NAGA CITY – Patay ang dalawa habang isa ang sugatan sa nangyaring tagaan at pamamaril sa Purok Mutya, Brgy. Cotta, Lucena City kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Norberto Custodio, 40, at Anaceto Aguda, 52, habang sugatan si Arthuro Custodio, 53-anyos. Nabatid na pumunta sa nasabing lugar si Arthuro kasama ang kapatid na si Norberto para hanapin ang anak. …
Read More »Walang garahe ‘di bebentahan ng sasakyan (Pinaboran ng Palasyo)
PABOR ang Palasyo sa panukalang hindi dapat pagbentahan ng sasakyan ang mamamayan na walang garahe. “Ang panukala ay naglalayong pigilin ang pagdami ng sasakyang ipinaparada sa kalsada dahil walang garahe. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pagsikip ng kalsada upang bumilis ang daloy ng trapik. Karapat dapat na bigyan ito nang seryosong pag-aaral,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Magugunitang …
Read More »Negosyante nagbaril sa sarili, patay (Nasangkot sa bribery)
ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang negosyante at may-ari ng HuaLun Commercial sa Lungsod ng Iloilo, makaraang magbaril ng sarili kamakalawa. Ang biktimang si Ricky Go ay natagpuan ng pamilya sa bakanteng lote sa gilid ng kanilang bahay sa Block 1, Lot 3, Ledesco Village, Cubay, Jaro, isinugod pa sa ospital ngunit idineklara ng patay …
Read More »Manyakis na madrasto arestado (11-anyos pinasubo ng ari)
KULONG ang isang manyakis na stepfather makaraang ipasubo ang kanyang ari sa 11-anyos dalagitang kanyang anak-anakan kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Kinilala ang suspek na si Renwold Alvarez Panhilason, 50, pintor, residente ng Block 33, Lot 22, Phase 2, Area 2, North Bay Boulevard South, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). Batay sa ulat ni SPO2 …
Read More »Dalagita inabuso, lolo kalaboso
ARESTADO ang isang 60-anyos lolo makaraang molestiyahin ang isang 13-anyos dalagita sa loob ng Chinese Garden sa Rizal Park, Ermita, Manila, kamakalawa ng gabi. Bago maipa-blotter sa security office ng National Park Development Committee (NPDC) sa Rizal Park, binitbit mismo ng sekyung si Joemar Crisostomo, 41, ang suspek na si Bonifacio Del Mundo, ng 188 Banahaw St., Punta, Sta. Ana, …
Read More »Branch manager ng Koop naglason bago nagbigti
VIGAN CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang branch manager ng kooperatiba na uminom ng insecticide bago nagbigti sa probinsiya ng Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Raymond Manzano, 30, residente ng Sitio Bariquir, Brgy. Balingaoan, Candon City, branch manager ng Sacret Heart Savings Cooperative na nakabase sa San Nicolas, Ilocos Norte. Ayon kay Supt. …
Read More »7 rape-slay suspects parurusahan na (Sa batas ng Islam)
KORONADAL CITY – Nakatakda nang parusahan ang pito sa walong naarestong mga suspek na gumahasa at brutal na pumatay sa 18-anyos high school working student sa Buluan, Maguindanao. Ito ang ipinaabot na impormasyon ni Mariano, pinsan ng biktimang si Bainor Solaiman. Ayon kay Mariano, wala pa siyang alam kung kailan ang isasagawang pagpaparusa sa mga suspek makaraang mahuli ang pito …
Read More »Robredo: Poe ‘di kwalipikado pagka-Filipino tinalikuran
“PARA sa akin hindi legal ‘yung question, ‘yung sa akin, mas loyalty to country.” Ito ang pahayag ni Camarines Sur Representative Leni Robredo nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa isyu ng citizenship ni Senador Grace Poe. Isa si Poe sa mga nababalitang tatakbo sa pagkapangulo sa halalan sa 2016, bagama’t wala pang deretsong pahayag na kakandidato pero tuloy-tuloy ang …
Read More »DSWD lalong nadiin sa COA (Donasyon sa ‘Yolanda’ ‘di naipamahagi)
LALONG nadiin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naging ulat ng Commission on Audit (COA). Lumalabas sa audit ng COA, totoo ngang nabigo ang nasabing ahensiya na maipamahagi agad ang natanggap nitong cash donations at family food packs sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda. Base sa datos, nasa P382 milyong local at foreign cash donations para sa …
Read More »Walang ebidensiya vs JPE — prosekusyon
AMINADO ang prosekusyon na wala silang direktang ebidensya laban kay Sen. Juan Ponce Enrile kaugnay sa pagtanggap ng kickback mula sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Sa ginanap na oral summation para sa petition to post bail ni Janet Lim-Napoles sa Sandiganbayan Third Division, tinanong ni Associate Justice Samuel Martires ang prosecution panel kung pagkalipas ng isang taon …
Read More »Amang senglot nag-amok, binoga ng anak
VIGAN CITY – Isinugod sa pagamutan ang isang padre de pamilya makaraang barilin ng sariling anak nang mag-amok ang lasing na ama kamakalawa sa Ilocos Sur. Kinilala ang biktimang si Felipe Gorospe, 60, tricycle driver, habang ang salaring anak ay si Philip Gorospe, 28, negosyante, parehong residente ng Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur. Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nag-inoman …
Read More »PNP Bacarra apektado na ng sore eyes
LAOAG CITY – Lalo pang dumami ang mga nagkasakit ng sore eyes sa Ilocos Norte. Napag-alaman, ilang kasapi ng Philippine National Police (PNP) sa bayan ng Bacarra ang apektado na rin ng nasabing sakit. Katunayan, kabilang na sa mga apektado si Senior Inspector Jepreh Taccad, hepe ng PNP Bacarra. Unang tinamaan ng sore eyes si Senior Police Officer Rufu Agas, …
Read More »Bata patay, 1 kritikal sa landslide sa Mandaue
CEBU CITY – Patay na nang mahukay ang 13-anyos lalaki makaraang matabunan kasama ang kanyang kapatid makaraang bumagsak ang riprap sa Villa San Sebastian Subdivision sa Sitio Kalubihan, Brgy. Casili sa lungsod ng Mandaue kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Vicente Cariquitan Jr., habang isasailalim sa operasyon ang 3-anyos niyang kapatid na si Vladimir. Bandang 9 p.m. nang magsimulang hukayin …
Read More »Market holiday vs privatization ratsada na sa Maynila
NAGSIMULA na ang “Market Holiday” ng mga tindero sa iba’t ibang palengke sa Maynila nitong Lunes. Kabilang sa nakilahok ang mga tindero sa mga palengke sa Pritil, Sampaloc, Trabajo, Quinta, Dagonoy, San Andres at Sta Ana. Layon ng Market Holiday na kontrahin ang pagsasapribado ng mga pampublikong palengke sa Maynila. Nakapaloob ito sa Ordinansa Bilang 8346 na pumapayag sa joint …
Read More »13-anyos bebot ginahasa ng ex-BF (Ganti sa break-up)
NAGA CITY – Swak sa kulungan ang isang tricycle driver makaraang halayin ang ex-girlfriend niyang 13-anyos sa Tiaong, Quezon. Kinilala ang suspek na si Virgilio dela Cruz, 28-anyos. Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktimang itinago sa pangalang Anabelle, nang biglang harangin ni Dela Cruz. Tinutukan ng kutsilyo ang biktima at sapilitang pinasakay sa minamanehong tricycle saka dinala sa isang …
Read More »Mangingisda sugatan sa sakmal ng pating
GENERAL SANTOS CITY – Bagsak sa ospital ang isang mangingisda makaraang sakmalin ng pating sa kanyang binti. Kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Roberto Canoy, 25, residente ng Taluya, Glan, Sarangani province. Ayon kay Canoy, nangingisda siya sa Sarangani Bay nang makaramdam ng init ng panahon kaya’t naisipan tumalon sa dagat para mapawi ang alinsangan sa katawan. Ngunit nagulat siya nang …
Read More »2 pusher todas sa shootout sa Kyusi
PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher na mga miyembro ng Samuel drug group na kumikilos sa Quezon City makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezo City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID) sa buy-bust operation sa lungsod kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo Tinio, QCPD Director, kinilala ang mga napatay na sina alyas Alvin at alyas Mar. …
Read More »18-anyos factory worker ginahasa ng holdaper
HINDI nakapalag ang isang lalaki nang arestuhin ng mga pulis makaraang gahasain ang hinoldap niyang isang 18-anyos dalagitang factory worker sa Meycauyayan City, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay Supt. Lailene Amparo, hepe ng Meycauayan City police, ang biktima ay manggagawa sa isang pabrika ng pagkain sa nasabing lungsod. Pormal nang sinampahan ng kasong rape ang naarestong suspek na si …
Read More »KWF lalahok sa 36th MIBF!
TAMPOK sa 36th MIBF ang Mga Piling Tula ni Jaroslav Seifert na isinalin ng mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at inedit ni Giancarlo Lauro Abraham V. Si Seifert ang kauna-unahang Czech na nagkamit ng Premyo Nobel sa lárang ng panitikan. Kasabay rin na ilulunsad sa nasabing pagtitipon ang aklat na Ang Metamorposis ni Franz Kafka …
Read More »Helper tinusok ng sinaway na senglot (Naingayan sa kantahan)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 42-anyos helper makaraan pagsasaksakin ng isa sa mga nag-iinoman nang kanyang sayawin dahil sa maingay na pagkakantahan sa tapat ng kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Diolito Acaso, residente ng Mabolo St., Brgy. Santulan ng nasabing lungsod. Habang masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad …
Read More »Poe walang kabog vs set – Chiz (Walang itinatago at kinatatakutan)
”TAPAT, tunay, at palaban.” ‘Yan ang markang inaabangan ng ating mga kababayan mula sa ating mga pinuno. At ‘yan ang ipinakita ni Sen. Grace Poe sa kanyang pagharap sa Senate Electoral Tribunal (SET) upang harapin ang mga legal na hamon sa kanyang pagiging Filipino.” Ito ang mariing tinuran ni Sen. Francis Joseph “Chiz” Escudero matapos personal na dumalo sa …
Read More »Sa bagong DILG chief: Gawa ni Mar ituloy – PNoy
AYAW maantala ni Pangulong Noynoy Aquino ang magandang trabaho ni dating kalihim Mar Roxas sa Department of Interior and Local Government kaya’t iniutos niya ang maayos na turn over, sabi ng Palasyo. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, naging mahalaga kay PNoy ang maayos na halinhinan sa DILG para hindi maantala ang mga importanteng proyekto rito. “The President has …
Read More »Lim umaani ng suporta sa Manilenyo
NAGPAHAYAG ng suporta ang mga residente ng Maynila sa muling pagtakbo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim upang maluklok muli bilang alkalde. Ilang distrito ang dinalaw ni Lim kahapon ng umaga at namigay ng wheelchairs sa mga nangangailangan. Masaya ang mga residente sa pagdalaw ng dating alkalde at sinuportahan ang kanyang planong pagbabalik sa puwesto. Kasama ni Lim sa paghahatid …
Read More »Mister nagbantang tatakas para patayin din si misis (Suspek sa pagpatay sa 3 anak)
“IPARATING ninyo sa asawa ko, pipilitin kong makatakas dito para patayin siya.” Ito ang isinumbong ni Angelie Reformado, 36, ng 1862 Dapitan St., Sampaloc, Maynila, kay SPO1 Alonzo Layugan, ng Manila Police District-Homicide Section, na aniya’y banta ng kanyang asawang si Rolando na pumaslang sa kanilang tatlong anak noong Setyembre 1, makaraang dumalaw ang ina ng suspek na si Lourdes …
Read More »Banta ni Alunan (Ipasa o hindi man sa Kongreso, BBL maghahasik ng kaguluhan)
KOMBINSIDO si dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III na pag-uugatan pa rin ng kaguluhan at destabilisasyon ng bansa ang pagsasabatas ng kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL). “Ang hindi lang maintindihan, kung bakit ba ipinipilit pa ng gobyerno na makipag-usap sa maliit na paksiyon ng MILF na ang mga Muslim mismo ay nagsasabi na hindi kumakatawan sa …
Read More »