Wednesday , June 24 2026

Bianca, nanguna sa Worst Dressed List sa Star Magic Ball 2015

091515 bianca manalo

091515 dawn husbandEASILY, si Bianca Manalo ang nanguna sa Worst Dressed List sa katatapos na Star Magic Ball.

Parang ginaya ni Bianca si Kristel Romero sa kanyang see-through gown. Kitang-kita na halos ang kaluluwa ni Bianca sa kanyang barely-there gown.

Si Alex Gonzaga naman ay nagmukhang circus performer, para siyang nagtatrabaho sa perya bilang assistant ng magikero.

091515  lloydie angelicaEwan kung bakit nagpa-sexy itong si Iza Calzado sa kanyang cleavage-revealing gown na may mahabang slit sa gitna. Nagmukha tuloy siyang trying very hard hubadera.

Ito namang si Vina Morales ay nagmukhang suman sa kanyang spider-inspired body-hugging gown. Nawala na ang dangerous curves niya, napalitan na ng sebo.

091515 kathryn danielSi Angelica Panganiban naman ay parang buntis sa kanyang bustier. Hindi umangat ang beauty niya dahil nagmukha siyang masyubis na matron na malaki ang tyanena (tiyan).

091515 julia montesDating magandang magbihis si Erich Gonzales pero this time ay parang naging nanay siya ni Daniel Matsunaga.

Sa Best Dressed List ay nanguna si Dawn Zulueta na talagang nag-radiate ang kagandahan sa kanyang black number. Super pretty and sexy si Kim Chiu sa kanyang bare-back gown. Ganoon din si Kathryn Bernardo na parang prinsesa sa kanyang outfit. Maganda rin si Liza Soberano sa kanyang  princess-like gown. Hidi rin nagpakabog si Julia Montes na bongga rin ang gown.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …