Saturday , July 27 2024
shabu drug arrest

SWAT officer, 3 pa naaktohan sa Cebu drug den

CEBU CITY – Swak sa kulungan ang isang pulis na nakatalaga sa Special Weapons and Tactics (SWAT), kasama ang tatlong iba pa na nahuli sa buy-bust operation sa Sitio Harag, Brgy. Talavera, Lungsod ng Toledo, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina PO2 Ronjie Nadora, 36; Richard Flores, 30; Neil Enriquez; at Nanding Abella, 23.

Ayon kay PO2 Carlos Bardoado ng Toledo City Police, may nagsumbong sa kanilang himpilan tungkol sa drug activity kaya agad nagsagawa ng test buy nitong Sabado ng gabi hanggang naaresto ang SWAT officer at mga kasamahan.

Inamin ng pulisya na si Enriquez ang subject ng operation at nadatnan lang sa drug den ang iba pang mga suspek na nagsasagawa ng pot session.

Napag-alaman, ilang ulit nang nailipat sa iba’t ibang local government unit si PO2 Nadora dahil sa poor performance at pagkakasangkot sa ilegal na droga.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *