Saturday , January 11 2025

News

Ina utas sa taga ng anak na may saltik (Stepfather kritikal)

NAGA CITY – Nalagutan ng hininga ang isang ginang makaraan pagtatagain ng kanyang anak na may problema sa pag-iisip sa Sitio Sugod, Brgy. Bahao, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Helen Bautista, 50-anyos. Ayon kay PO1 Sheryl Cristo, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at ang anak ni-yang si Alexis Reyes dahil tutol ang suspek sa pagsasama ng kanyang …

Read More »

Honrado ng MIAA naghain ng indefinite leave

NAGHAIN ng indefinite leave si Manila International Airport Authority (MIAA) general mana-ger Jose Angel Honrado. Sinabi ni MIAA spokesperson David de Castro, epektibo Hunyo 29, nag-leave si Honrado dahil sa kalusugan. Humalili sa kanya bilang officer-in-charge si Assistant GM Vicente Guerzon.

Read More »

Batang maingay iginapos kelot kalaboso (Istorbo raw sa pagtulog)

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang construction worker makaraan maltratuhin ang isang bata sa Lucena City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Jimmy Cariaso, 36-anyos. Ayon sa ulat, natutulog ang suspek sa kanyang bahay dakong 4 p.m. nang bigla siyang magising dahil sa ingay ng naglalarong biktima sa labas ng bahay. Galit na lumabas sa kanyang bahay ang …

Read More »

No leave policy sa SONA – NCRPO

MAGPAPATUPAD ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng ‘no leave policy’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hulyo 27. Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Supt. Annie Mangele, bawal lumiban sa nasabing araw ang sino mang kawani ng NCRPO. Ito aniya’y bilang bahagi ng seguridad na ilalatag sa araw ng SONA. …

Read More »

Roxas: Marquez bagong PNP chief

INIANUNSYO kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas ang bagong magiging hepe ng PNP na si Police Director Ricardo Marquez. Isang araw ito bago ang napipintong pagreretiro ni Deputy Director Leonardo Espina na nagsilbing OIC ng PNP sa nakaraang pitong buwan. Sinagot ni Roxas ang mga puna kung bakit matagal bago nakapagtalaga ng hepe si Pangulong Aquino sa PNP: “Ayon sa Pangulo, …

Read More »

Misis utas sa saksak ng dyowang sekyu (Nagtalo sa kapos na pera)

PATAY ang isang misis makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na sekyu nang magtalo dahil sa kakapusan sa pera kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Analyn Ental, 34, tubong Zamboanga Del Norte, residente ng 2166 CBY Barracks II, Purok 6, Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang kanyang live-in partner na si …

Read More »

 ‘Gapo officials, missing in action sa kalamidad (Nasa Amerika lahat)

OLONGAPO CITY—Binaha ang ilang barangay sa lungsod na ito pero missing in action si Mayor Rolen Paulino at halos lahat ng miyembro ng City Council kaya posibleng parusahan sila ng Department of Interior and Local Government (DILG) pagbalik sa bansa. Sanhi ng bagyong Egay, Falcon at hanging Habagat, lumubog sa baha ang maraming lugar sa Olongapo ngunit  nasa Virginia City …

Read More »

Malapitan utas sa P50 (Ayaw magbigay ng pantoma)

PATAY sa saksak ang isang 46-anyos tricycle driver nang tumangging magbigay ng lagay sa isang lasing sa Tondo, Manila kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Malapitan, 46, may asawa, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, dahil sa dalawang saksak sa dibdib. Habang mabilis na tumakas ang suspek …

Read More »

Personal background ng mag-asawang nalason binubusisi

TITINGNAN din ng pulisya ang personal background ng mag-asawang manager na namatay dahil sa pagkalason sa Las Piñas City. Ayon sa Las Piñas City Police, lahat ng anggulo ay kanilang binubusisi hinggil sa pagkamatay ng mag-asawang sina Juliet at Jose Maria Escano. Sa kuha ng CCTV surveillance camera sa paligid ng mall, lumalabas na tatlong oras namalagi sa loob ng …

Read More »

Pamilya nalason sa pekeng asin

KORONADAL CITY – Isang pamilya sa Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato ang nalason ng hinihinalang pekeng asin na nabili nila sa katabing tindahan. Ayon kay Brgy. Dajay Chairman at Surallah ABC President Henry Eslabon, pitong miyembro ng pamilya Ricablanca ng Prk. Curba, Brgy. Dajay ang nalason. Kinilala ang mga biktimang sina Vicenta, Sandy, Roland, Lucena, Heidi na isang buntis, Apitong …

Read More »

22-anyos tinurbo ng doktor

KULONG ang isang doktor makaraan ireklamo ng panggagahasa sa isang  22-anyos estudyanteng lalaki at pana-nakot na ilalabas ang nauna nilang sex video, ayon sa ulat ng Caloocan City Police kahapon. Kinilala ang suspek na si Jose Norilito  Fruto, 50, isang doktor, residente sa Maya St., Am-paro Road, Novaville Deparo ng nasabing lungsod, nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police. Salaysay …

Read More »

Hussin nanindigan laban kay Mison

SA kabila ng pagsampa umano ng kasong kriminal laban sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman, hinarap ni dating Bureau of Immigration (BI) intelligence chief Atty. Faisal Hussin ang akusasyon sa kanya ni Immigration commissioner Siegfred Mison ng misrepresentation at falsification of documents. Nakaharap ni Hussin ang tagapagsalita ni Mison na si Atty. Elaine Tan sa weekly media forum na Tapatan …

Read More »

Posibilidad ng botohan sa malls malabo

PINAALALAHANAN ng dating Comelec commissioner ang balak ng komisyon na magtayo na rin ng mga presinto sa malls para hindi mahirapan ang mga botante at hindi tamarin sa pagboto. Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, may ilang mga usapin na dapat ikonsidera ng Comelec, tulad nang gagawing testing at sealing ng PCOS machines at deployment ng board of election …

Read More »

Driver/bodyguard ng konsehal sugatan sa service firearm

SUGATAN ang isang driver/bodyguard ng konsehal nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm habang tinatanggalan niya ng magazine kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala  ng kalibre .40 sa kanang tuhod ang biktimang si Chris John Joaquin, 33, driver/bodyguard  ni Malabon City Councilor Japs Garcia, at residente ng 11 …

Read More »

Imbestigasyon vs Marcos paintings nakatengga sa Kamara

WALA pa rin aasahan ang taumbayan na mabawi ang artworks na pinaniniwalaang kasama sa ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa panayam ng Hataw kay Kabataan Party-List media officer Marjohara Tucay, natutulog  pa rin sa House Committee on Rules ang dapat sanang pag-iimbestiga sa nasabing paintings na ‘di mabawi-bawi ng gobyerno. Kung matatandaan, nag-ingay si Kabataan Party-list Terry Ridon dahil …

Read More »

2 patay sa landslide sa Kennon Road (4 pa sugatan)

DALAWA ang patay sa pagguho ng lupa sa Camp 7 sa Wabac, Kennon Road sa Baguio City, dakong 9 a.m. nitong Lunes. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Marjorie Magsino, 33-anyos, taga-Urdaneta, Pangasinan. Kinilala ang ikalawang biktima na si Teresita De Guzman, 61, binawian ng buhay sa Baguio General Hospital. Sugatan ang 40-anyos driver ng van na si …

Read More »

Motorcycle rider utas 2 malubha sa banggaan

PATAY ang isang 34-anyos lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Ramel Regala, ng 22 Pajo, Meycauyan, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang kapwa nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang nakabanggaan niyang si Mark …

Read More »

Patong-patong na kaso vs candy vendors

SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng pulisya sa Surigao del Sur ang limang candy vendors makaraan malason ang mahigit 1,900 mag-aaral sa kanilang ibinentang Wendy’s Durian at Mangosteen candies. Inihain ang kaso sa Regional Trial Court Branch 27 sa Tandag City. Kabilang sa isinampang kaso laban sa mga suspek ay reckless imprudence resulting in multiple serious physical injuries sa …

Read More »

Special child hinalay ni tatay (Sa itaas ng nitso)

KALABOSO ang isang 58-anyos sepulturero ng Manila North Cemetery makaraan maaktohan ng mga barangay tanod ang panghahalay sa kanyang anak na special child sa ibabaw ng nitso sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw. Itinago ang biktima sa pangalang Gina, 23, isip-bata, pang-apat sa limang magkakapatid at nag-iisang babae. Habang nakapiit na sa Manila Police District-Women’s and Children’s Protection …

Read More »

3 tigok sa NPA vs gov’t troops sa Atimonan

TATLO ang patay makaraan maka-enkwentro ng mga sundalo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Atimonan, Quezon kamakalawa.  Sinabi ni 201st Infantry Brigade Commander Colonel Rhoderick Parayno, kabilang sa mga napatay ang isang sundalo, isang sibilyan, at isang miyembro ng NPA.  Habang sugatan ang apat na sundalo gayondin ang ilang miyembro ng NPA na hindi nabatid ang bilang.  …

Read More »

Hihirit nang sobra-sobrang pondo sa 2016 parusahan (Isinulong ng minorya sa Kamara)

BINALAAN ng minorya sa Kamara ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa paghingi ng sobra-sobrang pondo mula sa 2016 national budget. Sa harap ito ng napipintong pagsusumite ng Malacañang sa Kamara ng mahigit P3 trillion budget para sa susunod na taon. Sa ngayon, isinusulong ni Bayan Muna rep. Neri Colmenares na maparusahan ang mga opisyal ng mga ahensiyang hihingi ng …

Read More »

2 airport police nabaril

DALAWANG miyembro ng Airport Police Department ang nasugatan makaraang pumutok ang baril habang nililinis ng isang pulis nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang dalawang biktima na kapwa airport police officers 1 (APOs1) na sina Edcel Biag, 22, at Lubigan Barongrong, 22, kapwa isinugod sa San Juan de Dios Hospital dahil sa parehong tama sa kaliwang hita. Lumalabas sa imbestigasyon na …

Read More »

CCTV footage isinumite na sa Camp Crame (Sa mag-asawang nalason)

PARA sa ikalilinaw ng kaso, isinumite na kahapon ng pamunuan ng Las Piñas City Police Anti-Cyber Crime, Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang CCTV footage sa mag-asawang manager na nalason sa parking area ng isang community mall sa Las Pinas City nitong Huwebes ng hapon. Nabatid sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas City Police, na si Chief Inspector …

Read More »

Pamilya minasaker sa North Cotabato

KORONADAL CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagmasaker sa isang pamilya sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa. Kinilala ni Senior Inspector Ronnie Cordero, OIC ng Kabacan PNP, ang mga biktimang si Roger Gracia, 47, magsasaka, misis niyang si Milcha Ricanor, 49, at anak nilang si Danny Anne,14, pawang mga residente ng Purok Pag-asa, Brgy. Aringay sa nabanggit …

Read More »

Chiz atat sa endorsement

KINOMPIRMA ni Senadora Grace Poe ang ikatlong pag-uusap nila ni Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa nalalapit na halalan sa 2016. Nakipag-usap rin si PNoy sa hiwalay na miting kay Senator Chiz Escudero bilang bahagi ng konsultasyon ng Pangulo para sa mamanukin niya sa 2016. Naging matipid ang pagsagot ni DILG Secretary Mar Roxas tungkol sa pinag-usapan nila ni PNoy pagkatapos …

Read More »