SA kabila ng diskuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe sa Comelec second division, pinagtibay ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang kanilang naunang desisyon sa kaso. Kasabay ito nang pagbasura ng SET sa motion for reconsideration ni Rizalito David. Matatandaan, kinikwestyon ni David ang citizenship at residency status ng senadora dahil hindi aniya batid kung anong nasyonalidad ng mga magulang ni Poe. …
Read More »Poe mananatili sa list of candidates
NILINAW ng Comelec na hindi na kailangan pa ng kampo ni Sen. Grace Poe na maghain ng petisyon para lamang makasama sa ililimbag na balota ang pangalan ng senadora kahit may mga kinakaharap na disqualification case. Paliwanag ito ni Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod nang pagsugod ng mga tagasuporta ng senadora sa punong tanggapan ng poll body. Ilan sa kanila …
Read More »Kasambahay pinatay ng bayaw ng amo (Nagalit nang ‘di papasukin)
AGAD binawian ng buhay ang isang kasambahay makaraang saksakin ng bayaw ng kanyang amo nang hindi niya papasukin sa pinagsisilbihang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Janet Magana, 23, stay-in housemaid sa Block 4, Lot 25, Kalap Subdivision, Brgy. 177, Camarin ng nasabing lungsod. Arestado at nakapiit na ang suspek na si Emmanuel Boado, 36, …
Read More »Comelec gagahulin sa SC TRO — Jimenez
INIHAYAG ang Commission on Elections (Comelec) na magagahol na ang ahensiya kapag susundin ang temporary retraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) sa “No Bio, No Boto” policy sa 2016 elections. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maaapektohan ang paghahanda ng Comelec sa halalan kapag ibabasura ang kanilang polisiya sa pagboto. Ito ay dahil kaila-ngan mag-adjust ang Comelec ng mga …
Read More »Kung meron inyo na — INC (Sa offshore accounts sa Cayman Islands at Switzerland)
PINASINUNGALINGAN kahapon ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala ang bagong mga paratang mula sa mga itiniwalag na mga ministrong sina Isaias Samson, Jr., at Vincent Florida na ilang pinuno ng Iglesia umano ay nagmamantina ng mga personal at hindi awtorisadong accounts sa banko sa Switzerland o sa Cayman Islands, maging ang mga paratang na ang …
Read More »Binay camp itinuro ng Palasyo vs Grace Poe
ITINURO ng Palasyo ang kampo ni Vice President Jejomar Binay bilang pasimuno sa pagkuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Sen. Grace Poe bilang 2016 presidential candidate. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, si UNA Interim Navotas Rep. Toby Tiangco ang unang nagbunyag sa publiko na labag sa Konstitusyon ang kandidatura ni Poe sa 2016 presidential elections. Binigyang-diin niya na kung nalaman agad …
Read More »Ayaw nila akong makatakbo sa 2016 — Poe (Laban dadalhin sa SC)
INAASAHAN na ni Sen. Grace Poe na maaari si-yang matalo sa kanyang kaso sa Second Division ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa iisang dahilan: may mga ‘kumikilos’ para matanggal siya sa karera sa pagka-pangulo sa Halalang 2016. “Siyempre ako ay nalulungkot at desmayado rito, subalit ito kasi inasahan na namin dahil sa mga ipinagkikilos rin ng mga nasa paligid namin,” …
Read More »Pemberton hoyo sa Camp Aguinaldo
PANSAMANTALANG ikinulong si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Camp Aguinaldo makaraang mahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude. Unang iniutos ng Olongapo Regional Trial Court na dalhin si Pemberton sa New Bilibid Prison, ngunit binawi ito ng korte at sinabing sa Camp Aguinaldo siya ikukulong hanggang may mapagkasunduan ang Filipinas at Amerika kung …
Read More »MTPB volunteer todas sa tren
PATAY ang isang 40-anyos volunteer member ng Manila Traffic Parking Bureau (MTBP) makaraang masagasaan ng rumaragasang tren habang umiihi sa gilid ng riles sakop ng Tondo, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Francisco Garcia ng nasabing lugar. Ayon kay Supt. Alex Danile, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 8:05 …
Read More »PH-US Maritime Security Training inamin ng AFP
KINOMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong nagaganap na maritime security bilateral training ang mga sundalong Filipino at US Forces. Ngunit inilinaw ni Iriberri na walang kaugnayan sa isyu ng West Philippine Sea ang nasabing exercise na tinawag na Marsec o maritime security training. Ito’y kasunod sa presensiya ng dalawang US aircraft na naka-standby sa …
Read More »4 bagets arestado sa gang rape
CAGAYAN DE ORO CITY – Agad naaresto ng mga pulis ang apat menor de edad na lalaking itinuturong gang rape suspects sa isang kolehiyala sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City, kahapon ng madaling araw. Ang biktimang itinago sa pangalang Lalang ay kasalukuyang nilalapatan ng medikasyon makaraan halinhinang gahasain ng mga suspek. Inihayag ni PO3 Eniego Obiosca ng Carmen Police …
Read More »Adik wanted sa pagpatay sa ina at lola
CAUAYAN CITY, Isabela – Sasampahan ng kasong two counts ng parricide ang isang lalaking dumaranas ng mental illness makaraang patayin ang kanyang ina at lola. Ito’y sa pamamagitan ng pagtaga sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan gamit ang panggapas ng palay. Kinilala ang suspek na si Seiitchi Sankoite, 20, residente ng Brgy. Cebu, San Isidro, Isabela. Habang ang mga …
Read More »8 estudyante sinampal, guro kalaboso
DAGUPAN CITY- Desididong magsampa ng kaso ang mga magulang ng apat sa walong estudyanteng sinampal ng kanilang guro sa isang paaralan sa Lungsod ng Urdaneta. Batay sa salaysay ng mga magulang ng mga estudyante, nagsimulang magalit ang gurong si Madam Maricar Magtuto nang magkapikonan at magkasakitan ang mga mag-aaral sa isang aktibidad. Dahil dito, ipinatawag ng guro ang walong Grade …
Read More »INC kontra kahirapan (Tulong palalawakin sa bansa)
MARAMI pa rin ang sadlak sa kahirapan kaya minarapat ng Iglesia ni Cristo, sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, na lalo pang paigtingin ang kanilang mga proyektong tumulong sa mga nangangailangan — pangunahin sa mga katutubong komunidad o Indigenous Peoples (IPs) at mga pamayanang salat sa pagkakataon sa kabuhayan. “Noon pa man, katuwang na ang Iglesia ng pamahalaan sa …
Read More »Poe diskwalipikado
DISKWALIPIKADO si Sen. Grace Poe para kumandidatong pangulo sa 2016 elections. Ito ang desisyon na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) Second Division sa botong 3-0. Ayon sa Comelec, hindi umabot si Poe sa residency requirement na 10 taon na iniaatas ng Kons-titusyon para sa mga kakandidatong pangulo. Ang petisyon na dinisesyonan ng Comelec ay inihain ng abogadong si Atty. …
Read More »TRO kontra no bio, no boto inisyu ng SC
NAG-ISYU ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sa ipinatutupad na “No bio, no boto” policy ng Comelec. Nangangahulugan ito na muling nabuksan ang posibilidad na makaboto, kahit ang walang kompletong biometrics data. Una rito, dumulog sa Korte Suprema ang Kabataan party-list para kwestiyonin ang constitutionality ng “No bio, no boto” campaign ng Comelec. Sa kanilang 32-pahinang petition …
Read More »Pag-apruba ng Bicam sa 2016 budget iniliban
HINDI tumagal ng 10 minuto ang unang araw ng Bicameral Conference Committee ng Senado at Kamara kaugnay sa P3.002 trilyon panukalang national budget para sa susunod na taon Agad ding sinuspinde ang Bicam, makaraang hilingin ng House of Representative contingent na bigyan muna sila ng kopya ng bersiyon ng Senado hinggil sa 2016 proposed national budget. Ito ay upang mapag-aralang …
Read More »Kelot natigok sa kandungan ng dalagita sa Digos City
DAVAO CITY –Pinagsisikapan ng mga pulis ng Digos City na maki-lala ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang lodging house kamakalawa. Inilarawan ng mga pulis ang biktimang nakasuot lamang ng asul na t-shirt, short pants at tinatayang nasa edad 40-45-anyos. Batay sa salaysay ng roomboy sa Daniela’s Inn ng Burgos, Bataan, Digos City, nag-check in ang biktima …
Read More »Grade 5 pupil nakoryente sa naka-charge na cellphone
NAGA CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang menor de edad makaraang makoryente dahil sa paggamit ng kanyang naka-charge na cellphone sa Sitio Matan, Brgy. Gaongan, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Judy Ajero, 14-anyos at Grade 5 pupil. Napag-alaman, aksidenteng naidikit ng biktima sa kanyang mukha ang kable ng charger at nakoryente dahil …
Read More »Pemberton 6 taon kulong (Guilty sa homicide)
HINATULAN bilang guilty ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong homicide o pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. Matatandaan, Nobyembre 24 sana ang promulgasyon ngunit dahil sa ilang proseso, itinakda ito nitong Disyembre 1, 2015. Ito ay dahil hindi maaaring lumagpas ng isang taon sa korte …
Read More »Lineman nangisay habang nagkakabit ng internet
DAGUPAN CITY – Agad namatay ang lineman ng isang telecommunication company makaraang makoryente habang nagkakabit ng linya ng internet sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kamakalawa. Pababa na sa hagdan ang biktimang si Larry Valderado, residente sa Brgy. Bonuan Gueset sa Dagupan City nang masagi ang live wire dahilan ng kanyang pagkakoryente. Napag-alaman ng mga awtoridad na hindi …
Read More »Sanggol patay sa malupit na ama (Ibinitin nang patiwarik, sinampal, sinuntok)
PATAY ang isang isang-taon-gulang lalaking sanggol makaraang walang-awang ibitin nang patiwarik, pinagsasampal at pinagsusuntok ng sariling ama sa Quezon City. Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, Quezon City Police District (QCPD) director, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), naaresto si Nazarenio Mendiola, 38, tubong Pangasinan, at naninirahan sa Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, suspek sa …
Read More »Negosyante kritikal sa ‘suicide’
HINIHINALANG nagtangkang tapusin ang kanyang buhay ng isang 66-anyos negosyante makaraang matagpuang duguan at may tama ng bala sa ulo kamakalawa sa Parañaque City. Inoobserbahan sa Las Piñas Doctors Hospital ang biktimang si Tommy Gutierrez, ng 237 Palanyag Road, Gatchalian 2, Brgy. San Dionisio ng naturang lungsod. Base sa ulat na nakarating kay Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel …
Read More »Kelot dedbol sa bundol ng traktora
PATAY ang isang lalaki makaraang mabundol ng isang traktora sa Makati City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay noon din ang biktimang kinilala lamang sa alyas Georgie, tinatayang nasa edad 30-35, payat ang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt at maong pants, dumanas nang matinding pinsala sa katawan. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang operator-driver ng traktora na si Roel Impil …
Read More »INC pinasalamatan ng Bicol IP Community (Tukod-kabuhayan sa ‘bagong eco-communities’)
PINANGUNAHAN ni Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Nobyembre 8 ang pagpapasinaya sa tinaguriang “self-sustaining eco-farming community” na nasa isang 100-ektaryang lupain na idinibelop sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, bilang ayuda sa mga kasapi ng tribong Kabihug, isang katutubong komunidad sa Barangay Bakal, Paracale, Camarines Norte. Ang bagong pamayanan sa Paracale, na kinapapalooban ng …
Read More »