3 drug lords sa Bilibid riot ililipat sa govβt hospital
PLANO ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa government hospital ang tatlong high-profile inmates na nasugatan sa naganap na riot sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP).
Kasalukuyang naka-confine sa Medical Center Muntinlupa (MCM) ang mga inmate na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy.
Una nang sinabi ng MCM, posibleng magtagal nang limang araw ang mga inmate mula nang dinala sila roon noong Miyerkoles.
Ngunit ayon kay BuCor chief Rolando Asuncion, kapag hindi pa stable ang kalagayan ng inmates pagkatapos ng limang araw ay maaari na silang ilipat sa government hospital.
Aniya, patuloy na inoobserbahan ang tatlo kayaβt kailangan pang hintayin na gumanda ang kalagayan bago ibalik sa NBP.
Magugunitang makaraan sumiklab ang stabbing incident sa loob ng maximum security compound ng NBP na tumagal lamang ng isang minuto, ay namatay ang high profile inmate na si Tony Co.
