Ama pinatay sa taga ng anak (Pananakit sa ina ‘di nakayanan)

ROXAS CITY – Patay ang 61-anyos ama makaraan pagtatagain ng anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Lag-it, Brgy. Bilao, Sapian, Capiz kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Danilo Dicon, napatay sa taga ng kanyang anak na si Jonathan Dicon 33-anyos, agad sumuko sa mga pulis makaraan ang insidente.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sapian Police Station, sinasaktan ng biktima ang kanyang misis kaya sinaksak siya ng kanilang anak.