Liquor ban sa Maynila (Sa Papal visit)

manila liquor banNAGDEKLARA ang Manila City hall ng liquor ban upang maiwasan ang mga posibleng insidente sa panahon ng Papal visit at bago ang Feast of the Nazarene sa Quiapo sa Enero 9.

Bago ito, nagdeklara na rin ang tanggapan ng alkalde ng holiday para sa lahat ng mga estudyante at city employees sa Biyernes para maiwasan ang pagsikip ng mga sasakyan sa kalsada na magdudulot ng matinding trapiko.

Samantala, tiniyak ng Department of National Defense (DND) sa publiko na gagawin nila ang lahat upang mabantayan si Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Enero 15 hanggang Enero 19.

Ayon kay DND spokesman Dr. Peter Paul Galvez, magbibigay sila ng full support sa Philippine National Police (PNP) para masigurado ang seguridad ng Santo Papa kaugnay ng limang araw na pastoral at state visit.