Thursday , June 4 2026

Dagdag-seguridad sa bagahe tiniyak ng bagong MIAA GM

UPANG matiyak na ligtas sa ano mang uri g pagnanakaw ang mga bagahe ng mga pasahero, bubuuin ng bagong pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang isang composite team na magsasagawa ng biglaang inspeksiyon sa  mga manggagawa at empleyado na nakatalaga sa baggage build up area.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, ang planong ito ay prayoridad para maiwasan ang nakawan o pilferage sa NAIA particular sa terminal 1.

Ang composite team, aniya, ay kinabibilangan  ng personnel mula sa Airport Police Department (APD), PNP-Aviation Security Group at private security guards na ang layunin ay protektahan ang mga bagahe laban sa mga ‘magnanakaw.’

Ayon kay Monreal, planado na rin ang paglalagay ng state-of-the-art closed circuit televisions (CCTVs) sa baggage build up areas lalo sa NAIA 1 para palitan ang lumang CCTVs na inilagay ng MIAA noong 1990s.

Sa baggage build-up area iniipon ang mga dumarating at lumalabas na bagahe ng mga pasahero para ayusin saka dadalhin sa baggage carousel sa arrival area at/o patungo sa cargo ng eroplano. Hawak ito ng airline employees, airport baggage handling unit at security personnel.

Pinayuhan ni Monreal ang mga pasahero na iwasang maglagay ng mamahaling gamit tulad ng alahas, pera at iba pang mahahalagang bagay bagkus ilagay ito sa carry-on bag.

Binigyan-diin ni Monreal, hindi lamang sa NAIA nangyayari ang pilferage maging sa ibang bansa o ang airport na pinanggalingan ng pasahero. ( JERRY YAP )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …