nagsimulang sumiklab ang apoy …
Read More »Desisyon ng Sandiganbayan pabor sa Marcoses pinagtibay ng SC
KINATIGAN ng Supreme Court ang pagbasura ng Sandiganbayan sa 120 piraso ng dokumento na isinumite ng gobyerno laban kay dating First Lady Imelda Marcos at ilang miyembro ng pamilya Tantoco. Ayon sa Korte Suprema, walang pag-abuso sa poder na ginawa ang Sandiganbayan makaraan ibasura ang nasabing mga ebidensiya dahil sa kabiguan ng gobyerno na ito’y ipresenta sa pretrial ng kaso. …
Read More »Anti-Dynasty Law hindi una sa Palasyo
HINDI prayoridad ng Palasyo na magkaroon ng anti-political dynasty law kahit pa nakasaad sa 1987 Constitution na kailangan magkaroon ng batas upang ganap na maipagbawal ang pamamayagpag ng mga angkan ng politiko sa bansa. “ ‘Yan po ay isa sa mga isinasaad ng ating Konstitusyon ng 1987, ngunit kinakailangan ng batas para ipatupad ito. ‘Nong huling tinanong si Pangulong Aquino …
Read More »Pope Francis sa Middle East: Kapayapaan
BETHLEHEM – Nasa Bethlehem na si Pope Francis bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa Middle East na tinaguriang “sensitive part.” Layon ng biyahe ng Santo Papa na paigtingin ang regional peace at magkaroon ng kaunting kaluwagan sa “age-old rift” sa Kristiyanismo. Unang nagtungo si Pope Francis sa Jordan nitong Sabado, siya’y umapela na tuldukan na ang giyera …
Read More »Pusakal na holdaper itinumba sa Divisoria
PATAY ang lalaking si alyas Linga makaraan barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. (ALEX MENDOZA) TODAS ang isang kilalang ‘tirador’ sa Divisoria nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang nakaupo sa “tejeras” (folding chair), kamakalawa sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang kinilala sa pangalang “Linga,” sanhi ng mga tama …
Read More »Thailand’s ex-PM ikinulong sa military barracks
Ikinulong ng militar ang ex-Thailand Prime Minister Yingluck Shinawatra kasunod ng deklarasyon ng kudeta sa bansa na nasa ilalim pa ng martial law. Kabilang si Yingluck sa mahigit 100 matataas na opisyal na ipinatawag ng militar na kumukontrol sa bansa. Ayon kay National Security Adviser Lt. Gen. Paradon Patthanathabut, ipiniit si Yingluck sa military barracks sa labas ng Bangkok para …
Read More »Whistleblower pa kumalas kay Baligod
Sinibak na rin ng whistleblower na si Merlina Suñas si Levito Baligod bilang abogado sa multi-bilyong pork barrel scam. Batay sa liham ng testigo, nagpapasalamat siya sa mahigit isang taon paggabay sa kanya ni Baligod sa kontrobersyal na kaso. Walang ibinigay na rason si Suñas sa pagtanggal kay Baligod, pero nakasaad na epektibo ito nitong Biyernes, Mayo 23.
Read More »Aus$800 natangay ng ‘Ativan Gang’ sa Columbian national
Natangay ang Aus-$800 ng isang Columbian na isa rin volunteer, matapos mabiktima ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Ativan gang, sa Quiapo, Maynila. Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District – General Assignment (MPD GAS) ang biktimang si Viviana Ruiz Gomez, 36, Tacloban volunteer, nanunuluyan sa 5663 Don Pedro St., Poblacion, Makati para ireklamo ang ginawa sa kanya ng tatlong suspek. …
Read More »Kinse binasted ng 12-anyos nagbigti
Nagbigti ang 15-anyos binatilyo nang mabigo sa pag-ibig sa kanyang nililigawang 12-anyos dalagita, sa barangay Buduan, Burgos, Ilocos Norte. Nakabigti pa nang natagpuan ang biktimang si Jomel Avila nang matagpuan ng mga kaanak at kaibigan. Nabatid na dumating sa bahay si Avila na umiiyak dahil umano binasted ng nililigawan. Nagkulong siya sa kuwarto at makalipas ang ilang oras ay lumabas …
Read More »Diga ng senglot dinedma dalaga binoga sa paa
NANGANGANIB maputulan ng isang paa ang 39-anyos dalaga dahil sa pamamaril ng manliligaw na kanyang inisnab sa isang inuman sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Angie Lumdino, ng Block 34, Phase 2 Area 2, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng …
Read More »PALIT-ULO? Pinaniniwalaang ang mga lalaking nasa larawan ay…
PALIT-ULO? Pinaniniwalaang ang mga lalaking nasa larawan ay hindi ang mga tunay na ‘illegal gambling’ personnel na nadakip sa bahay ng isang PO3 Rolando Simbulan sa kanto ng Sevilla at Concha streets sa Tondo, Maynila kung hindi mga barangay tanod umano na ipinalit-ulo ng isang barangay official.
Read More »Holdaper utas sa enkwentro
Nakabulagta sa gilid ng bangketa ang isa sa dalawang riding in tandem robbery group nang maka-enkwentro ang mga tauhan ng QCPD-Stn.6 sa Kagawad St., Area C, Brgy. Batasan Hills, QC. (ALEX MENDOZA) PATAY ang isa sa dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Baranngay Batasan ng lungsod, kamakalawa ng gabi. Sa ulat …
Read More »Affidavit ni Napoles pinasusumite ng Palasyo (Blackmail itinanggi ng Napoles camp, Kapalit ng immunity)
HINIMOK ng Palasyo si multi-billion pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles na isumite muna ang kanyang affidavit na kompleto ang mga detalye hinggil sa anomalyang kanyang kinasasangkutan bago humirt ng kung ano-anong kondisyon, gaya ng immunity. “Siguro hintayin natin ang affidavit niya bago hiling, kesyo kondisyon na ganito o ganyan … tapusin muna ang affidavit. In American colloquial language, you …
Read More »22-anyos PCG trainee dedo sa heat stroke
Ipinaliwanag ng Coast Guard District Northwest Luzon na mataas ang temperatura ng katawan ng kanilang trainee na namatay dahil sa heat stroke noong Linggo. Kinilala ang biktimang si April Vanessa Inte, 22, tubong Davao City, miyembro ng Coast Guard Class 33-2014. Ayon kay Lt. Neomi Cayabyab, course director ng Class 33, umabot hanggang 41.7 degrees Celsius ang temperatura ng katawan …
Read More »Amasona, anak bantay-sarado sa ospital
BANTAY-sarado ng mga awtoridad sa isang pagamutan ang naka-confine na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) at anak na sanggol na nasugatan sa enkuwentro sa Sitio Hukdong, Brgy. Balocawe, Matnog, Sorsogon. Ginagamot sa isang ospital sa nasabing lugar si “Ka Cynthia” sanhi sa tama ng punglo sa nasabing enkuwentro. Si Ka Cynthia ay sinasabing kasama ng naarestong si Ka …
Read More »Mag-lolo napisak sa gumuhong pader
Patay ang mag-lolo nang aksidenteng madaganan ng gumuhong pader sa Cauayan City. Napag-alaman na dahil sa lakas ng ulan at hangin natumba ang pader na may 10 talampakan ang taas sa Minante I, Cauayan City. Nagkaton na naro-roon ang mag-lolong sina Lucas Guzman, 57 at Felix Gammad, 14, ng Tagaran, nang gumuho ang nasabing pader. Napisak ang ulo ng lolo …
Read More »JDI nakipag-partner sa Rowers Club Philippines Sea Dragons
HINDI LANG PANG-CONSTRUCTION, PANG-ISPORTS DIN. Lumagda ang Jardine Distribution, Inc., (JDI) at Rowers Club Philippines Sea Dragons, Inc., sa isang partnership na kinatawan nina Edwin Hernandez, JDI President/General Manager; Joven Vilvestre, JDI Construction Supplies National Sales Manager; at Christian Villar, RCP President, nitong nakaraang Mayo 14 (2014) sa JDI headquarters sa Makati. Nakapaloob sa nasabing kasunduan na ang JDI …
Read More »Globe, todo suporta sa Aling Puring convention
Nagsama-sama sina Daniel Horan (kaliwa), Globe Senior Advisor for Consumer Business, Vincent Co (kanan), Puregold Price Club Inc. (PPCI) Marketing Director at iba pang Puregold trade partners sa paglulunsad ng AlingPuring Convention ngayon taon. PINALAKAS ng Globe Telecom ang suporta sa retail at small and media enterprise (SME) industries sa pamamagitan ng paglahok sa taunang Aling Puring Convention mula Mayo …
Read More »Thailand’s ex-PM ikinulong sa military barracks
Ikinulong ng militar ang ex-Thailand Prime Minister Yingluck Shinawatra kasunod ng deklarasyon ng kudeta sa bansa na nasa ilalim pa ng martial law. Kabilang si Yingluck sa mahigit 100 matataas na opisyal na ipinatawag ng militar na kumukontrol sa bansa. Ayon kay National Security Adviser Lt. Gen. Paradon Patthanathabut, ipiniit si Yingluck sa military barracks sa labas ng Bangkok para …
Read More »Whistleblower pa kumalas kay Baligod
Sinibak na rin ng whistleblower na si Merlina Suñas si Levito Baligod bilang abogado sa multi-bilyong pork barrel scam. Batay sa liham ng testigo, nagpapasalamat siya sa mahigit isang taon paggabay sa kanya ni Baligod sa kontrobersyal na kaso. Walang ibinigay na rason si Suñas sa pagtanggal kay Baligod, pero nakasaad na epektibo ito nitong Biyernes, Mayo 23.
Read More »