BAGSAK sa detention cell ng Quezon City Police District (QCPD) ang 14 karnaper makaraan maaresto ng mga operatiba ng QCPD sa Malabon City. Ayon kay Quezon City Police District Acting Director, Senior Supt. Joel Pagdilao, apat sa most wanted persons ng Quezon City ang magkakasunod na naaresto ng mga pulis kabilang ang nagpakilalang propesor sa Maynila. Isa sa apat naarestong …
Read More »NCRPO nagbabala vs kawatan sa Holiday season
NAGBABALA sa publiko ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa pagsalakay ng mga kawatan na nagiging aktibo ang operasyon habang nalalapit ang holiday season. Partikular na tinukoy ni NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria ang pamamayagpag ng grupong Salisi Gang, Ipit Taxi Gang, Siksik Gang, Riles gang, Budol-Budol, Condo Criminal at Solicit Gang. Paalala ni Valmoria …
Read More »‘Subok na ang PCOS, ano pa ang alternatibo?’ -Koko
Nagbabala kahapon si Senator Aquilino “Koko” Pimen-tel laban sa mga kasinungali-ngan na ikinakalat ukol sa kapalpakan umano sa paggamit ng precinct count optical scan (PCOS) bago pinaalalahanan ng senador ang Commission on Elections (Comelec) na mag-ingat sa pagbili at paggamit ng iba pang bagong teknolohiya. Nagpahayag si Pimentel ng kanyang reaksiyon kasunod ng mga ulat na nagpasiya na ang Comelec …
Read More »Pangil kontra-krimen, ibinigay sa mga barangay
IKINATUWA ng 188 barangay chairman ang patakaran na lahat ng pulis-Caloocan ay magre-report muna sa kanila bago mag-duty sa itinalagang lugar sa pagnanais ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na sugpuin ang tumataas na kriminalidad sa lungsod habang papalapit ang Kapaskohan. Sa ika-sampung pagpupulong ng Peace and Order Council, inihayag ng bagong Caloocan Police Chief, P/Sr. Supt. Bartolome Bustamante na …
Read More »Bading tinarakan ng lover (Nangungulit ng romansa)
SINAKSAK ang 33-anyos bading ng kanyang lover nang mairita sa pa-ngungulit na sila ay magtalik kahapon ng mada-ling-araw sa Pasay City. Nakaratay sa Pasay City General Hospital si Ronildo Silud, promodi-zer, ng 73 Don Carlos Revilla St., Pasay City. Habang nakapiit sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Roland Fuentes, 20, tubong Botongon, Estancia. Ayon kay Chief …
Read More »Pulis ikinulong ni hepe (Natakasan ng preso)
DINISARMAHAN at ikinulong ang isang pulis ng Manila Police District ng kanyang hepe nang makatakas ang babaeng preso kamakalawa ng madaling-araw sa Miesic Police Station 11 sa Binondo, Maynila. Kinilala ang pulis na si PO1 Danilo Quirimit, nakatalaga bilang jail officer ng nasabing himpilan, dinisarmahan at ikinulong ng kanyang hepe na si Supt. Robert Domingo. Kinilala ang presong nakatakas na si …
Read More »Zoophilia arestado sa Camsur (Menor de edad na mag-ate, alagang hayop ginahasa)
08NAGA CITY – Arestado ang isang la-sing na lalaki makaraan manghalay ng magkapatid na menor de edad at iba’t ibang uri ng hayop sa Brgy. Palestina, Pili, Camarines Sur. Kinilala ang suspek na si Jerry Barro, 38-anyos, maituturing na isang zoophilia, o isang tao na nahihilig makipagtalik sa mga hayop. Ayon sa ulat, hinalay ng suspek ang magka-patid sa magkahiwalay …
Read More »SC usad-pagong sa kaso vs Erap
LUMUSOB sa harap ng Korte Suprema ang tinatayang 200 katao mula sa iba’t ibang grupo para kondenahin ang mabagal na desisyon ng mga mahistrado sa disqualification case sa napatalsik na pangulo at convicted plunderer na si Manila Mayor Joseph Estrada. Kabilang sa mga grupong sumama sa kilos protesta ang Kaisa sa Mabuting Pamamahala (KMP), Koalisyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) …
Read More »Garin, Catapang umepal lang? (Sa pagbisita sa Caballo Island)
WALANG ideya ang Palasyo kung may basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdalaw nina Health Undersecretary Janette Garin at Armed Forces Chief of Staff Gen. Pio Catapang sa peacekeepers na sumasailalim sa quarantine process sa Caballo Island nang walang suot na protective gear. Sinabi ni Coloma, hindi niya alam kung nagpaalam o kailangan pang humingi ng basbas sina Garin at …
Read More »Sen. Jinggoy humirit ng physical therapy
HINILING ni Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang sumailalim sa physical therapy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan. Ayon sa mga abogado ng senador, kailangan ni Estrada ang physical therapy sa isang well-equipped hospital, dalawa hanggang tatlong beses kada linggo, sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo. Iniinda ng senador ang pananakit sa kanyang kaliwang …
Read More »P3-M shabu nasabat, tulak nalambat
NALAMBAT sa drug buy-bust operation ang isang 31-anyos bigtime pusher nang kumagat sa inilatag na bitag ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon sa Marikina City. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Saad Duma y Masnar, vendor, naninirahan sa 36 Luzon St., Culiat, Brgy. Tandang Sora, Quezon City, nakompiskahan ng P3 milyong …
Read More »P2-M shabu kompiskado sa drug ops sa Albay
DALAWANG milyong pisong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsalakay sa isang bahay ng drug pusher sa lalawigan ng Albay, iniulat kahapon. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang 400 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang transparent plastic sachets ay nakompika kay Romeo Nosares, Sr., alyas …
Read More »Mag-ina patay sa QC fire
KPWA namatay ang isang 72-anyos ginang at ang kanyang anak sa naganap na sunog sa Brgy. Valencia, Quezon City kahapon. Dakong 11:08 a.m. nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Elisa Ramos. Sinabi ni QC Fire Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, natagpuan sa unang palapag ng kanilang bahay, katabi lang ng pinagmulan ng apoy, sina Crisensia Trinidad, …
Read More »2 preso sa Bilibid todas sa rambol
KAPWA patay ang da-lawang preso sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) nang mag-away dahil sa utang kamakalawa ng hapon. Kinilala ni NBP Offi-cer In Charge (OIC), Supt. Robert Rabo, ang namatay na si Henrico Maglasang, may kasong robbery with homicide at nakulong noong 2001, tinamaan ng apat na saksak sa katawan. Namatay rin ang presong si Arisedes Lucero …
Read More »Maliliit na pharmaceutical firms nabahala sa ‘flip-flopping’ ng korte
NABAHALA ang maliliit na pharmaceutical firms sa pabago-bagong desisyon ng isang quasi-judicial court hinggil sa pag-importa at pagbebenta ng generic na gamot na nang una ay pi-naboran nito. “Ang pabago-bagong desisyon ng korte, sa kasong ito ay Intellectual Property Office (IPO), nakaaantala ng tamang aplikasyon ng hustisya,” ayon kay Mack Macalanggan, tagapagsalita ng Ferma Drug, Mark Ericcson Enterprises, at Ellebasy Medicale. …
Read More »Parak tigbak sa ligis at kaladkad ng truck
Patay ang isang pulis makaraan masagasaan at makaladkad ng 10-wheeler truck sa Congressional Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si PO3 Juanito Luardo. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QC Traffic Sector 6, pinapara ng naka-motorsiklong pulis ang trak dahil sa traffic violation ngunit hindi ito huminto. Lumapit si Luardo sa harapang bahagi ng trak ngunit sumabit …
Read More »Jericho Rosales, nagmumura sa Red
ni Cesar Pambid INSPIRED daw sa mga real life event ang pelikulang Red. Pero ‘di naman daw ito true story. Bida si Jericho Rosales sa movie at nasabi nitong kung ilang beses siyang nagmura. Ayon sa director nito kailangan daw sa story ‘yung pagmumura. “Artista si Echo, eh. It’s really just a role,” rason ng director. Inspired daw ang …
Read More »16 poste ng Meralco nabuwal na parang domino (Truck sumalpok)
TILA domino na bumagsak ang 16 poste ng Manila Electric Company (MERALCO) nang mabangga ng isang dump truck ang isa nito na nagdulot nang matinding pagbagal ng daloy ng mga sasakyan at dahilan ng pagkaputol ng supply ng koryente sa Taguig City kahapon ng umaga. Sa monitoring ng Metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 8:24 a.m. nang mangyari …
Read More »Trillanes nanatiling produktibo (Sa gitna ng imbestigasyon sa korupsiyon sa Makati)
NANANATILI si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV bilang isa sa mga pinaka-produktibong senador ngayong Kongreso, sa kabila ng mga kritisismo ukol sa oras at atensyon na ginugugol sa pag-iim-bestiga sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati carpark building. Sa pinakahuling tala ng Senado, si Trillanes ay nangu-nguna (1st) sa pinakamara-ming panukalang batas na nai-sponsor sa plenaryo at pumapangatlo (3rd) naman sa …
Read More »3 nurse todas sa SUV ni Asistio
PATAY ang tatlong nurse na sakay ng isang auxillary utility vehicle (AUV) nang madaganan ng lumipad na sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang Asistio scion sa C-5 Ortigas Flyover sa Pasig City, kahapon ng hapon. Kinilala ang mga namatay na nurse na pawang pasahero ng AUV na sina Lyn Pascua, Rose Ann Ocuendo at Janine Ray Manzanida. Sugatan …
Read More »P46-M panalo ng buntis na nurse sa lotto
KINUHA na ang P46 milyong premyo ang isang buntis na nurse makaraan solong masungkit ang jackpot prize sa 6-42 Lotto. Sa bola noong Nobyembre 11, sakto ang taya ng ginang sa nanalong kombinasyong 02-09-15-20-21-30. Ayon sa 24-anyos ginang mula sa Cavite, petsa ng kaarawan, wedding anniversary at due date ng pagputol sa kanilang koryente ang tinayaan niyang mga numero. Mismong …
Read More »AFP ‘di na kawawang koboy — PNoy
IBINIDA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang aniya’y nagawang mga reporma sa Department of National Defense (DND) kasabay ng ika-75 anibersaryo ng ahensiya. Sinabi ni Pangulong Aquino, ibang-iba na ang kalagayan ng mga sundalo ngayon, gayondin ang mga nasa hanay ng DND. Ayon kay Pangulong Aquino, nagpapatuloy ang modernisasyon ng AFP at may dalawang Hamilton class cutter na ang …
Read More »Truck driver kalaboso sa nasagasaang ‘suicide’
DERETSO sa hoyo ang 42-anyos driver ng isang light and sound company nang masagasaan ng minamanehong truck ang lalaking tumalon sa isang footbridge sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw. Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Aguinaldo Bernardo Obrino, ng 72, 2nd St., NAIA Road, Barangaya Pildera II ng nasabing lungsod. Habang nakapiit sa Pasay …
Read More »6 sugatan sa bus vs van sa Caloocan
SUGATAN ang anim katao makaraan magbanggaan ang isang private van at pampasaherong bus na dumiretsong sumalpok sa harapan ng gusali ng isang punerarya kahapon ng umaga sa MacArthur Highway, Caloocan City. Kinilala ang mga sugatan na sina Kennyvie Dancil, Eduardo Ortega, Alvin Borres, Riza Lipasano, Laurenciano Tiusi at ang driver ng bus na si Vicente Roaman. Hawak na ng Caloocan …
Read More »Baby ini-hostage ng adik na daddy
ARESTADO ang isang adik na ama makaraan tangayin at i-hostage ang sariling anak sa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Romeo Arranquez, 26, ng 328 PNR Compound, Brgy. 73 ng nasa-bing lungsod, nahaharap sa kasong serious illegal detention dahil sa pagtangay sa kanyang dalawang-buwan gulang sanggol na lalaki. Nauna rito, naaresto na …
Read More »