MAKARAAN awayin ng kanyang live-in partner sa harap ng kanyang kainoman, nagbigti ang isang lalaki sa loob ng banyo ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Leonardo Morales, 21-anyos, ng 25 Interior Aracity St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SPO2 …
Read More »Lola tiklo sa P1-M shabu sa Davao
DAVAO – Nakakulong na ang isang lola makaraan makuha sa kanyang posisyon ang ilegal na droga habang nasa Tagum City Overland Transport Terminal kamakalawa Kinilala ang suspek na si Natividad Papaya Pansit, 60, may asawa, residente ng Mt. Diwata, Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley Province. Naaresto ng mga awtoridad ang nasabing lola sa buy-bust operation ng mga pulis at nakuha sa …
Read More »Lipa Mayor kinasuhan sa Ombudsman
ni JSY SINAMPAHAN ng mga kasong administratibo sa tanggapan ng Ombudsman ang Alkalde ng Lipa City at hinihiling ng mga nagreklamong nagmamay-ari ng lupa ang preventive suspension matapos mabatid na ‘pekeng’ abogado at hindi lisensiyadong broker ng lupa. Sinampahan ng mga kasong administratibo si Lipa Mayor Meynard A. Sabili gaya ng grave misconduct, dishonesty at oppression/grave abuse of authority. …
Read More »2 adik sinunog ang sarili (Isa napraning, isa pa nabuang)
SINILABAN ng dalawang lalaki ang kanilang sarili nang mawala sa katinuan dahil sa pagkagumon sa droga sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas City at Pasig City kahapon. Sa Las Piñas City, wala nang buhay nang matagpuan si Marlon Balse, 32, sa loob ng kanyang kwarto sa dalawang palapag na bahay sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos. Ayon sa …
Read More »PNoy sinalubong ng protesta sa PMA graduation
PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang commencement exercises ng Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Class of 2015 sa Fajardo Grandstand, Borromeo Field, Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, Baguio City kahapon. (JACK BURGOS) BAGUIO CITY – Hindi naging hadlang sa mga militanteng grupo ang higpit ng seguridad sa Philippine Military Academy para hindi sila makapagsagawa ng kilos-protesta. Paglabas ng …
Read More »Isabela-Aurora tinutumbok ng Bagyong Bavi
TINUTUMBOK ng bagyong may international code name na Bavi ang Luzon habang nakaambang pumasok sa Philippine area of responsibility sa Martes. Batay sa mga international forecast, maaaring sa bahagi ng Isabela o Aurora mag-landfall ang bagyo sa Sabado ng susunod na linggo. Kahapon, lumakas pa ang bagyo sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na …
Read More »Lone bettor wagi ng P10-M jackpot sa 6/42 lotto’
NAG-IISANG lotto bettor ang pinalad na makapag-uuwi ng P10,410,892.00 jackpot prize ng 6/42 Lotto. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) head Ferdinand Rojas II, hawak ng nasabing mananaya ang winning number combination na 06-17-28-04-22-10. Isinasagawa ang 6/42 draw tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Samantala, walang nanalo sa P30 million pot money ng 6/55 Grand Lotto. Lumabas kamakalawa ng gabi …
Read More »Magnitude 4.6 lindol yumanig sa La Union
NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang La Union nitong Sabado ng gabi. Tumama ang lindol dakong 10:37 p.m., sa karagatan sa layong 48 kilometro hilagang kanluran ng Luna, La Union. Naitala ang tectonic na lindol sa lalim na 64 kilometro. Dahil sa lindol, nadama ang intensity 3 na pagyanig sa San Fernando, La Union at maging sa Baguio City. Walang …
Read More »2 kaso ng Libelo vs Hataw reporter, 5 pa ibinasura ng prosekusyon
TULUYAN nang ibinasura ang dalawang kaso ng libel na isinampa laban sa reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan at lima pang mamamahayag sa ipinalabas na resolusyon ng Malabon & Navotas Prosecutors office nitong nakaraang linggo. Kinilala ang mga mamamahayag na sina Rommel Sales ng Hataw (D’yaryo ng Bayan); Beth Samson at Jun Paclibar ng Police Files; Rey Galupo, Philippine Star; …
Read More »Bulacan isinailalim sa Comelec (Tensiyon umiigting)
SINAILALIM ng grupong Philippine Crusader for Justice (PCJ) sa kontrol ng Commission on Election ang buong probinsya ng Bulacan. Kasunod ito ng umiigting na tensyon bunsod ng umano’y walang basehang tangkang pagpigil ng isang judge sa pagsisimula ng malayang proseso para sa recall election sa naturang lalawigan. Nangangamba si Joe Villanueva convenor ng PCJ na posibleng mauwi sa karahasan ang …
Read More »Purisima, Napeñas idiniin sa BOI Report (PNoy inabsuwelto)
ANG may pangunahing pananagutan dito sa pagkamatay ng 44 na SAF troopers ay walang iba kundi ang suspendidong Director General Alan Purisima.” Ito ang konklusyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas makaraan mabasa ang formal report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay ng madugong insidente sa Mamasapano. Nitong Biyernes nai-turn over ng Philippine National …
Read More »Mayor Binay ‘wag kang magtago — Rep. Belmonte
PINAYUHAN ni Quezon City 6th District Representative Christopher Belmonte si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay na harapin ang imbestigasyon ng Ombudsman at huwag magtago gaya ng ginawa ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay. Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos magpalabas ang Ombudsman ng 6-month preventive suspension kay Mayor Binay habang iniimbestigahan ang umano’y overpricing ng P2.6-billion Makati Parking …
Read More »‘Jumper gang’ member utas sa truck driver
PATAY ang isang miyembro ng “Jumper gang” nang saksakin ng truck driver makaraan batuhin ng biktima ang salamin sa driver’s seat kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmena St., Paco, Maynila. Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Manuel Yabut, 45, residente ng Mataas na Lupa, Paco, Maynila. Habang naaresto ang …
Read More »Mamasapano report naisumite na ng BOI sa PNP
MAKARAAN ang ilang linggong imbestigasyon at ilang araw na pagkabinbin bago makompleto, naisumite na kahapon ng Board of Inquiry (BOI) ang kanilang ulat kaugnay sa Mamasapano incident, sa liderato ng Philippine National Police (PNP). Kompiyansa umano ang chairman nito na nakuha ng panel ang buong katotohanan kaugnay sa ‘misencounter’ na nagresulta sa pagkamatay ng higit sa 60 katao nitong Enero. …
Read More »55 bagong sasakyan inilaan ni Roxas sa PNP
PINANGUNAHAN ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang turnover ng 55 bagong Toyota High-ace Vans sa Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang capability enhancement program. Ayon kay Roxas, ibabahagi sa mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang karamihan sa mga van dahil pangunahin nilang kailangan ang sasakyan tuwing may mga operasyon. “Ang bawat …
Read More »3 patay sa 2 amok na sundalo sa videoke bar
TACLOBAN CITY – Patay ang tatlo katao habang isa ang sugatan makaraan mag-amok ang dalawang sundalo sa isang videoke bar sa Brgy. Hiagsam, Jaro, Leyte kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na si Andres Cadapan, 60, retired employee ng Leyeco II, residente ng Tunga, Leyte; Joselito Cenico, residente ng Jaro, Leyte; at Lea Mae Jamito, waitress sa nasabing videoke bar, at …
Read More »23 BIFF, 2 sundalo utas sa enkwentro
PATAY ang 23 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagpapatuloy ng all-out offensive ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga rebelde sa Maguindanao. Napatay rin ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan sa panibagong serye ng bakbakan sa Brgy. Pusao, Sharif Saidona Mustapha; at Datu Salibo at Datu Piang nitong Martes hanggang …
Read More »Rabies sa Davao City tumataas
TUTUTUKAN ng Department of Health (DoH) ang tumataas na kaso ng mga nakakagat ng aso sa Davao City makaraan iulat na 22 katao ang namatay noong 2014, mas mataas sa 16 kaso noong 2013. Ayon kay Devine Hilario, DoH Regional Office program officer, hindi dapat isantabi kung nakagat ng hayop kahit maliit lamang ito. Aniya, nakalulungkot na karaniwan sa mga …
Read More »Buntis na baka ginahasa ng adik
ARESTADO ang isang lalaki makaraan maaktohan ng mga barangay tanod habang hinahalay ang isang buntis na baka sa Brgy. Biga Dos, Silang, Cavite. Nakakulong na si Andy Loyola, 46, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act. Kuwento ng may-ari ng baka na si Rustico Carlo, nitong Martes ng umaga, itinali niya ang kanyang alaga sa bukid …
Read More »Mambabatas desmayado sa naantalang BOI report
DESMAYADO ang ilang mambabatas sa pagkaantala ng report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay sa madugong insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis. Nitong Lunes, humiling ng palugit si BOI head Benjamin Magalong sa pagsusumite ng report, at sinundan kinahapunan ng testimonya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa insidente sa pamamagitan ng isang mensahe sa prayer gathering sa …
Read More »Student financial assistance bill lusot na sa Senate committee
LUSOT na sa committee level ng Senado ang Senate Bill 2679 o ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (Unifast Act). Layunin ng panukala na iniakda ni Sen. Sonny Angara, na palawigin ang financial assistance ng pamahalaan sa karapat-dapat na estudyante o mga tunay na mahirap ngunit matatalinong kabataan. Binigyang-diin ni Angara, daan-daang libo ang mahihirap pero magagaling …
Read More »Tensiyon sumiklab vs tuition fee hike (Sa PUP Taguig)
SUMIKLAB ang tensiyon sa protesta ng mga militanteng estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Taguig laban sa nakaambang pagtataas ng matrikula. Martes ng umaga, unang nagkatensyon sa gate ng unibersidad makaraan humarang ang 30 estudyanteng nagprotesta laban sa tuition hike, sinasabing nakatakdang pag-usapan ng Board of Regents. Walang pinayagang sasakyan na makapasok kaya napilitang bumaba at maglakad papasok …
Read More »15 vendors ng herbal medicine inaresto
INARESTO ng Manila Action and Special Assignment (MASA) ang 15 vendor ng herbal medicine at kinompiska ang kanilang mga paninda sa kanilang stall sa Evangelista at Quezon Avenue, Quiapo, Maynila kamakalawa. Ayon kay MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., ang kanilang pagsalakay ay bunsod ng reklamo mismo ni Msgr. Clemente Ignacio ng Quiapo Church, kaugnay sa laganap na bentahan ng …
Read More »Pinagalitan ng ina dalagita nagbitay (Ginabi sa pag-uwi)
BACOLOD CITY – Nagbigti ang isang 17-anyos dalagita makaraan pagalitan ng kanyang ina bunsod ng pag-uwi ng gabi sa kanilang bahay sa lungsod na ito kamakalawa. Hindi na naisalba sa ospital si Shaira Brion, residente ng Hacienda Arabay, Brgy. Vista Alegre, Bacolod City makaraan maputol ang kanyang lalamunan nang talian ang kanyang leeg ng electric wire na nakasabit sa punong …
Read More »Textmate ni misis inatado ni mister
NAGA CITY – Halos mabiyak ang ulo at maputol ang kamay ng isang lalaki makaraan pagtatagain ng isang mister sa Sitio Salvacion, Brgy. Buensuceso, Gumaca, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Ramon Hong III, 33-anyos. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, nalaman ng hindi na pinangalanang suspek na may lihim na relasyon si Hong at ang kanyang misis. Kinompronta ng suspek …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com