Friday , November 22 2024

News

P268-B inilaan ng Army sa bala ng grenade launcher

NAGLAAN ng P268 milyong pondo ang pamunuan ng Philippine Army para sa pagbili ng mga bala ng grenade launcher. Sa ngayon, naghahanap ang Philippine Army ng magsu-supply sa kanila nang mahigit 100,000 bala ng grenade launcher. Ayon kay Army spokesperson Lt. Col. Noel Detoyato, mayroon nang nakalaan na budget na nagkakahalaga ng P268 million para sa pagbili ng 40 mm …

Read More »

P260-M Grand Lotto jackpot mailap pa rin

WALA pa ring masuwerteng nanalo sa mahigit sa P259 milyon jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi pa rin napanalunan ng sino mang bettor ang winning number combinations na 51-42-49-25-37-17. Ang prem-yo ng draw kamakalawa ay umabot na sa P259,824,472.00. Nabatid na dalawang buwan nang hindi napapanalunan ang premyo sa Grand …

Read More »

Lava at lahar ibinabala sa palibot ng Bulusan

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa mga residente na nasa palibot ng bulkang Bulusan sa Sorsogon, sa posibleng banta ng lava o iba pang volcanic materials na pwedeng bumuhos ano mang oras. Ang pahayag ay kasunod ng phreatic explosion na naitala nitong linggo. Ang mga residente partikular sa Brgy. Puting Sapa ang mas …

Read More »

4-ektaryang komunidad natupok sa Boracay

NATUPOK ang higit 100 bahay at 20 establisimyento sa Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay, nitong Miyerkoles. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang boarding house pasado 2 p.m. at kumalat ang apoy sa wet market sa Talipapa Bukid. Sinabi ni Fire Inspector Stephen Jardeleza, nahirapan silang magresponde dahil nasa bulubunduking lugar ang sunog. Tumagal nang dalawang …

Read More »

3 miyembro ng Nigerian kidnap group timbog

TATLONG miyembro ng Nigerian kidnapping syndicate (NKS) ang naaresto ng mga miyembro ng PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang mga tropa ng Bulacan Police Provincial Office sa operasyon sa Plaridel, Bulacan. Kinilala ni PNP PIO Officer In Charge, Chief Supt. Wilfredo Franco ang mga nadakip na sina Ifeanyi Augustine Chinwueba, Martin Okofor, at Austin Chukwueba Agu. Ayon kay Franco, ang mga …

Read More »

Batas na lulutas sa traffic kailangan — Tolentino

KUNG si MMDA Chairman Francis Tolentino ang tatanungin, isang batas ang kailangan para maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ayon kay Tolentino ang sabay-sabay na construction sa lansangan tulad ng skyway at pagkumpuni ng mga lansangan ang dahilan ng matinding traffic na nararanasan sa NCR nga-yon. Ang mabagal at hindi pagtatapos sa tamang oras …

Read More »

 3 Vietnamese tiklo sa paghuli ng ‘Pusakal’

ARESTADO ang tatlong Vietnamese national makaraan maaktuhang nanghuhuli ng mga pusang-kalye (pusakal) sa tapat ng isang palengke sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police, ang mga suspek na sina Vu Tan Trong, 33; Phan Van Duong, 22, at To Van Dat, 28, pansamantalang naninirahan sa 3rd floor ng ECJ Building sa …

Read More »

Pressure ni PNoy dinedma ng senators (Sa BBL issue)

DINEDMA lamang ng ilang senador ang mistulang pag-pressure ng Malacanang kaugnay ng pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Magugunitang kasabay ng decommissioning sa ilang armas ng MILF kamakalawa, tila nangongonsensya si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa mga mambabatas na ipasa na ang BBL na aniya’y mahalaga para sa kapayapaan at kasaganahan sa Mindanao. Iginiit nina Sen. Sonny Angara at Sen. …

Read More »

Multi-billion contract na ballistic vest ng AFP babawiin (Sa foreign supplier)

POSIBLENG bawiin ng Department of National Defense (DND) ang kanilang multi-billion na kontrata sa isang foreign supplier na JV of Archidatex and Colorado Shipping, ang kompanyang napili ng DND para mag-supply ng 44,080 units ng ballistic vest o force protection equipment para sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ay kung hindi pa rin matutupad ng kompanya ang kanilang …

Read More »

Kentex officials kinasuhan na

PORMAL nang sinampahan  ng reklamo sa Valenzuela City Prosecutors Office ang mga may-ari ng nasunog na factory ng Kentex Manufacturing Corporation. Magugunitang 72 ang namatay sa sunog na nangyari noong nakaraang buwan at maraming iba pa ang nasugatan. Umaabot sa 52 ang nagsilbing petitioners sa kaso. Walo sa naghain ng demanda ay mga kaanak ng mga namatay at ang 44 …

Read More »

Senate Report sa ‘Fallen 44’  ‘di tatalakayin sa Plenaryo

KINOMPIRMA ni Sen. Grace Poe na hindi na tatalakayin sa plenaryo ng Senado ang committee report kaugnay ng imbestigasyon sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Poe, chairman ng Senate Committe on Public Order and Dangerous Drugs, fact finding lamang ang imbestigasyon at ito ay isinumite na sa Office of the Ombudsman. …

Read More »

300 laborer sa ‘photo bomber’ ni Jose Rizal  apektado ng TRO

DAAN-DAANG manggagawa ang apektado sa pansamantalang pagpapatigil ng Korte Suprema sa konstruksiyon ng Torre De Manila, ang tinaguriang “photo bomber” ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park sa Maynila. Kasunod nang ibinabang temporary restraining order (TRO) laban sa proyekto ng DMCI Project Developers, Inc., nasa 300 manggagawa nito ang nagtipon sa labas ng contruction site upang ireklamo ang …

Read More »

Mekaniko utas sa tingga, suspek tiklo sa ospital

PATAY ang isang 57-anyos mekaniko makaraan pagbabarilin ng isang lalaking biktima ng pananaksak kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Antonio Quinto, tubong Torrios, Marinduque, residente ng Block 29, Lot 10, Phase 2, Recomville 2, Bagumbong, Brgy. 171 ng nasabing lungsod. Habang agad naaresto ang suspek na kinilalang si Joel Austria, nasa hustong gulang, …

Read More »

Operasyon ng Cinema 5 ng Ayala Center Cebu sinuspinde

SINUSPINDE ang operasyon ng cinema 5 ng Ayala Center Cebu kasunod ng pagbagsak ng kisame nito na ikinasugat ng siyam biktima. Ito’y dahil sa kabiguan ng pamunuan ng Ayala Center Cebu na makapagsumite ng incident report sa Office of the Building Official sa Cebu. Posibleng madamay ng suspensyon ang iba pang sinehan sakaling makitaan ito ng paglabag. Batay sa imbestigasyon …

Read More »

 ‘Gapo mayor, 10 konsehal kinasuhan ng graft

OLONGAPO CITY – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo si Olongapo City Mayor Rolen Paulino at 10 konsehal nito sa Tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng pinasok nitong P4-milyon kontrata para sa pamamahala ng night market noong nakaraang taon. Nakapaloob ang kaso sa complaint-affidavit na isinumite ni Rosalio Abile ng Sitio Lubog, Santol Extension, New Caba-lan, Olongapo  City, sa tanggapan …

Read More »

23 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan

PINATINDI pa ng Phivolcs ang monitoring sa Mt. Bulusan sa Sorsogon dahil sa naitalang mga pagyanig sa nakalipas na mga oras. Iyan ay makaraan ang pagsabog nito ng abo kamakalawa ng tanghali. Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, nakapagtala sila ng 23 volcanic earthquakes sa kanilang seismic monitoring network. Hindi inaalis ni Solidum ang posibilidad ng pagtataas ng alerto mula …

Read More »

Special child ginahasa, pinatay sa Cavite

HINALAY saka pinatay ang isang 11-anyos dalagitang special child ng kanyang kapitbahay sa Bacoor, Cavite. Natagpuan ang biktima na may busal sa bibig sa liblib na lugar malapit sa gusali ng DOST sa Bacoor kamakalawa. Ayon sa mga testigo, huling nakita ang bata kasama ang suspek na si Rene Alico, 22, noong Hunyo 14 sa isang parke. Nadakip sa follow-up …

Read More »

Ban sa fraternity, sorority hazing aprub sa Kamara

APRUB na at isinulong na ng House of Representatives sa Senado ang isang panukalang batas na nagbabawal sa hazing activities ng fraternities, sororities, at iba pang organisasyon. Ito ang House Bill 5760 o “An act prohibiting hazing and regulating other forms of initiation rites of fraternities, soro-rities, and other organizations, and providing penalties for violations thereof, repealing for the purpose …

Read More »

BI Chief Mison ‘Sinungaling’(Swak sa sariling bibig)

HINDI totoong hindi nagpa-interview si Bureau of Immigration (BI) chief, Commissione Siegfred Mison sa news reporter ng isang pahayagan na nagpaputok ng isyu ng payola sa mga mambabatas para sa Bangsamoro Basic Law (BBL). Kahapon, sa isinagawang imbestigasyon sa Kamara (House of Repsentatives), inamin ni Mison, na siya ang nagkompirma sa media na ang kanyang associate commissioner ang nag-ponente ng …

Read More »

Wang Bo dumalo sa House Probe

DUMALO sa Kamara ang tinaguriang Chinese crime lord na si Wang Bo para sa imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability.  Una rito, iniutos ni Justice Sec. Leila de Lima sa Bureau of Immigration (BI) na dalhin sa Kamara si Wang mula sa kanilang detention facility sa Bicutan.  Kasabay nito, inihayag ni De Lima sa komite na …

Read More »

Torre de Manila pinatitigil ng SC

IPINATIGIL ng Supreme Court (SC) ang operas-yon ng DMCI Homes para sa itinatayong 46-storey Torre de Manila condominium na kitang-kita sa likurang bahagi ng Rizal monument sa Luneta, Manila. Sa press conference ni SC Public Information Office chief, Atty. Thoedore Te, sinabi niyang pinagbigyan ng court en banc ang hiling ng Order of the Knights of Rizal para mag-isyu ng …

Read More »

Sepulturero nagbigti sa Kampo Santo

“NAKAUSAP na kita pwede na akong mawala.” Ito ang huling sinabi ni Johnny Santos, 36, sepulturero, stay-in sa Manila South Cemetery, sa kanyang karelasyon na si Diane Arciga, 32, ng 2336 Alabastro St., San Andres Bukid, Maynila bago nagbigti kamakalawa ng umaga sa loob ng sementeryo na sakop ng Makati City. Ayon sa imbestigas-yon ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila …

Read More »

Makonsensiya kayo — PNoy (Sa kritiko vs BBL)

UMAPELA si Pangulong Benigno Aquino III sa mga humaharang sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na makonsensiya at huwag hayaang maghari ang karahasan na maaaring humantong sa kanilang tahanan. “Hindi ka ba uusigin ng iyong konsensiya kung sa pagharang mo ng solusyon ay umabot na sa puntong nanganganib ang pamilya mo?” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ceremonial …

Read More »

Single mother pinilahan ng 8 Koreano (Ari pinasakan ng bote)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Halinhinang ginahasa ng walong Korean national ang 22-anyos single mother at pinaso ng lighter ang kanyang mga kamay at paa saka pinasakan ng bote ang kanyang ari sa loob ng Prince Hotel sa Friendship St., Brgy. Anonas, Angeles City kamakalawa ng madaling-araw. Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald V. Santos, Acting PRO-3 …

Read More »

Biñan, Laguna umangat sa fault line

UMANGAT ang lupa sa ilang bahagi ng Biñan, Laguna na sinasabing sakop ng fault line. Ayon kay Carlo Lorenzo, caretaker ng isa sa mga bahay na sinasabing nakatayo sa itaas ng West Valley Fault, tumatagilid ang kanyang bahay maging ang pader sa loob ng banyo. Aniya, dati nang kinompirma ng Japanese engineers kasama ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology …

Read More »