BUTUAN CITY – Nakaranas ng intensity IV ang lungsod ng Surigao sa tumamang 4.6 magnitude na lindol dakong 6:22 am kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), ang nasabing lindol ay nasa 11 kilometro ng Malimuno, Surigao Del Norte na tectonic ang origin at may lalim na 14 kilometro.
Kasama sa may itinaas na Intensity IV ang Sison sa nasabing lalawigan habang Intensity III sa Tubod at Intensity II sa Mainit sakop ng parehong probinsiya.
Walang naitalang danyos sa nasabing pagyanig ngunit may aasahan na aftershocks.