Friday , November 22 2024

News

.7-m residente apektado, 4 rehiyon walang koryente

UMABOT na sa 716,639 katao o 146,875 pamilya ang naitalang apektado ng Bagyong Ruby mula sa pitong rehiyon sa bansa. Ayon sa latest na datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang nasabing evacuees ay naitala sa mga rehiyon gaya ng region 4A, 4B, 5,6,7 at Caraga. Sinabi ni NDRRMC spokesperson Ms. Mina Marasigan, ang mga nagsilikas na …

Read More »

Lahar sa Mayon rumagasa

RUMAGASA ang putik, buhangin at bato mula sa paanan ng Bulkang Mayon sa Brgy. Maipon, Guinobatan, Albay Linggo ng madaling araw dahil sa bagsik ng Bagyong Ruby. Tiniyak ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta na mababa ang panganib na dala ng naturang lahar na maituturing na malabnaw pa lamang. “Pero ngayon ‘yung malabnaw na lahar na nangyayari d’yan sa Maipon …

Read More »

131 domestic, int’l flights kanselado

UMAABOT na sa 131 domestic at international flights na ang kinansela ng iba’t ibang airline companies dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa ulat ng NAIA media center, kabilang sa mga naapektohang byahe ay patungo ng Caticlan, Kalibo, Catarman, Naga, Roxas, Tacloban, Dumaguete, Legazpi at Tagbilaran City. Habang isang flight mula sa Taiwan ang hindi na itinuloy ang biyahe …

Read More »

7 patay sa hagupit ni Ruby

UMABOT na sa pito ang bilang ng mga napaulat na namatay habang nananalasa ang bagyong Ruby sa Filipinas. Kabilang dito ang apat katao sa lalawigan ng Iloilo. Sa Brgy. Bayas, sa bayan ng Estancia , kinompirma ni Errol Acosta ang municipal budget officer, ang pagkamatay ni Ernesto Baylon, 65, dahil sa lamig dulot ng bagyo na posibleng nakadagdag sa iniindang …

Read More »

8 minasaker sa illegal drugs (Sa Iligan City)

CAGAYAN DE ORO CITY – Walo ang patay sa masaker na hinihinalang droga ang dahilan sa Purok 6, Brgy. Saray, Iligan City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga pinaslang na sina si Ryan Omilla, Balong Castelo, Tato Gabriel, Pedro Lumayaw, Awil Lumayas, Narciso Lumayag, pawang residente sa nasabing lugar; at dalawa pang mga biktimang hindi pa nakikilala ng pulisya. …

Read More »

Kagawad todas sa tandem

VIGAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang barangay kagawad makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. 4, Bantay, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Florentino Rola, 54, ng Brgy. Nagtupacan, San Vicente. Ayon sa imbestigasyon ng Bantay-PNP sa pangunguna ni chief of police, Chief Insp. Greg Guerero, tutungo sana sa Vigan City ang …

Read More »

Magkapitbahay kapwa sugatan sa saksakan

KAPWA nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang dalawang lalaking magkapitbahay makaraan magsaksakann kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sina Antonio Duenog, 45, residente ng 127 Sto. Niño St., Brgy. Concepcion, at Ronald Pampula, 26, ng nasabi ring lugar. Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, dakong 4:30 p.m. nang maganap ang insidente …

Read More »

Bonus ng GSIS pensioners matatanggap na

SA Disyembre 10 ay ibibigay na ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensioner ang kanilang Christmas bonus sa pamamagitan ng kanilang eCard accounts. Ayon kay GSIS President Robert Vergara, kanilang inilaan para sa naturang benepisyo ang P2.42 bilyon. Mas mataas aniya ito ng 15% kompara sa alokasyon noong nakaraang taon na umabot sa P2.10 bilyon. Ipamamahagi ang cash …

Read More »

Baguio temp bumagsak sa 12°C (Dahil sa bagyong Ruby)

BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12.0 degrees Celcius ang temperatura sa Lungsod ng Baguio dahil kay bagyong Ruby. Ayon kay Wilson Lucando, local weather forecaster ng Pagasa sa Baguio, ito ay dahil sa epekto ng hanging amihan na hinihila ng bagyong Ruby na nananalasa ngayon sa Western Visayas. Habang dala ng hanging amihan ang malamig na simoy ng hangin mula …

Read More »

Drug suspect utas sa pulis Maynila (Sumusuko na binoga pa)

“NAKATAAS na ang mga kamay at sumuko na pero binaril pa rin ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 10, ang mister ko.” Ito ang reklamo sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ni Rochelle Biligan, 35, misis nang napatay na si Russel Biligan, 32, residente ng Kahilum II, Pandacan, Maynila Idineklarang dead on arrival sa Manila …

Read More »

Pumalag na pusher sugatan sa parak

KRITIKAL ang kalagayan ng isang hinihinalang tulak ng droga, makaraan barilin ng pulis nang bumunot ng baril ang suspek makaraan sitahin sa hindi pagsusuot ng helmet kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City. Nakaratay sa Fatima Medical Center ang suspek na si Jamal Radja, 35, ng Bagbaguin, Brgy. 165, Caloocan City. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 2:30 a.m. nang maganap …

Read More »

Nakalayang Swiss birdwatcher nasa Embassy na

MAKARAAN makatakas mula sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf (ASG) ang kidnap victim na Swiss national na si Lorenzo Vinciguera sa probinsiya ng Sulu, inilipad siya kamakalawa ng hapon at dinala sa Swiss Embassy. Mismong si Swiss Ambassador to the Philippines Ivo Sieber at iba pang opisyal ng Swiss embassy, kasama si AFP Chief General Gregorio Pio Catapang, ang …

Read More »

Pope Francis nabahala sa PH (Sa banta ni Ruby)

NABABAHALA si Pope Francis para sa Filipinas, kaugnay ng bagyong Ruby na nakatakdang mag-landfall sa Eastern Visayas ngayong umaga. Sinabi ni Borongan Bishop Crispin Vasquez, nakaabot na sa Santo Papa ang tungkol sa bagyong nakaambang manalasa sa bansa. Katunayan, nagsasagawa ng vigil ang mga obispo sa St. Peter’s Basilica sa Vatican para sa Filipinas dahil sa bagyo. Ayaw anila ng …

Read More »

5 landfall ni Ruby sa Samar, South Luzon asahan

INAASAHANG anim beses magla-landfall ang bagyong Ruby. Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Sec. Mario Montejo, inaasahan ang sunod-sunod na landfall ng nasabing bagyo. Tinaya itong tatama sa kalupaan ng Borongan, Samar dakong 2 a.m. hanggang 4 p.m. kahapon (Sabado). Maaapektohan nito ang Northern Samar, Eastern Samar at Samar. Sunod na landfall ay dakong 2 p.m. hanggang 4 …

Read More »

Gumahasa at pumatay sa baby sa ilalim ng jeep arestado

ARESTADO sa mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) si Arnel Tumbali, suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 11-buwan gulang sanggol na natagpuan ang bangkay sa ilalim ng jeep sa San Juan City. (ALEX MENDOZA) NASA kustodiya na ng San Juan City Police ang suspek sa brutal na panggagahasa at pagpatay sa 11-buwan sanggol sa San Juan City noong Agosto …

Read More »

Bakat ng bebot dinakma ng sidecar boy (Nakatulog sa ospital)

KALABOSO ang isang 32-anyos sidecar boy makaraan hipuan ang isang natutulog na babae sa loob ng pedia ward sa ikalimang palapag ng Sta. Ana Hospital kahapon ng madaling-araw. “Natutulog po ako, akala ko noong una nananaginip lang ako, pinabayaan ko pero noong pangalawa e talagang gising na gising na ako, kaya sinipa ko siya.” Ito ang salaysay ng biktimang si …

Read More »

BREYKTAYM NG MAG-UULING. Sa pamamagitan ng isang bote ng…

BREYKTAYM NG MAG-UULING. Sa pamamagitan ng isang bote ng softdrink nakalasap ng ginhawa ang isang mag-uuling habang nagpapahinga sa pagbababa ng sako-sakong uling mula sa isang ten-wheeler truck sa isang palengke sa Quirino Highway sa Quezon City. Ang uling ay mula sa Abra, Cordillera Administrative Region (CAR), isang lugar na ang pag-uuling ay isang matandang hanapbuhay ng mga Filipino sa …

Read More »

Samar, isa pang Waray island tinumbok ni Ruby

TINUTUMBOK ng Bagyong Ruby ang bahagi ng Northern at Eastern Samar. Sa mabagal nitong pagkilos sa 13 kph na bilis pa-kanluran hilagang-kanluran, inaaasahang Sabado ng gabi ito magla-landfall sa Eastern Samar-Northern Samar area. Dala nito ang malalakas na hangin at storm surge na aabot ng 4-5 metro at malakas hanggang matinding pag-ulan. Sa paglapit sa kalupaan ng 700-kilometrong lawak nito, …

Read More »

Maging responsable sa ‘Ruby’ reporting (PNoy sa media)

  NANAWAGAN si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa media na maging responsable sa pagbabalita kaugnay sa bagyong Ruby. Una nang pinuna ni Pangulong Aquino ang banner story ng isang pahayagang nagsasabing kasing lakas ni “Yolanda” ang bagyong Ruby bagay na malayo aniya sa katotohanan. Sinabi ni Pangulong Aquino sa harapan ng media group, sana maging maingat at kalmado sa …

Read More »

Pope Francis hinilingan ni Pnoy ng dasal vs typhoons

HIHILINGIN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Pope Francis na ipagdasal ang kaligtasan ng Filipinas mula sa malalakas na bagyo. Ginawa ng Pangulong Aquino ang pahayag sa Pulong Bulungan Christmas party. Si Pope Francis ay magsasagawa ng apostolic at state visit sa bansa sa Enero 15 hanggang 19 sa 2015. Sinabi ng Pangulong Aquino, hihilingin niya sa Santo Papa …

Read More »

Panawagan ng CBCP: simbahan, paaralan buksan sa evacuees

HINIKAYAT ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang mga paaralan at simbahan na buksan nila ang kanilang pintuan para sa refugees na maapektuhan ng bagyong si Ruby. Ayon kay CBCP president Bishop Socrates Villegas, dapat laging bukas ang pintuan ng simbahan at mga paaralan para walang maging problema kung sakaling manalasa ang bagyong Ruby. Pinakiusapan din niya ang …

Read More »

PH bet, 2nd runner up sa Ms. Intercontinental 2014

NABIGO ang pambato ng Filipinas na si Kris Tiffany Janson na maiuwi ang korona sa Miss Intercontinental 2014 na ginanap sa Magdeburg, Germany kahapon ng ma-daling araw. Si Miss Thailand Patraporn Wang ang kinorona-han bilang Miss Intercontinental 2014 habang second runner-up si Janson at first runner-up ang pambato ng Cuba. Miss Intercontinental Europe ang pambato ng Portugal habang Miss Intercontinental …

Read More »