Saturday , July 27 2024

Spotter ng Ozamis-Colango robbery group timbog

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 41-anyos babaeng sinasabing nagsisilbing ‘spotter’ ng kinaanibang Ozamis-Colango robbery group, at top most wanted person ng pulisya, habang namimili sa isang malaking supermarket sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni Officer-in-Charge, Supt. Emerey Abating, ng MPD-Binondo Police Station 11, kinilala ang suspek na si Jocelyn Hernandez, alyas Nikki, naaresto dakong 1 p.m. sa isang supermarket sa North Edsa.

Sa ulat ng pulisya, ang suspek ay nagpapakilalang isang ‘spotter’ ng security agency at nakatalaga sa isang banko, ngunit sinasabing double-blade dahil ang layunin ng kanyang trabaho ay ‘spotter’ para sa pakay o tatargetin  na hoholdapin ng kanilang grupo.

Napag-alaman, matagal nang miyembro ng nasabing grupo ang suspek sa mga panghoholdap at pagpatay sa ilang mga biktima sa mga banko, jewelry stores at pawnshop sa Metro Manila, Luson, at Vizayas.

About Leonard Basilio

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *