Thursday , June 4 2026

2 TULAK TIGBAK SA POLICE ENCOUNTER

PATAY ang dalawang hinihinalang mga tulak makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa mga bayan ng San Miguel at Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo Camat, Acting Bulacan police director, ang isa sa dalawang napatay na si Mark Anthony Reyes, residente ng San Miguel.

Nabatid sa ulat, tumanggi si Reyes na huminto sa itinalagang police checkpoint, bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Samantala, sa bayan ng Norzagaray, sa police operation ay bumulagtang patay si Jeffry Madrillejos, residente ng Brgy. Matictic.

Sinasabing si Madrillejos ay nakipabarilan sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng illegal na droga.

( MICKA BAUTISTA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …