Friday , September 22 2023

Dalagita inabuso, lolo kalaboso

ARESTADO ang isang 60-anyos lolo makaraang molestiyahin ang isang 13-anyos dalagita sa loob ng Chinese Garden sa Rizal Park, Ermita, Manila, kamakalawa ng gabi.

Bago maipa-blotter sa security office ng National Park Development Committee (NPDC) sa Rizal Park, binitbit mismo ng sekyung si Joemar Crisostomo, 41, ang suspek na si Bonifacio Del Mundo, ng 188 Banahaw St., Punta, Sta. Ana, Maynila, sa tanggapan ng MPD-Children and Women Protection Unit.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Thelma Samudio, bandang 9:30 p.m. habang naka-duty si Crisostomo, sumulpot ang isang concerned citizen at isinumbong na may dalagitang minolestiya ng isang matandang lalaki sa loob ng Chinese Garden.

Agad nagresponde si Crisostomo at nasalubong ang biktima at ang suspek habang palabas ng garden. Dinala mula ang suspek sa security office bago inihatid sa MPD-Headquarters para sampahan ng kaso.

About Leonard Basilio

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *