PATULOY na ginigiba ng kasalukuyang presyohan ng bigas ang mga naitalang paggalaw sa presyo at patuloy ang pagbaba nito sa gitna ng tagtuyot at mababang ani sa bansa. Ito ay ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay sa isang panayam ngayong Miyerkoles kasabay ng pahayag na ang presyo ng bigas ay nasa pinakamababa ngayong taon, kahit pa nasa …
Read More »Ina, kapatid ni Ka Eddie itiniwalag (Sa nalalapit na 101 anibersaryo)
ITINIWALAG ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sina Tenny at Angel Manalo, ina at kapatid ng kasalukuyang punong ministro na si Eduardo Manalo. Ito ang inihayag ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago sa isang press conference makaraan maglabas ng video ang dalawa sa YouTube na sinabi nilang nasa panganib ang kanilang buhay. Ani Ka Tenny sa naturang video, “Ako’y …
Read More »‘Isda’ nagwelga sa mesa (Sa fishing ban ng Malacañang)
LUMAHOK sa tinawag na “fish holiday” ang mga mangingisda at manggagawa sa Navotas Fish Port bilang protesta sa nalalapit na pagpapatupad ng fishing ban sa Manila Bay sa nalalapit na Setyembre, sa taong ito. Ayon sa mga mangingisda, manininda at maliliit na manggagawa sa Market 3, 4, & 5, “Ang balakin ng gobyernong ito ay hindi makatao sapagkat libo-libong mamamayan …
Read More »Oposisyon sa SONA no big deal — Palasyo
HINDI big deal sa Palasyo ang pagdalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga kilalang oposisyon, partikular ni Vice President Jejomar binay na ngayon ay kritiko ng administrasyon. “Ayon din ‘yan sa karapatan at katungkulan ng mga pangunahing opisyal ng ating bansa na dumalo sa kaganapang ito,” ani Communications Secretary Herminio Coloma …
Read More »May-ari ng Kentex Gatchalian kasuhan — DoJ (Sa sunog sa pabrika)
INIREKOMENDA ng Department of Justice na sampahan na ng kasong administratibo at kriminal ang mga may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation at ilang opisyal ng Valenzuela kaugnay sa sunog noong Mayo 13. Pinakakasuhan na rin ang mga empleyado ng Ace Shutter Corp., ang kompanyang responsable sa isinagawang welding sa nasunog na pabrika ng tsinelas na mahigit 70 ang namatay. Kabilang sa …
Read More »Pekeng bigas nasa Pasay City na?
PINANGANGAMBAHAN ng mga residente ng Pasay City na posibleng umabot na ang sinasabing kumakalat na pekeng bigas sa kanilang lungsod, makaraan 20 katao ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagdumi makaraan kumain ng sinaing na bigas na binili sa isang tindahan kamakalawa ng tanghali. Nagtungo kahapon sa himpilan ng Pasay City Police ang dalawa sa 20 katao na kinilalang …
Read More »5 miyembro ng sindikato ng pekeng pera arestado
PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko sa kumakalat na pekeng P1,000 bill makaraan maaresto ang lima katao sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Criminal Investigation and Detection Team sa Recto, Maynila kamakalawa. Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Ansos, 31; Ramonsito Joseph, 43; Rodolfo Paerat, 48; Adelaida Castillo, 36; pawang mga residente ng …
Read More »Ginang nabaril ng pulis sa mall
NAHAHARAP sa reklamo ang isang pulis makaraan aksidenteng tamaan ng bala ang isang ginang habang sila ay nasa isang mall sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Noime Llyod, 42, residente ng Bambang, Bulakan, Bulacan, habang ang suspek ay kinilalang si Insp. Mark Henry Gonzales, 25, residente ng Iba, Hagonoy, at nakatalaga sa …
Read More »Erap: Si Mar kwalipikado Chiz ambisyoso
SERYOSO ang naging sagot ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada nang diretsahang tanungin sa isang interbyu tungkol sa halalan sa 2016. Isinantabi muna ni Erap ang politika sandali at umaming malaki ang paghanga niya kay DILG Secretary Mar Roxas, na naging miyembro ng kanyang Gabinete nang siya ay pangulo pa. “Sec. Mar Roxas is a very intelligent …
Read More »Chris Brown pinigil sa NAIA
HINDI pinahintulutan ng mga awtoridad na makaalis ng bansa ang Grammy nominated singer na si Chris Brown dahil sa reklamo ng isang religious sector. Ito’y alinsunod sa inilabas na lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ) laban kay Brown kaugnay sa pag-isnab sa dapat sana’y New Year’s Eve concert niya sa Philippine Arena sa Bulacan noong nakaraang taon. Kung maaalala, …
Read More »Bus pwede nang bumiyahe sa NAIA 3
BINIGYAN ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng special permit ang 55 city buses para bumiyahe hanggang sa NAIA Terminal 3 simula ngayong araw. Ayon sa pangasiwaan ng Manila International Airport Authority (MIAA), mas kakaunti ang pampublikong sasakyang dumaraan sa Terminal 3 kung kaya’t nakipag-ugnayan sila sa LTFRB upang solusyonan ito. Sa bagong iskema, daraan sa NAIA Road …
Read More »P1-B inilaan sa rehab ng Angat Dam Para maging quake proof (Para maging quake proof)
ISANG bilyong piso ang inilaan ng administrasyong Aquino para sa rehabilitasyon ng Angat Dam para maging earthquake-proof ito. Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III, umaasa siyang makakayanan nang mas pinatibay na Angat dam ang posibleng epekto nang malakas na lindol sakaling gumalaw ang pinangangambahang West Valley Fault. Sa kanyang talumpati kahapon makaraan ang inspeksiyon at project briefing sa isasagawang rehabilitasyon …
Read More »One Dream networking group kinasuhan
KINASUHAN ng syndicated estafa sa Department of Justice (DoJ) ang mga opisyal ng One Dream Marketing, networking company sa Batangas na inaakusahang sangkot sa investment scam. Kasama sa mga inireklamo ng 15 investor o nabiktima ng kompanya, sina Arnel Gacer, president/CEO; Jobelle de Guzman, vice president; incorporators na sina Ariel Gacer, Richard Ramos, at Jay-Ar De Guzman; mga miyembro ng Management Team na …
Read More »LGU officials pinadadalo sa oral argument (Sa Torre de Manila)
PINADADALO ng Korte Suprema ang mga opisyal ng lungsod ng Maynila sa susunod na oral arguments hinggil sa pagpapatayo ng Torre de Manila, ang binansagang photobomber ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park. Sinabi ni Atty. William Jasarino, legal counsel ng Knights of Rizal, ito’y kahit nagpahiwatig ang mga opisyal ng lungsod na hindi sila lalahok sa pagdinig. …
Read More »Kandidatong swapang ‘wag iboto
NANAWAGAN si Pangulong Benigno Aquino III sa mga botante na ibasura ang mga kandidatong suwapang at walang pakialam sa bayan. Sa kanyang talumpati makaraan inspeksyonin ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan kahapon, nagbabala rin ang Pangulo laban sa mga kandidatong naglalako ng mga hungkag na pangako at magsasamantala lang sa puwesto. Ang dapat aniyang piliing pinuno ay ang magpapatuloy ng …
Read More »Seguridad sa SONA kasado na — PNP
HANDA na ang pulisya para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Lunes, Hulyo 27. Ayon kay PNP chief Director General Ricardo Marquez, nasa 99.99 percent nang handa ang kapulisan sa paglalatag ng seguridad. Sinabi ni Marquez, mayroon na lamang kailangan pag-usapan at ayusing kaunting “finishing touches” na kanilang tatalakayin sa …
Read More »2 ex-solon kinasuhan sa PDAF scam
DALAWANG dating kongresista ang bagong kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan. Kinilala ni Ombudsman spokesman Asryman Rafanan ang mga kinasuhan na sina dating Navotas Rep. Alvin Sandoval, at dating Bukidnon Rep. Federico Pancrudo. Sa nilagdaang rekomendasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, patong-patong na kasong katiwalian ang ipinasasampa laban sa dalawang mambabatas. Nag-ugat ang reklamo sa maling paggamit ng …
Read More »Binatilyong dyumingel tinarakan
MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyo makaraan tarakan ng hindi nakilalang suspek habang ang biktima ay umiihi sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng isang saksak sa likod ang biktimang si JC Val Enriquez, 19, purified water delivery boy, at residente ng Sto. Niño, Brgy.Concepcion ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad …
Read More »Bus nagliyab sa SLEX
LUMIKHA ng pangamba sa mga pasahero ang pagliyab ng kanilang sinakyang bus sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEx) sa Bicutan kahapon ng umaga sa lungsod ng Taguig . Base sa inisyal report ng pulisya, nagsimulang magliyab ang apoy sa Dela Rosa Transit Bus (TYM 248) dakong 9:50 a.m. kahapon. Walang nasaktan sa mga pasahero nang makababa agad sila ngunit …
Read More »Albay town nasa state of calamity sa rabies
LEGAZPI CITY – Kinompirma ng City Veterinary Office ng Legazpi na isinailalim na ang lungsod sa state of calamity dahil sa paglobo ng kaso ng rabies. Ayon kay Dr. Nancy Andes, halos domoble ang kaso ng rabies sa siyudad kung ikukumpara sa nakaraang mga taon na mula sa halos 1,000 ay umabot ito sa mahigit 2,000 sa nakalipas lamang na …
Read More »Roxas-Vilma niluluto?
SA KABILA ng mga meeting nina Pangulong Noynoy Aquino, Senadora Grace Poe at Sen. Chiz Escudero bilang bahagi ng konsultasyon ni PNoy para sa nalalapit na halalan ay biglang umusbong ang pangalan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na makatambal ni DILG Secretary Mar Roxas, hindi sa pelikula ngunit para sa 2016 election. Tumungong Batangas City Provincial Capitol si Roxas upang …
Read More »Mala-piratang pagkilos ng China sa West Philippine Sea, itigil na!
KOmbinsido si dating Department of the Interior and Local Government Secretary Rafael M. Alunan III na makasasama sa tunay na layunin ng China para magpatuloy ang kanilang kaunlaran kung paiigtingin pa ang agresibong pagkamkam sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Alunan, Lead Convenor ng West Philippine Sea Coalition, mababalewala ang lahat ng nakamit na kaunlaran ng …
Read More »Bakasyonista nag-selfie sinalpok ng motorsiklo
LAOAG CITY – Patay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang isang bakasyonistang nag-selfie pero nabangga ng motorsiklo sa Brgy. Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni Sr. Insp. Samson Amistad, hepe ng PNP Pagudpud, ang biktimang si Liezel Wage Ramones, 37, naninirahan sa Brgy. Ganagan sa bayan ng Bacarra. Habang kinilala ang …
Read More »Hamon ni PNoy sa kritiko maglabas ng pruweba (Mambabatas ‘di raw nagtatrabaho)
MAGHANAP ka ng pruweba na hindi nagtatrabaho ang mga mambabatas. Ito ang hamon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pinakamatinding kritiko na bagama’t hindi pinangalanan ay sinasabing si Vice President Jejomar Binay na todo ang pagbatikos sa administrasyon mula nang kumalas sa gabinete. Sa kanyang mga pahayag, tinawag ni Binay ang administrasyong Aquino na inutil at teka-teka. “Magpapasalamat ako …
Read More »300 residente naospital sa kontaminadong tubig (Sa Sarangani)
GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na tinututukan ng Municipal Health Office ng Alabel, Sarangani Province, ang Brgy. Pag-asa sa nasabing munisipyo dahil sa naitalang diarrhea outbreak. Ito’y nang umabot sa 300 tao ang dinala sa ospital sa Lungsod ng Heneral Santos dahil sa nararanasang pagtatae. Ayon kay Dr. Honorato Fabio, municipal health officer ng Alabel, nasa pitong purok na sa …
Read More »