This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
INIHAYAG ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) na inumpisahan na kahapon ang paggamit ng Beep card sa lahat ng northbound stations ng Light Rail Transit (LRT) Line 1.
Sinabi ng tagapagsalita ng LRT Hernando Cabrera, ang paggamit ng Beep card ay bahagi pa rin ng bagong sistemang ipinatupad ng LRTA.
Unang inumpisahan ang paggamit ng Beep card sa southbound stations ng LRT line 1 at line 2.
Ayon sa tagapagsalita ng LRTA, ang paggamit ng Beep card ng mga pasahero ay malaking tulong dahil hindi na nila kinakailangan pumila pa nang mahaba sa tuwing sila ay sasakay ng tren.
Sa mga susunod na linggo, asahan ang paglulunsad ng ng Beep card sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
Malaking ginhawa sa mga mananakay ng tren na nagkaroon ng beep card dahil hindi na sila mahihirapan pang pumila o magmadali para lamang mauna sa pilahan para magbayad at makakuha ng card para makasakay.
Ikinatuwa ng commuters ang magandang proyektong ginawa ng LRT dahil hindi na makikipagsiksikan pa ang mga pasahero para lamang kumuha ng card sa pagsakay ng tren.