DUMISTANSYA ang Malacañang sa panawagan ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na magbitiw si Vice President Jejomar Binay dahil sa hindi paglalabas ng tunay na kulay, o kung siya’y maka-administrasyon o panig sa oposisyon. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sariling diskarte ni Erice ang kanyang privilege speech at walang partisipasyon ang Tanggapan ng Pangulo. Binigyang-diin ni Coloma, batas …
Read More »West PH Sea dispute ‘wag idaan sa ‘paawa’ (Patutsada ng China sa PH)
BINATIKOS ng China ang anila’y pagpapaawa ng Filipinas sa international community sa usapin ng pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea. Sa pagtitipon ng state parties sa United Nations Convention on the Law of the Sea sa UN headquarters sa New York, sinabi ni Chinese deputy permanent representative to UN Wang Min, ang ugat ng tensyon …
Read More »Barangay kagawad todas sa ambush
ISANG barangay kagawad ang tinambangan ng hindi pa nakikilalang gunman sa Barangay Parparia, Narvacan, Ilocos Sur, kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala na tumama sa katawan ang umutas sa biktimang si Orlando Javier, Jr., kagawad sa nasabing barangay. Sa ulat, nakaupo sa harap ng kanilang bahay si Javier habang kausap ang kapitbahay na si Luzviminda Aquino at isang teenager …
Read More »3 rider lasog sa van
BASAG ang bungo at bali ang katawan ng magkapatid nang mabangga ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na van habang sugatan ang isa pa sa barangay Lalo, Tayabas, Quezon, kamakalawa. Magka-angkas sa boxer motorbike na walang plaka ang mga biktimang sina Bienvenido, 42, at Benny Quingking, 34, kapwa ng Gumamela St., Roxas District, Quezon City, nang mawalan nang control at sumalpok …
Read More »PNP, hiniling kumilos vs riding-in-tandems
Dapat paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga elementong kriminal na gumagamit ng motorsiklo o riding-in-tandems para mabawasan kung hindi kayang hadlangan ang ganitong sistema ng pagpaslang. Ayon kay Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) secretary general Rodel Pineda, panahon na para pag-isipan ng Kongreso kung paano mahahadlangan ang ganitong estilo ng krimen lalo kung totoo …
Read More »P2.3-M Shabu huli sa 4 tulak
NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang tinatayang P2.3 milyon halaga ng shabu sa magkakasunod na operasyon sa magkakaibang lugar sa Hilagang Mindanao. Nasabat ng mga operatiba ng PDEA-10 ang may 176 gramo ng shabu nang maaresto ang apat na suspected drug couriers. Sa ulat ni PDEA deputy regional director Rayford Yap, unang naaresto ang drug …
Read More »Principal nagbigti sa P.1-M utang
TINAPOS ng isang 47-anyos school principal ang kanyang P.1-M utang sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Davao City, iniulat kahapon. Maitim na ang mukha at halos lumuwa na ang dila ng biktimang si Bernard Catalia, nang matagpuan ng kanyang misis na si Austria na nakabigti sa kanilang kwarto gamit ang nylon cord. Si Catalia ay principal …
Read More »Repatriation ng Pinoys sa Iraq inaapura (Militante lumusob pa)
NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Iraq na lumikas agad mula sa naturang bansa. Ito ay makaraan itaas ng DFA sa Level 3 ang crisis alert sa Iraq kasunod ng pagkubkob ng mga militante sa ilang lugar. Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, masusi nilang binabantayan ang sitwasyon sa Iraq. Sana aniya ay kusa nang …
Read More »Ops ni Cam vs De Lima itinanggi ni Lacson
MARIIING itinanggi ni dating senador at ngayon ay rehab czar Panfilo “Ping” Lacson ang mga balitang siya ang nasa likod ng aksyon ni Whistleblowers Association president Sandra Cam laban kay Justice Sec. Leila de Lima. Magugunitang si Cam ang isa sa mga nagsumite ng oposisyon sa Commission on Appointments (CA) laban kay De Lima upang harangin ang pagkompirma sa kalihim …
Read More »PDAF scholars pinangakuan ng Palasyo
INIHAYAG ng Malacañang na hindi nila hahayaang tumigil sa pag-aaral ang mga scholar dahil lamang ibinasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dating sumusuporta sa pag-aaral ng mga estudyante. “We want the scholars to continue studying. We don’t want them to go astray,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Aniya, naghahanap na ang Commission on Higher Education (CHED) …
Read More »Championship sa Asian V8 ‘misteryo’ sa ambush kay Pastor?
NAGKAKAROON na ng linaw sa posibleng motibo ng pagpatay sa Filipino car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Richard Albano, malaki ang paniwala ng pulisya na ang pagiging car racer ni Pastor ang dahilan ng pamamaslang bagama’t hindi isinaisantabi ang personal na motibo. May hawak nang testigo ang pulisya sa …
Read More »Nasabat na pekeng signature shoes ng MPD nawawala?
