Kelot nahulog mula 4/F ng Tutuban mall, patay

080514 suicide jumpPATAY ang isang 58-anyos lalaki makaraan mahulog mula sa ikaapat na palapag ng Tutuban Center Mall sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Conrado Gutierrez Sr., walang trabaho, ng 266 Cristobal Street, Tondo, sanhi ng pagkabasag ng bungo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Micheal Maragun, dakong 4:17 p.m., nakita ng security guard na si Jerico Cahapay, 40, ang biktima habang nagtatanggal ng sandals sa loob ng ikaapat na palapag ng gusali ngunit bigla na lamang nahulog at bumagsak sa ground floor.

L. Basilio