Wednesday , June 24 2026

Dela Rosa nanggulat lang — Panelo (Bahay ng drug lords sunugin)

IPINALIWANAG ng Malacañang official kahapon, ang sinabi ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa na naghihikayat sa drug addicts na patayin at sunugin ang bahay ng drug lords, ay ‘drama’ at ‘golpe de gulat’ lamang.

“Hindi naman siya nagte-threaten, drama lang iyon. Alam mo naman ang mga Filipino, kung walang golpe de gulat, hindi naman tayo… golpe de gulat lang iyon,” giit ni Chief Presidential legal counsel Salvador Panelo.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pahayag na ito ni Dela Rosa ay babala lamang sa panahon ng krisis.

“You know the reason why perhaps people have not fully appreciated how deeply the spread of the drug menace is because it’s only now that it’s being revealed. For the longest time, it was either ignored or not attended to and so people are not aware of the depths, it’s only now. And that’s why he’s making a large, loud call,” pahayag ni Abella sa press briefing nitong Biyernes.

“So even that, I would say, is a call. It’s not an incitement to kill. It’s a warning, it’s a heads up,” aniya.

Dagdag ni Panelo, walang legal implications laban sa PNP chief hangga’t hindi niya ito ginagawa. “You may have the worst of intentions, of criminal intent, if you do not do that, there is no crime,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …