NAKAHANDA na ang mga pasilidad at kagamitan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kontra Ebola. Naglagay ng screening area sa bungad ng RITM para sa mga pasyenteng galing ng West Africa o nagkaroon ng contact sa virus. Sa triage screening tent ay aalamin ang background ng pasyente, pinanggalingang bansa at kung nagpapakita ng sintomas ng Ebola. Kung walang sintomas, …
Read More »Dismissal vs Justice Ong pinagtibay ng SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang dismissal order laban kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong dahil sa kaugnayan sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles. Sinabi ni SC spokeperson Atty. Theodore Te, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang motion for reconsideration na inihain ni Ong na humihiling baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya …
Read More »Lawyer ni ‘Jenny’ sinusundan ng US spy
SINUSUNDAN ng isang espiyang Amerikano ang abogado ng pamilya Laude. Isiniwalat ni Atty. Harry Roque, may isang Amerikano na nakabuntot sa kanya habang ina-asikaso ang kaso ng pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. “Siguradong-siguradong Amerikano po ‘yun. Ang tindig po niya ay tindig-sundalo,” paglala-rawan ni Roque. “Nagpunta po ako sa tanggapan ng piskalaya, matapos ko pong maki-pagpulong, …
Read More »Pandesal boy ‘di talaga naholdap — Caloocan PNP (Ina pananagutin sa pambubugbog)
DUDA ang pulisya kung talaga bang naholdap ang 12-anyos bata habang naglalako ng pandesal sa Deparo, Caloocan City. Matatandaan, kumalat sa social media ang video ni “Bryan” habang umiiyak at nangangatog makaraan tangayin ang kanyang P200 kita sa pagtitinda ng pandesal. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan Police, gumawa lang ng kwento ang bata dahil sa takot na mabugbog …
Read More »Overpriced multicabs itinanggi ni Trillanes
ITINANGGI ni Senador Antonio Trillanes IV kahapon na bumili siya ng overpriced multicabs sa halagang P300,000 bawat isa sa pamamagitan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), makaraan akusahan ng United Nationalist Alliance. Sinabi ng senador, wala siyang pinondohang overpriced projects at hindi personal na nakinabang sa iba’t ibang proyekto sa pamamagitan ng kanyang PDAF. “From 2011 to 2013, my …
Read More »Ex-bodyguard ng mayor itinumba
PATAY ang dating bodyguard ng isang mayor, at kasalukuyang collector sa pantalan makaraan tambangan ng dalawang hindi nakilalang binatilyo habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alejandro Aquino, 50, dating bodyguard nang namayapang mayor ng Malabon na si Tito Oreta, at residente ng Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan …
Read More »Engineer na-double hit and run patay
DOBLENG kamalasan ang sinapit ng isang inhinyero nang dalawang beses ma-hit and run ng isang kotse at truck habang minamaneho ang kanyang motorsiklo at tinatahak ang South Luzon Expressway (SLEX) kahapon ng madaling araw sa Makati City. Namatay noon din ang biktimang si Jun Yasul, 57, ng Cairo St., Purok 4, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City, bunsod ng pinsala …
Read More »Bus sa NLEX ini-hostage ng vendor
KAKASUHAN ng serious illegal detention at alarm and scandal ang isang tindero makaraan i-hostage ang isang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa North Luzon Expressway (NLEx) sa Guiguinto, Bulacan. Hawak ang isang patalim, ini-hostage ni Lauro Sanchez ang Everlasting bus sa Sta. Rita Toll Plaza ng NLEx. Ayon sa isa sa mga pasahero, galing Tuguegarao, Cagayan ang bus patungong Cubao, …
Read More »50 bahay sa Tondo natupok (Bahay ng kongresman nadamay)
UMABOT sa 50 kabahayan ang natupok kabilang ang bahay ni Manila 1st District Congressman Benjamin “Atong” Asilo nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila kahapon. Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 11:34 a.m. nang nagsimula ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo dakong 11:48 a.m. Sinasabing nagmula ang sunog sa bahay …
Read More »2 pulis nag-duelo sibilyan dedbol
BINAWIAN ng buhay ang isang sibilyan nang maipit sa barilan ng dalawang pulis sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Isidro Magpali, 47, tiyuhin ng isa sa nagbarilang dalawang pulis. Ayon kay Angono Police Supt. Lucilo Laguna Jr., galing sa bundok si Supt. Wilson Magpali kasama ang tiyuhing si Isidro makaraan bumisita sa isang kaanak. Pababa …
Read More »Ex-Gov ng Davao sumuko (Sa broadcaster slay)
DAVAO CITY – Boluntaryong sumuko si Davao del Sur Former Governor Douglas Cagas sa Davao del Sur Police Provincial headquarters kahapon nang lumabas ang warrant of arrest sa kasong murder na isinampa sa kanya kaugnay sa pagkamatay ng journalist na si Nestor Bedolido, Sr., apat taon na ang nakalilipas. Marami ang sumama sa pagsuko ng nasabing former governor kasama na …
Read More »Libreng Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text
LIBRE na ang Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text nang hindi mababawasan ang load ng subscriber. Sa bagong promo, ang mga prepaid, postpaid, at broadband subscribers ay makakukuha ng 30MB na libreng Internet access sa loob ng isang araw na mayroong seguridad. Upang makuha ang promo, i-text ang FREE sa 9999 at makatatanggap ng noification na naka-enroll na …
Read More »Binatilyo kritikal sa bugbog, saksak
KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos binatilyo makaraan pagtulungang bugbugin at saksakin ng isang grupo ng kabataan habang inihahatid ang kanyang kasintahan kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Julas Saldasal, residente ng 118 Valdez St., Brgy. 21, Caloocan City. Sa ulat ni PO2 Roldan Angeles, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente …
Read More »‘Jenny’ ‘di agenda sa Pnoy-Goldberg meeting (Sa 70th anniv ng Leyte Landing)
WALANG ideya ang Palasyo kung pag-uusapan ang kaso ng pagpatay sa Filipina transgender ng isang US serviceman, sa paghaharap ngayon nina Pangulong Benigno Aquino III at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa ika-70 anibersaryo ng Leyte Landing sa Palo, Leyte. “Ang okasyon po ay ‘yung 70th anniversary ng Leyte Landing. Wala po tayong impormasyon hinggil sa inyong tinatanong,” …
Read More »Bebot arestado sa cyber extortion (Nagpanggap na kelot)
ARESTADO ng mga elemento ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang 21-anyos babae makaraan ang ginawa niyang ‘cyber extortion’ sa isang 18-anyos babaeng estudyante, kamakalawa ng hapon sa Ro-binson’s Place Manila sa Ermita, Maynila. Kinilala ni PO3 Jayjay Jacob ang suspek na si Diana Lyn Callao, nagpakilala bilang si Lee Andrei Inigo Santillan sa kanyang account …
Read More »‘Bikini islands’ ipapalit sa u-turn slots – MMDA
IPAPALIT sa u-turn slots ang ‘bikini island’ na ilalagay sa North Ave. – EDSA upang maibsan ang matinding trapic sa Metro Manila. Bilang bahagi ng programa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang trapik sa Metro Manila, maglalagay ng ‘bikini island’ at aalisin na ang U-turn slots. Sinabi ni MMDA Assistant General Manager Emerson Carlos, ang ‘bikini’ island …
Read More »85-anyos lola ginahasa ng 22-anyos senglot
ROXAS CITY-Nadakip sa akto ang isang 22-anyos lalaki habang pinagsasamantalahan ang isang 85-anyos lola sa Brgy. Libas Roxas, City kamakalawa. Nasaksihan mismo ng apo at anak ng biktimang si Clarita Barroa ang panghahalay ng suspek na si Christy Arollado sa matanda. Ayon kay Barangay Kagawad Renante Araw-araw, nadatnan ng mga kamag-anak ng biktima na nakapatong sa matanda ang lalaki …
Read More »Misis ng Camnorte Gov, 1 pa dinukot?
LEGAZPI CITY- Nagpasaklolo ang Camarines Norte Police Provincial Office sa Police Regional Office -5 upang hanapin ang asawa ng gobernador ng lalawigan at isa pang kasama hinihinalang dinukot nitong Biyernes, Oktubre 17. Ayon kay PO1 Michael Lubiano y Cabines, nakadestinong pulis sa Camarines Norte PPSC sa bayan ng Vinzons, sakay ng itim na Toyota Fortuner (PRI 744) si Gng. Josie …
Read More »Nang-agaw ng misis tinarakan ni mister
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan saksakin nang inagawan niya ng asawa, sa harap ng isang saklaan kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Patuloy na ginagamot sa Valenzuela City General Hospital ang biktimang kinilalang si Emilio Eugenio, 50, sakla caller, residente ng 107 E. Martin St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang …
Read More »Misis napatay mister nagbigti
NAGA CITY – Pinatay muna ang kanyang kinakasama bago kinitil din ng isang padre de pamil-ya ang kanyang sarili sa Brgy. Siera, Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ni PO3 Rolly Nebran ng PNP-Lagonoy ang biktimang si Sherlyn Malaguenio, 27, habang ang suspek ay si Rolly Baranda, 29-anyos. Ayon kay Nebran, pinuntahan ng ina ni Baranda ang bahay ng mag-live-in na …
Read More »VFA national defense strategy ng PH (Giit ng Palasyo)
MAS dapat ikonsidera ang Visiting Forces Agreement (VFA) bilang bahagi ng “national defense strategy” ng Filipinas, imbes batikusin dahil sa kaso nang pagpatay ng isang US Serviceman sa isang Filipina transgender. “This is part of the overall national defense strategy ng ating bansa—‘yon pong Visiting Forces Agreement. ‘Yon po ang mas malaking larawan habang tinutukoy natin ‘yung mga partikular na …
Read More »2 paslit, ama, lola nalitson sa sunog
PATAY ang apat katao kabilang ang dalawang paslit, ang kanilang ama at lola sa naganap na sunog sa Brgy. 1, San Nicolas, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw. Halos hindi na makilala ang bangkay ng 90-anyos na si Rosalina Capalunan, anak niyang si Inocensio, 60, at dalawang anak ni Inocensio na sina Myne John, 10, at BJ, 5. Sa inisyal na …
Read More »3-anyos paslit nahawa sa tulo (2 ulit nireyp ng stepdad)
NAIMPEKSIYON ang ari ng 3-anyos batang babae makaraan dalawang beses gahasain ng kanyang stepfather sa Ilocos Sur. Naganap ang insidente sa bayan ng Galimuyod sa lalawigan ng Ilocos Sur. Sa initial medical examinations, nabatid na ang biktima ay nagkaroon ng gonorrhea, makaraan gahasain ilang buwan na ang nakararaan. Nabatid din sa imbestigasyon, naganap ang panggagahasa habang ang ina ng …
Read More »P303.08-B infra projects aprub sa NEDA
MAKARAAN ang walong oras na pagpupulong, inaprobahan kagabi sa ginanap na 15th National Economic Development Authority (NEDA) Board meeting sa Palasyo ang mga proyektong pang-impraestruktura na nagkakahalaga ng P303.08 bilyon na ilalarga ng administrasyong Aquino. Inihayag ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing NEDA board meeting na nagbasbas sa limang proyekto na ipatutupad …
Read More »Apela sa US dapat madaliin ng DFA (Sa kustodiya sa sundalong Kano)
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupong League of Filipino Students na akyusan at hustisya kay Jeffrey “Jennifer” Laude sa pagpatay ni Private First Class Joseph Scott Pemberton na makulong na igiit ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) Enhanced Deffense Cooperation Agreement (EDCA) na ginanap sa Palma Hall University of the Philippines Diliman Quezon City (Kuha ni Ramon Estabaya) PINAALALAHANAN …
Read More »