NAWAWALA ang nasabat ng Manila Police Distirct (MPD) na isang closed van na naglalaman ng mga pekeng sapatos sa Binondo, Maynila kamakalawa. Ito ang ibinunyag ng source, na dakong 2:00 pm nasakote ng MPD – District Special Operation Unit 1 ang nasabing closed van na naglalaman ng kargamento. Pero matapos ang balita, hindi nakarating sa headquarters ng MPD sa United …
Read More »Koreano kinuyog ng ‘dirty dozen’
ISANG Koreano ang naniniwalang nabiktima siya ng isang dosenang marurungis na bata na nag-alok sa kanya ng bulaklak at nanghingi ng limos habang nag-aabang ng taxi sa Malate, Maynila, kamakalawa ng madaling araw. Dumulog sa Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) ang Koreano na si Yeonkyung Jin, 27, nakatira sa 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig …
Read More »Bagyong Hagibis ‘di na papasok sa bansa
HINDI na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Hagibis na nasa West Philippine Sea. Ito ang sinabi kahapon ni Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, kasunod ng patuloy na paglayo ng naturang sama ng panahon. Nilinaw rin ng Pagasa na kahit Filipino name ang taglay ng naturang bagyo (Hagibis), hindi ang state weather bureau ang nagbigay ng …
Read More »Kelot nahulog sa MRT walkway, tigok
TODAS ang isang hindi nakilalang lalaki matapos mahulog mula sa walkway ng MRT Bonifacio Station sa Mandaluyong City kahapon. Ayon kay Roel Teves, tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mismong sa gitna ng northbound lane ng EDSA nahulog ang ‘di kilalang lalaki na nasa pagitan ng edad 30 hanggang 40-anyos. Nakasuot ng shorts at bahagyang marumi ang itsura. Ayon …
Read More »Aresto vs 3 Pork Senators tiniyak ni De Lima
KOMPIYANSA si Justice Sec. Leila de Lima na uusad ang mga kasong naisampa sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam. Aniya, umaasa silang tulad ng Office of the Ombudsman, makikita rin ng Sandiganbayan ang probable cause sa plunder at graft charges na naisampa laban sa ilang senador, kongresista at agents na kasabwat ni Janet Lim-Napoles. Ayon kay De Lima, maingat …
Read More »Ikukulong sa Crame off gadgets — PNP
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na kapag nakulong sa PNP Custodial Center, Camp Crame ang mga senador na sangkot sa PDAF scam ay mahigpit nilang ipagbabawal ang paggamit ng gadgets. Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, mahigpit nilang ipagbabawal sa bilangguan ang lahat ng uri ng gadgets gaya ng laptop, cellular phones, iPads at iba …
Read More »Sex video muling itinanggi ni De Lima
DIRETSAHANG itinanggi ni Justice Sec. Leila de Lima kahapon na siya ay may sex video at pinabulaanan din ang iba pang personal na pag-atake sa kanyang pagkatao. Tahasan niyang sinabi na walang ganoong sex video at kung meron man, malamang peke ito. Ayon kay De Lima, labis siyang nasasaktan at na-offend sa aniya’y ‘foul’ na paratang dahil paglapastangan ito sa …
Read More »PNP nakatutok sa high profile cases — Palasyo
TINIYAK ng Malacañang na kumikilos ang Philippine National Police para malutas ang pinakabagong mga krimen na naganap kamakailan, kabilang ang pagpatay sa dalawang prominenteng tao. Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inatasan ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang pulisya na lutasin ang kaso ng pagpatay sa car racer na si Enzo Pastor at sa negosyanteng si Richard …
Read More »Pasahe P8.50 na
SINIMULAN nang ipatupad kahapon ang dagdag na P0.50 sa pasahe para sa mga public utility jeepneys (PUJs) na kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ipinatupad ang dagdag-pasahe mula P8 ay P8.50 na sa Metro Manila Area, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa regions. Kasabay nito, mariiing pinaalalahanan ni LTFRB chairman Winston Ginez ang jeepney drivers na dapat sumunod …
Read More »5 Pasay PNP officials sinibak
WALANG kinalaman sa mga ulat na pagtaas ng krimen sa hurisdiksyon ang nangyaring pagbalasa sa limang opisyal ng Pasay City Police. Ito ang paglilinaw ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, na nagsabing kinakailangan lamang palitan ang ilang opisyal dahil sa pagiging “pamilyar” na sa kanilang puwesto at para na rin sa tinatawag na “career development.” Kabilang sa …
Read More »3 studes tinubo mag-utol na sekyu kalaboso
KALABOSO ang magkapatid na sekyu matapos hampasin ng tubo ang tatlong estudyante sa Echague, Isabela. Nakapiit ngayon ang magkapatid na suspek na sina Jestoni Chito Antonio at Jestom Antonio, kapwa security guard ng Ugad National High School. Habang naka-confine sa ospital ang mga biktimang itinago sa mga pangalang Enti, Alfred at Erol, pawang estudyante ng nasabing paaralan. Kuwento ng mga …
Read More »Hotel mogul, int’l car racing champ itinumba (Sa Davao at QC)
PATAY ang isang prominenteng Cebu businessman makaraan pagbabarilin sa loob ng kanyang hotel sa Davao City habang binawian din ng buhay ang isang international car racing champion nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Desmayado ang grupo ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa nangyaring pamamaslang kay hotel mogul Richard Lim King sa …
Read More »Plunder, Graft vs 3 Pork Senator ini-raffle na
INI-RAFFLE na ng Sandiganbayan kahapon ng umaga ang kasong plunder at graft na inihain ng Ombudsman laban sa tatlong senador kaugnay sa multibillion-peso pork barrel scam. Pinagsamasama ng anti-graft court ang 45 criminal information na kanilang natanggap, 42 ang graft at tatlo ang plunder. Ang plunder case at graft cases ni Senador Juan Ponce Enrile ay hahawakan ng Sandiganbayan 3rd …
Read More »Kris Aquino sa Tarlac tatakbo (Artista ‘wag iboto?)
TIKOM ang bibig ng Palasyo sa political plan ni presidential sister Kris Aquino, napaulat na kakandidato bilang gobernador sa Tarlac at iba pang mamanukin ng administrasyon sa 2016 elections. “ I’m not quite sure about the plans of the Presidential sister. I am also, at this point, not aware of any candidates that are being fielded by the President’s party …
Read More »